Chapter 12

5.6K 111 0
                                    

Bea POV

Maaga akong gumising kinabukasan para maghandang pumasok. Bakas sa mga mukha ng parents ko ang pagtataka sa changes ko. Pati din naman ako nagtataka kung bakit. Ah, hindi pala dahil alam ko na ang sagot.

Dahil sa sobrang galak sa nakikita nila sa akin ay pinagbaonan ako ni mom ng sobra sobrang pagkain for lunch para naman daw mas lalo akong ganahan at saka daw ma-eshare ko ito sa kanilang mga friends ko.

"Hellooooo!!??" sigaw ng kabilang linya.

" Wakey. Wakey, sleepyhead. " nakangiting sagot ko.

" Ang aga pa. Una ka na ng school. " antok na sabi niya.

" Jho, bangon ka na diyan. Nasa harap na ako ng dorm mo. "

Noong hinatid ko siya kahapon, sinabihan ko na siya na sa simula bukas I'll be her driver and sundo. Pumalag pa siya na hindi na kailangan pero sadyang makulit lang ako pagdating sa kanya kaya wala siyang nagawa kundi ang mag-agree.

Matapos ang almost 30 minutes na paghihintay ay nakalabas na din siya sa dorm.

" Hi, Jho! Good morning! Did you sleep better last night? " masiglang bati ko sa inaantok pa niyang mukha.

" Ang aga mo naman yata dito. 7 am pa lang. Dinistorbo mo beauty sleep ko Beatriz. "

" Better nga yan para di ka na ma-late. Tsaka I brought food. "

Kumislap agad ang mata niya sa narinig niya. Kahit kailan talaga kapag pagkain na ang pinag-usapan.

" Tara. Kain ka na lang pagdating natin doon. " Binuksan ko pinto ng sasakyan para sa kanya at agad nagpasalamat dahil sa ginawa ko ba or sa pagkaing dala ko? Ah, baka both yon.

" Bei, nandoon si ate Ella... Baka agawan pa ako nun. " pag-alalang sabi niya.

Natawa ako sa reaksyon niya. Parehas talaga sila ni ate Ells.

" Madami namang pinabaon si mom kaya feeling ko hindi kayo makukulangan. Tsaka I'm sure she alread ate breakfast na. "

" I'm sure she'll eat pa din.. "
__

Nandoon na sina Maki at ate E sa room pagdating namin.

Pagkaupo namin, agad akong kinausap ni Maki.

" Hoy, babae anong ganap? Ba't kayo magkasamang dalawa? " mahinang sabi niya.

Hindi pa man ako nakasagot, nagising si ate Ells dahil sa amoy ng pagkaing dala ko.

" OMG! Pahingi ako niyan Jho! Ikaw nagluto ng lahat ng 'to? "

" Kay Bei to galing. Sa akin lang to kaya wag kang epal diyan. " sagot ni Jho.

" Hoy Bea! Asan ang sa akin? "

" Walang para sayo ate Ells. You ate beakfast na. Kay Jho na lang yan. "

" Isusumbong talaga kita kay tita Det dahil di mo ko binigyan. Pinauna mo pa 'tong katabi ko kaysa sa'kin!"

Si Jho tinawanan lang si ate Ells saka binigyan ng pagkain.

" Siyempre ate Ells, nasa priority list ko kasi siya. Wala ka naman doon kaya waiting list ka lang. " natatawang sabi ko.

Nabusy na ang dalawa sa pagkain at hindi na nagsalita pa.

" Sinundo ko siya kanina Makz kaya magkasama kami. "

Naningkit ang dalawang mata ni Makz.

" Galawang Beadel na naman..! Keep it uo bruh! " asar na sabi niya.

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon