Chapter 5

268 14 1
                                    

"Ivan? Nanliligaw ka ba?"tanung ni Jade na ikinagulat ni Ivan at ganun din si Jade sa kanyang nasabi
Namula si Ivan sa tanung ni Jade
"Pwede ba? May pag-asa ba ako?"tanung niya na siyang kinagulat ni Jade
"Pagiisipan ko"sagot ni Jade
"Paano ko malalaman kung may pag-asa ako?"tanung ni Ivan
"Bigyan mo ako ng panahon para pagisipan hanggang mamayang gabi! Kapag pumunta ako, ibig sabihin tinatanggap ko ang panliligaw mo! Pero kung hindi ako sumipot, siguro alam mo na ang dahilan"sagot ni Jade na ikinatuwa naman ni Ivan
"Hindi ako mawawalan ng pag-asa Jade! Hihintayin kita sa restaurant, where we first met"sabi niya
"Sana wag ka masyadong umasa Ivan"sabi niya
"I'm sorry Jade! But i can't help but to expect! See you Jade"sabi niya at nagpaalam na kay Jade
.
.
.
.
.
Pumunta si Jade sa office ng kanyang kapatid at sinabi ang nangyari kanina
"So, anung balak mo? Pupunta ka ba mamaya?"tanung ni Amethyst sa kanyang kapatid
"Hindi ko alam ate"sagot naman ni Jade
"There's a part na gusto ko siyang tanggapin and a part na hindi"sabi niya na may lungkot sa kanyang mga mata
"Ganito nalang Jade. Tatanungin kita! Ano ang pumipigil sayo para tanggapin ang panliligaw niya? Yung totoo Jade"seryosong tanung ni Amethyst sa kapatid
Nagisip si Jade
"Ate! Wala!"sagot niya
"Yun pala eh! Walang rason para tanggihan mo siya! Meron ka bang nararamdaman para sa kanya?"tanung ulit ni Amethyst
"Ate kelan lang kami nagkakilala? Nararamdaman na agad?"sagot niya sa ate niya
"Sagutin mo ang tanung ko Jade! Ayaw kong pagsisihan mo ito!"sabi niya na may pagaalala sa kapatid
"Oo ate! Nung nakita ko siya kanina, parang ayaw ko na siyang mawala sakin! Parang gusto ko tumigil nalang yung oras para makasama ko siya ng matagal! Yung ganun!"paliwanag ni Jade sa ate
"Then isa lang ang sagot diyan Jade. Go to him! Never let him go!"sabi niya sa kapatid na ikinatuwa naman ni Jade
"Thanks ate! Thanks for understanding and being by my side when i need you the most!"sabi niya sa ate niya
"Ang OA mo na! Kanina ka pa! Na-in love ka lang eh!"pangungutya niya sa kapatid
"Ate naman eh!"inis na sabi niya sa kapatid
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
'8:05 na, bakit wala pa siya'sabi ni Ivan sa kanyang isip
'Hindi na kaya siya darating? Nasan ka na Jade? Please dumating ka na?'
Naghintay si Ivan hanggang 8:30 pero wala paring Jade na dumarating kaya napaupo na lang siya
"Waiter! Yung bill!"utos ni Ivan sa isang waiter sa restaurant
"Bakit? Aalis ka na? Akala ko ba hihintayin mo ako?"sabi ng isang babaeng nasa likuran niya
"Jade!"agad siyang napatayo at hinawakan ang mga kamay ng dalaga
"Sorry! Na-traffic kasi ako eh! Hindi naman kita ma-contact kasi hindi ko alam number mo"paliwanag ng dalaga
"Ok lang! Akala ko hindi ka na darating! Napakasaya ko! Ibig bang sabihin tinatanggap mo na ang panliligaw ko?"tanung niya at tumango naman ang dalaga
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nasa mall sina Amethyst at Mark
"Love, wait lang! CR lang ako ah?!"sabi ni Amethyst sa nobyo
"Sure Love, hintayin kita dito"sabi naman ni Mark
Iniwan na muna pansamantala ni Amethyst si Mark at sabay naman ang pagdating ni..
"Babe!!!"tawag ng isang babae na yinakap si Mark
Liningon ito ni Mark at nagulat siya
"Helen? Anung ginagawa mo dito?"tanung niya na may paggulat
"Well, i've decided to go shopping since nabo-bored ako sa bahay! Samahan mo ako babe!"paglalambing niya kay Mark
"Pasensiya na Helen! Kasama ko girlfriend ko! And please stop calling me babe! Hindi na tayo!"paliwanag ni Mark
"Mas nauna naman ako sa kanya!"sabi naman ng dalaga
"Pero siya na ang mahal ko ngayun! Mabait siya! Hindi tulad mo na walang ibang inisip kung hindi ang sarili mo!"sabi naman ni Mark
"Magpakasaya ka Mark, pero eto ang tatandaan mo! Babawiin kita sa girlfriend mo! Whatever it takes! Catch my drift?!"sabi ni Helen with a smirk on her face
And she kissed him that surprise him and saktong....
"Love, tara n..."sabi ni Amethyst ng saktong nakita niyang hinalikan ni Helen si Mark at sabay silang tumingin kay Amethyst na gulat na gulat
"Amethyst"sabi ni Mark kay Amethyst ng biglang nilapitan siya nito at sinampal
"Mga hayup kayo!!!"sigaw ni Amethyst at tumakbo na palayo
"Amy!!"sigaw naman ni Mark at hinabol ang nobya
"Babe!!"hinawakan naman ni Helen si Mark sa braso
"You get out of my life!!"sigaw ni Mark kay Helen at pinagtinginan siya ng mga tao
At ito ay ikinagalit naman ni Helen
.
.
.
.
.
"Amy!"naabutan ni Mark ang nobya at hinila ang kamay nito
"Mark, just leave me alone!!"pagpupumiglas naman ni Amethyst
"Let me explain, love!"sabi naman ni Mark
"Ano pa ang ipapaliwanag mo Mark! Kitang kita ko na naghahalikan kayo! And dont call me love!"sigaw niya sa nobyo
"Siya ang humalik sakin Amy! Gusto niya akong bawiin sayo pero hindi ako papayag dahil mahal na mahal kita! Siya yung sinasabi kong ex-girlfriend ko na binalewa ako! Siya si Helen! At nagpapasalamat ako na nang dahil sa kanya, nakilala kita! Nang dahil sa pagbabalewala niya sa akin nagawa kong magmahal ng iba at ikaw yun! At kahit anung mangyari Amy ikaw ang pipiliin ko!!"paliwanag nito na ikinagulat naman ni Amethyst
"Talaga?"tanung niya
"Oo love! Ikaw lang wala ng iba!"sabi naman ni Mark na ikinangiti naman ni Amethyst at yinakap ang nobyo at hindi nila namalayan ay maraming taong nakapaligid sa kanila at pumalakpak ang mga ito at hindi nila alam na nandun nanunuod si Helen
"Sa akin ka lang Mark! Akin ka lang!"bulong ni Helen sa kanyang sarili na may galit sa kanyang mga mata
"I'm sorry love! Please forgive me!"bulong bi Mark sa nobya
"I'm sorry din Love dahil inakala ko na niloloko mo lang ako!"sabi naman ng nobya
"Kiss! Kiss! Kiss!"sigaw ng mga tao sa kanila at ginawa nga ito ni Mark at tinanggap naman ito ni Amethyst
"I love you Amethist!"bulong ni Mark
"I love you too Mark"sagot naman ng kanyang nobya
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Hayaan mo Dude! Kakausapin ko si ate!"sabi naman ni Ivan sa kaibigan
"Pare salamat! Ayaw ko lang kasi na mangyari ulit yung nangyari kanina"sabi naman ni Mark
Nasa club silang magkaibigan ngayun
"Pare bakit parang maputla ka?"tanung ni Mark sa kaibigan
"Hindi ko nga alam Dude! May iba nga akong nararamdaman eh! Hindi ko lang alam kung ano! Minsan mabilis akong mapagod lalo na kung magbabasketball ako, minsan nahihirapan akong huminga"sabi naman ni Ivan
"Nagpa-check up ka na ba?"tanung ni Mark
"Hindi pa nga eh!"sagot naman nito
"Pumunta ka sa office ko sa hospital tomorrow! Don't worry Cardiologist ako Pare! Aalamin natin kung ano ang nararamdaman mo na yan! At sana hindi malala"sabi niya sa kaibigan
"Ok dude! Salamat! Dude CR lang ako!"paalam niya sa kaibigan ngunit pagtayo niya bigla siyang kinapos ng hininga at nahilo
"Pare ayus ka lang?"tanung ni Mark sa kaibigan hawak ang braso nito at tuluyan ng nawalan ng malay si Ivan
"Ivan!! Pare!"

Author's Note
Halahhh anung nangyare kay Ivan!!! Ok lang kaya siya!!! Abangan niyo yan sa susunod na chapter guys!!! Hope u enjoy guys !! Please vote and comment!!! Thanks for reading mga Apwe!! Avisala Eshma

P.S: cardiologist ay doctor sa puso

STAY (KyRu ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon