Chapter 4

7.1K 107 9
                                    

Pagdating ko sa bahay, sinalubong agad ako ni dad. Hinalikan ko agad siya sa pisngi at tumungo na sa loob ng bahay.

"O, anak kumusta naman pag-aaral mo? Hindi ka naman na-late kanina?"

"Hindi dad. Ginising mo kaya ako ng maaga kanina kaya sulit din naman."

"Mabuti yan kung ganun. Gigisingin na lang kita araw araw para pumapasok ka na." biro pa niya.

"No need dad but thank you. Where's mom pala dad?"

"Nasa office room niya. Puntahan mo na lang doon kanina ka pa niya hinihintay." Papagalitan na naman ba niya ako? Hindi ako prepared.

"Hindi ka sesermonan noon may sasabihin lang siya." Nabasa agad ni dad ang seryosong mukha ko mabuti na lang at mabait si mom ngayon.

"Okay, sige dad. Puntahan ko lang muna si mom."

I knocked at her door and heard her said to come in. She's smiling so it's a good sign. I kissed her sa cheek at naupo na sa harap.

"Kumain ka na? Pagpasensyahan mo na si mommy, at nadatnan mo pa akong busy kahit nasa bahay na."

Ba't ang bait 'ata niya ngayon? May naaamoy akong di maganda dito, I'm sure she'd ask me a favor.

"Kumain na ako sa labas kanina. Okay lang mom, naiintindihan ko po. Sige po, akyat na muna ako." I have to get away now, kinakabahan ako sa ngiting binibigay niya.

"Bea, dadagdagan ko ang allowance mo pero you have to promise na magiging mabuting estudyante ka." 'yon lang sasabihin niya? ah, yon lang pala. Matagal na niyang sinasabi sa'kin iyan at madami na din akong promises na napapako.

"Okay, mom. I'll be a better daughter and a student from now on.". ngising sabi ko.

" Your tito Albert called me, iniinvite niya tayo next week...." Nawala ang ngiti sa mukha ko nang nagbanggit siya ng pangalan. Ah, ito pala ang sasabihin niya.

"Mom, I don't know. I'm busy." Nakayukong sabi ko.

"Bea, it's time. Alam mo naman 'yon sa sarili mo na kailangan mong tanggapin ang lahat ng nangyari." concerned na sabi niya.

" I know mom. Okay. I'll come with you sa next week. " I surrendered. At tsaka lumabas na sa office.

I saw dad at the sala. I know hinihintay nya lang akong lumabas.

"Nak." Iyon lang ang nasabi niya at nilapitan ako at niyakap.  Sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako iiyak pero bakit sa tuwing malapit na ang karaawan niya nagiging iyakin na naman ako.

"Let it out, baby. Andito lang si daddy for you." Mas lalo tuloy akong napahagulhol sa sinasabi ni dad. Mabuti na lang at wala si kuya Loel kundi aasarin lang niya ako pagkatapos.

"Thanks dad." Sabi ko habang pinupunasan ni dad ang mga luha ko. I'm very much thankful na may family ako na sobrang supportive sa akin at tanggap ako kung ano man ako.

"Anything for you, nak." We both stayed sa sala at nagsimulang maglaro ng video game. Kapag ganitong eksena, nagvivideo game kami pagkatapos.

"Sige, dad. Punta na ako sa room ko. I need to rest na at may early class pa kami bukas." Hinalikan ko siya sa pisngi at nagpaalam na.

"Honey, effective 'ata yong pagdadagdag mo ng allowance kay Bea." sigaw na sabi ni dad. Napapailing na lang ako sa narinig ko.

Dumating akong maaga sa school. Excited ako eh at makikita ko naman ang vitamin see ko. Pagdating ko sa room nadatnan ko si Maki nagbabasa ng libro as usual pero nagulat ako na may ate Ella na natutulog sa seat niya.

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon