Chapter 3: Truth

43 21 18
                                    

Charles Evan's POV

Ilang months na pala ang lumipas nung pumasok dito si Tempy. Minsan ko lang siyang kausapin eh, ang sakit kasi na nakalimutan na niya ako at parang akong ibang tao sa tingin niya. Nandito na ako ngayon sa school, nakikinig sa mga ingay ng mga kaklase ko. Hindi ba nilang magagawang tumahimik? -_- Si Tempy di pa dumadating. Ano kayang nangyari dun?

Ilang minutes bago dumating si ma'am Dolar ay dumating na si Tempy na hingal na hingal. Hahaha mukhang nakipagkarerahan sa kabayo eh pero ang ganda niya pa rin.

Umupo na siya sa upuan niya sa tabi ko. Nakita ko sa peripheral vision na kukulbitin niya ako kaso biglang bumukas yung pinto si ma'am pala.

Binati na namin si ma'am at nagsiupo na kami.

"So class so this second quarter magkakaroon tayo ng trip papunta sa isang remote island to study the people living in that island, the rare plants and animals, and the terrain of the island. This serves as your project. The information that you'll be gathering there will be used in making your report paper about it. Kaya it really is a must para kayo sumama, but if ever na may hindi sumama bibigyan ko kayo ng bagong project but mas mahirap." naghiyawan ang aking mga kaklase at ang iba naman nagreklamo dahil daw sa safety namin baka daw kasi kung anong mangyari sa amin habang nagbibiyahe kami, maari daw magkaroon ng aksidente mahirap na daw lalo't remote island pa naman ang pupuntahan natin, meaning baka hindi nila tayo agad marescue kapag may nangyari sa amin.

Sumangayon sa kanya si ma'am pero sinabi naman ni ma'am na they will keep us safe at all cost at tsaka bibigyan daw nila kami Ng GPS so if ever na pag may nawala sa amin madali lang siyang mahahanap. Nareassure naman ako dahil alam kong safe kami at Siya.

I won't let that happen again. Gagawin ko ang lahat para hindi na mangyari yung aksidenteng yon dahil ayoko na siyang mawala sa akin... ng habang buhay dahil lang sa aksidente. Kung dati ay nabuhay pa siya pano pa kaya ngayon? Kung sakali man mangyari iyon handa akong mamatay para iligtas siya, hindi ko man siya nailigtas dati, meron pa namang time ngayon. Hanggang nandito pa ako tsaka siya, proprotektahan ko na siya simula ngayon. This time, I won't make the same mistake again.

Nagtutuloy tuloy ang paguusap nila tungkol doon pero nandito pa rin ako nakaupong tahimik nagiisip... Iniisip siya. Maalala pa kaya niya ako pati yung promise namin? Sana nga pero kelan kailan kaya yung panahon na yun.

Napatigil ako sa pagiisip ko nang pinatahimik kami ni ma'am dahil sa sobrang ingay nila. May sasabihin pa raw kasi si ma'am.

"Ang field trip natin ay sa September 18. Meron pa kayong 1 month para maghanda so paghandaan niyo ito ng mabuti. Class dismissed." umalis na si ma'am at sumunod naman kami para lumabas at pumunta sa canteen. Nang nakarating na kami sa canteen nilibot ko ang mata ko para hanapin siya.

Nakita ko siyang kasama yung mga kaibigan niya at napangiti naman ako nung nakita kong nakangiti siya. Kahit kelan talaga ang ganda ng ngiti niya.

Mas okay na itong nandito lang sa malayo nakatingin kasi mas masakit yung kinakausap niya ako na parang ibang tao ako para sakanya, sabagay nakalimutan na niya ako kaya natural na yun.

Habang nakatingin ako sakanya napansin kong parang may nakatingin din sakanya maliban sakin. Nahagip ng mata ko kung sino yung nakatingin sa kanya. Lumingon ako sa gilid ko at yung nakatingin sa kanya ay ang aking katabi, ang aking best friend. Si Elijah. Nagulat ako kasi yung tingin niya sakanya parang iba, siguro may something siya para kay Tempy.

Kung magkakaroon man siya ng boyfriend o kung magkaroon man ako ng karibal sa kanya...

Kahit sino basta wag lang ang best friend ko.

The One - cmpltdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon