Chapter 33

5.1K 106 7
                                    

Jho POV

Magtwo-two weeks ko na ding iniiwasan si Bea simula nang umuwi ako sa Batangas. Iyon kasi ang napagdesisyonan ko, ang iwasan at ibaon sa limot kung ano man ang nararamdaman ko sa kanya dahil hindi ito tama. Hindi tama ang magmahal ng kapwa babae.

How many attempts I tried to tell this to my fam pero walang words lumalabas sa bibig ko. May times na feeling ko I have strength to come out pero nung narinig kong nag-usap sina Mama at kumare nya sa bahay tungkol sa lesbians ay hindi ko na itinuloy ang sabihin iyon sa kanya o kahit kay papa at Ja. Madalas napapangunahan ako sa takot. Naduduwag ako sa kung ano mang pwedeng mangyari sa'kin. Duwag ako, alam ko iyon at mismo sa sarili naiinis na ako.

Mabuti pa sila Maki at Bea, ang tatapang nila. Kay sarap sigurong maging proud ka kung ano ka man. Sobrang bilib ako sa mga taong malakas ang loob to come out.

Nandito lang ako sa library at nagtatambay dahil walang Bea dito at medyo nakakalma ang puso ko. Hindi na ako nagpapahatid or sundo sa kanya o sumasama sa kanya.

Namimiss ko na sya pero kailangan kong gawin to para limutin sya. Ang madalas ko ng kasama ay si Benjie o kaya si ate Ella. Pero more on Benjie na dahil alam kong mas kailangan si ate Ella ni Bea.

Lumabas na ako sa library dahil mag-aalas 3 na sa hapon at may klase kami.

Pumasok na ako sa room. Hindi na din ako nakaupo sa tabi niya at mas pinili kong umupo sa pinakadulo kasama si Benjie.

Nakatingin lang sya sa'kin. Ang lungkot at hinanakit sa kanyang mata na parati kong isinawalang bahala.

"Okay ka lang Jho?" tanong ni Benjie.

"Ha? Oo, naman Benj."

"Alam mo pwede mo akong sabihan sa problema mo." concern niyang sabi.

"Wala naman akong problema."

"Eh, ba't parang may iniiwasan ka?"

Iba talaga 'pag lalaki kasama mo. Madaling makasagap.

"Ha? Wala naman. Ano ka ba."

"Sandal ka na lang dito sa balikat ko kung nabibigatan ka na." sabi niya.

Gustuhin ko mang sumandal eh, naaalala ko lang si Bea na ganun.

"Naku, Benj. Wag na. Tsaka andito na prof natin."

"Ako, okay lang kung nireject mo feelings ko sa'yo dahil friends pa din naman tayo. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit mo iniiwasan si Bea."

Kainis. Wala man lang akong mapapagtaguan ng sekreto sa kanya.

Hindi na lang ako umimik.

"Okay lang naman kung magkakagusto ka sa kanya. Eh, ano naman kung babae kayo parehas? Hindi na naman bago yan."

"Tumahimik ka nga dyan! Bulong ka ng bulong para kang bubuyog dyan!

Tiningnan ko sya ng masama. Huminto naman din ito nakikinig na kay prof.
____

"Can we talk?" si Bea.

Nilingon ko sya. Nakikita kong ang lalim ng eyebags niya at namumugto ang mata. Nakokonsensya ako sa ginawa komg pag-iwas pero firm na ako sa decision ko at hindi na iyon magbabago.

"Sorry, Bea. May pupuntahan pa ako."

Dali-dali kong niligpit ang mga gamit ko at naglakad mabilis.

"Jho! Hintayin mo ko uy!"

Narinig kong tumatawag si Benjie pero hindi pa din ako huminto sa paglalakad.

"Jho and I are gonna talk. Stay away, human."

Alam kong si Bea iyon. Kinakabahan ako kung ano man ang gagawin niya kaya lumingon ako sa direksyon niya. Nandoon sila ate Ells, tiwala akong mapipigilan nila si Bea.

Napatingin si Bea sa'kin at agad naman akong naglakad ng mabilis para makalayo.

May humila sa braso ko. Mahigpit ang pagkakawahak niya na na wari'y nakakapagdulot ng sakit. Hinila niya ako papuntang parking lot.

"Bea, let me go. Saka na tayo mag-usap."

Huminto sya pero hindi nya pa din binibitawan ang kamay ko.

"Kailan Jho? Bukas? Sa susunod na bukas? I am so tired of your excuses!" sigaw niya.

Kasalanan ko to eh. Kung nag-explain lang siguro ako sa kanya, baka maniniwala pa sya sa'kin.

"Hindi ko alam Bea. Ayaw lang kitang makausap. Sana nakuha mo iyon." kalmado kung sabi.

Funny how I speak so calm, when the truth is I'm dying inside.

"Why Jho!? Why!?

Namumuo na ang mga luha sa kanyang mga mata. Pinigilan ko ang akong sariling hindi manghina sa nakita ko.

"Is it because I fall for you? You clearly told me you won't avoid me anymore! Ano tong ginagawa mo!?"

Napatingin ako sa paligid at pinagtitinginan na pa kami ng mga tao.

"Not here Bea. We'll talk somewhere." kalmado ko pa ding sabi.

"I don't care for them!" sigaw niya at tiningnan ng masama ang ibang mga estudyanteng nakatingin sa'min.

Para namang natakot sila at nagsialisan.

"Well, I do!" napasigaw na din ako.

"Oh, you do!? Mas inaalala mo pa ang ibang tao kaysa sa nararamdaman ko ngayon!?"

"Y-yes!"

Tumulo na ang mga luha sa kanyang mata. I'm so sorry at sinaktan na naman kita.

"Kaya ka ba umiwas dahil ayaw mong may manliligaw na tomboy? Kaya ka ba umiwas dahil nahihiya kang minahal ka ng kapwa mo babae?!"

Hindi ko sya sinagot.

"Answer me!"

"Let me go Bea. Ayokong pag-usapan to ulit."

"Answer me!"

Umiiyak na sya. Pero sadyang favor sa'kin ang araw na ito at hindi ako naiiyak. Or baka dahil sa naubos na ito sa kakaiyak ko noong nagdaang araw.

"Hindi mo magugustuhan ang sasabihin ko Bea kaya bitawan mo na ako!"

Mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko at napangiwi na lang ako sa sakit.

"Ano ba! Nasasaktan ako!" sigaw ko.

Tila natauhan naman ito at binitawan niya ako.

"Jho, please sagutin mo ako and I promise not to bother you anymore."

Dapat masaya ako dahil hindi ko na kailangang iwasan sya. Pero ang marinig iyon galing sa kanya,  wala ng mas sasakit pa. Kasalanan ko din naman to. Pinili ko to eh.

"Jho... andami kong tanong kung bakit mo ito ginagawa sa'kin. The last time I checked, ay sobrang okay tayo, tapos heto, iiwasan mo lang ako. I'm going crazy to think of an  answer pero hindi ko naman masagot 'yon!"

Bea, mahal kita. Iyon ang dahilan eh. Gusto ko mang sabihin iyon ay di ko naman magawa dahil duwag ako. Sobrang duwag at pinili kong saktan ang taong minamahal ko. Ang tanga mo Jho.

"Last na 'to Jho. I just want an answer, at hindi na ako manggugulo sa'yo.."

Patuloy pa din ang kanyang pag-iyak. Gusto kong punasan, pero pinili kong hindi gawin iyon dahil duwag nga ako. Leche!

"You're right Bea. Iniiwasan kita dahil mahal mo ako. Sana hindi na lang ako ang pinili ng puso mong mahalin. Sana iba na lang. At sana hindi mo sinabing mahal mo ako. I'm sorry." sabi ko sa kanya habang tinitingnan ko ang namumugto niyang mata.

"Alright then. I'm sorry I love you. I won't bother you anymore." sagot niya at saka naglakad palayo sa'kin.

At ako naman ang naiwang nakatulala sa parking lot. Namalayan ko na lang na may tumulong mga luha sa mga mata ko.
______________________________________________

Update ko na lang to.

Thank you, readers!

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon