Chapter 20

5.7K 106 8
                                    

Jho POV

Nasa loob kami ng classroom naghihintay sa prof naming dumating. Last week na lang at magtatapos na ang first sem. Time flies so fast ika nga nila.

" Guys, iniimbitahan kayo ng parents ko sa bahay naming magbakasyon. Hindi ko nga gusto pero nagpupumilit sila. " pabirong sabi ko.

" Naku yang ugali mo Jho! Hindi ko alam ba't natitiis ka ni Bea! Pero thanks but no thanks na lang Jho, punta kaming Thailand ng family ko sa vacay ko. " si ate Ella.

Bibig talaga niya walang preno.

" Ako din Jho, hindi ako makakasama. Mag-aout of the country din kami ng family ko. " si Maki.

" Ang sabihin mo Makz, lalandi ka lang sa bakasyon! " sabat ni Bea.

" Bei, you should thank me we can't go.. " ngiting sabi ni Maki.

Talaga tong dalawa oh, panay banatan nila.

" Ikaw beh? " tanong ko.

" Of course, Jho sasama ako sa'yo. "

Ang dalawa hindi makapaniwala sa sagot niya. Anong meron doon?

" Talaga bei? Di'ba mag-aout....ahskdfk. "

Tinakpan ni Bea ang bibig ni ate Ella. Hay naku, sanay na po ako sa kanila.
__

Sa wakas at makakauwi na din ako! Namimis ko na ang luto ni mama. Hinanda ko na ang dadalhin kong gamit at pumunta ng bus terminal pagkatapos. Doon na kami magkikita ni Bea. Hindi ko na siya pinayagan na magdala ng sasakyan dahil mahaba ang biyahe at baka mapagod pa siya.

Nakita ko na si Bea nakaupo at nag-eearphones habang naghihintay sa akin. Nakasuot siya ng white t-shirt at maiksing black short shorts at white sneakers. Halos lahat ng tao nakatitig lang sa kanya siyempre I have the prettiest bestfriend pero ang manhid lang niya't di niya napapansing pinagtitilian siya ng mga tao lalo na sa mga babaeng nandoon.

Agad tumayo siya at ngumiti nang makita niya ako.

" What took you so long? I've been here for an hour. "

Sobrang aga naman ata niyang dumating.

" Sabi ko sa'yo 8am tayo magkikita at hindi 7am. "

Ngumiti ng malawak na naman siya kaya napangiti na din ako. Nakakahawa kasi ang mga ngiti niya.

" I'm just so excited lang naman.. Hey, kumain ka na ba? Mom packed me some meals for us. "

Buti na lang kasama ko siya at di na ako nahihirapang maghanap ng kainan. Tipid na din sa allowance kong palagi siyang may free food sa'kin.

" No, hindi pa. Thanks beh at kay tita! Kainin na lang natin yan sa bus. "

Hinawakan ko na ang kanyang kamay at umakyat na ng bus. Nakasanayan ko ng hawakan ang kamay niya o ang yakapin siya at amuyin siya. Ang bango niya kasi I can't resist.

Kumain na kami at nagkwentuhan. Nakatulog si Bea na sumasandal sa balikat ko. Dahil hindi ako makatulog, nakikinig na lang ako ng music sa phone ko.
Tamang tama at tumugtog ang Yellow by Coldplay na isa sa paborito kong kanta.

Look at the stars,
Look how they shine for you,
And everything you do,
Yeah, they were all yellow.

I came along,
I wrote a song for you,
And all the things you do,
And it was called "Yellow".

So then I took my turn,
Oh what a thing to have done,
And it was all yellow.

Your skin,
Oh yeah your skin and bones,
Turn into something beautiful,
Do you know,
You know I love you so,
You know I love you so.

So Into YouWhere stories live. Discover now