Chapter 47

6K 97 47
                                    

Bea POV

"Beatriz, nakikinig ka ba sa'kin?"

Bigla akong napalingon at gulat lang na nakatingin sa kanya.

"Anyare sa'yo Beatriz?! Kanina pa kita kinakausap pero panay naman ang tingin mo sa labas ng sasakyan!" naiinip niyang sabi.

Tulala pa din akong nakatitig sa kanya at hindi makapaniwalang nasa harapan ko siya. Ano 'to? Ano ba ang nangyari? The last time I remember was I got into a car accident. My car was wrecked and I was bleeding and crying and unconscious pero ano 'to?

Am I dead? Probably. Nasa langit na ba ako? Eh, ba't andito si Jho? Ba't kasama ko sya sa loob ng sasakyan ngayon?

Kinusot ko ang aking mga mata at sinampal ang sarili ko kung totoo ba talaga ang nakikita ko ngayon. Napaaray ako sa ginawa ko.

"Tanga ka ba, Beatriz? Kung gusto mong sampalin ang sarili mo, sabihin mo lang dahil ako na ang sasampal sa'yo!" inis niyang sabi pero agad din naman niyang hinaplos ang pisngi ko.

"Kanina pa kita kinakausap pero nakatulala ka pa din. Tell me, my labs sobrang Jhosa na ba ako sa paningin mo at nabibighani ka sa kagandahan ko?" ngiting sabi niya sabay beautiful eyes sa'kin.

Gusto kong matawa sa sinabi nya pero gulat pa din ako at napapatanong kung totoo nga ba ito?

Naguguluhan ako sa nangyari ngayon. Hindi ako makapaniwalang kasama ko sya ngayon. Ang naalala ko ay nag-away kami, hinawalayan ko sya, pinuntahan ko sya sa kanila para magkaayos kami pero nakita ko sila ni Ged na magkasama, naaksidente ako on my way home, at nawalan ng malay o baka naman patay na talaga ako.

I blinked my eyes repeatedly. I tried to utter words pero walang lumabas kahit isang syllable man lang.

Her worried face looked at me and touched my cheek.

"Beh, what's wrong? Why are you crying?"

Tumulo na pala ang mga luha ko. Kung panaginip lang 'to ay ayoko ng magising sa katotohanan.

She pulled me closer to her and enveloped me with her arms.

"Did I do something wrong? Umiiyak ka ba dahil matatagalan pa tayong magkikita after nito?" Inosenteng tanong niya sa'kin.

Wala kang ginawang mali, Jho. Ako, meron.

Hinagod nya ang aking likod at niyakap niya ako ng mas mahigpit.

And I cried in her arms for one moment I was so scared I have died without seeing her and failed answering her calls.

Nanginginig ang buong katawan ko at hindi makapaniwala kung totoo bang si Jho ang kasama ko at okay kami.

She noticed I was shaking thus she hugged me more tightly.

"Stop crying, love. Nandito lang naman ako. Hinding hindi ako mawawala sa'yo. I love you. always and forever." She stated.

Her words soothed me.

Nung kumalma na ako ay humiwalay na ako sa pagkakayakap niya.

"Jho, where are we?"

Hindi ko na napigilang itanong iyon sa kanya.

Kumunot naman agad ang kanyang noo at mas nagdilated pa ang kanyang dalawang mata.

"Anong klaseng tanong 'yan? Teka nga, sabihin mo nga ang totoo Beatriz, ha! Nagdadrugs ka ba?!" galit na sabi niya.

Nagbago agad ang mood niya. Kinomfort niya ako kanina eh, ngayon ay sinisigawan na.

"So where are we?"

I studied her. Ang suot niyang white t-shirt na v-neck at black short shorts na pinaresan ng white converse ay iyon ang isinuot niya nung pauwi na kami galing sa resort. Then, I looked at what I wore, it's blue t-shirt and white short pants and white converse.

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon