Chapter 11

294 17 11
                                    

Lumabas si Jade galing sa kanyang silid at nakita niya si Amethyst sa terrace na mukhang malalim ang iniisip.
"Ate?"tawag ni Jade sa kapatid na siyang liningon naman ito.
"Hindi ka pa kumakain! Magkakasakit ka niyan eh!"sabi ni Jade na may pagaalala sa kapatid
"Wala akong gana Jade!"maikling sagot ni Amethyst
"Kaninang umaga ka pang walang kain"sabi ni Jade
"Ayoko kumain"sagot ni Amethyst
"Ate,wag mong parusahan ang sarili mo! Halika at ipaghahain kita!"pagpupumilit ni Jade sa kapatid
"Sabing ayoko nga eh!"galit na sabi ni Amethyst
"Ate, huwag mong parusahan ang sarili mo!"pasigaw na sabi ni Jade sa kapatid
Tinalikuran lamang ito ni Amethyst
"Ate, na-comatose lang si Kuya Mark!"sigaw ulit ni Jade
Sa sinabi na iyon ni Jade ay sinampal siya ng kapatid at napahawak ito sa sariling pisngi
"Lang Jade?!! Na-comatose Lang??!! How dare you?!! Gusto mo akong kumain dahil na comatose lang si Mark?!! Anung gusto mong gawin ko? Magpakasaya?!!"sigaw niya sa kapatid na hawak hawak ang kanyang pisnging nasampal
"Sa bagay! Hindi mo ako naiintindihan! Dahil nagising na si Ivan at si Mark hindi!"sa pagkasabi ito ni Amethyst ay tumalikod narin
"Ate"kakausapin pa sana ito ni Jade kaso sinaraduhan siya ng pinto ni Amethyst
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Papasok na sana si Mark sa sala ng marinig niya si Helen na may kausap sa telepono.
"Kapag pumalpak ka pa ngayun, sisiguraduhin ko na hindi mo na maaubutan ang araw kinabukasan!! Naiintindihan mo ba ako??!!!"sigaw ni Helen sa telepono at nagulat siya ng makita si Mark sa pintuan at binaba ang telepono
"Ivan? Kanina ka pa ba diyan?"tanung ni Helen na may halong kaba
"Hindi ate! Kararating ko lang! Sino ba yung kausap mo at parang galit na galit ka?"paliwanag at tanung ni Mark
"W-wala! S-si Mang Ador! O-oo si Mang Ador! P-pumalpak kasi siya sa pinabili ko sa kanya kanina a-at nainis lang ako!"nerbyos niyang sagot sa inaakala niyang kapatid
"Is that so? But you shouldn't have talk to him that way! Mas matanda parin siya satin ate, kaya kailangan parin natin siyang igalang!"sabi naman ni Mark kay Helen at tumango na lamang si Helen at pinapawisan ito
"Ok then, i'll go upstairs!"sabi naman ni Mark
"O-ok!"tanging sagot ni Helen
Habang paakyat siya ng hagdanan liningon niya ulit ang dating kasintahan at kumunot ang noo nito sa inaasal ng dalaga pero hindi na lamang niya ito pinansin
.
.
.
.
.
*knock *knock *knock
"Ate?"tawag ni Jade sa kapatid ngunit hindi ito sinagot kahit narinig siya ng kapatid
Nilapitan niya ito na may dala-dalang lollipop at inabot ito sa kapatid
"Ate, i'm sorry! I know i shouldn't have said that! I'm sorry na ate, please! I promise i won't do it again"paghingi ng tawad ni Jade sa ate
Liningon naman ito ni Amethyst at kinuha ang lollipop at nginitian ang kapatid na napaluha na pala
"Halika nga rito!"sabi ni Amethyst
Lumapit naman si Jade at niyakap ang kapatid
"I'm sorry din kung nasampal kita! Nabigla lang ako! Alam mo naman na hindi kita matitiis Jade!"sabi naman ni Amethyst na tumulo narin ang luha
Inabot din sila ng ilang minuto nagiyakan sa isa't isa
.
.
.
.
.
Habang nasa kwarto si Mark ay pinagmamasdan niya ang kanyang kanang palad at may 2 malaking bilog at isang maliit na bilog na para bang sinulatan ng marker pen
'Tingnan mo ang iyong palad Mark'utos ni Helen kay Mark na nakasanib na sa katawan ni Ivan
Tiningnan ito ni Mark at nakita niya ang tatlong malaking bilog na marka sa kanyang palad
'Ano po ito?"tanung naman ni Mark sa magasawa
Kahit na nagamit na ni Mark ang katawang lupa ni Ivan nakikita niya parin sina Ivan, Nardo at Helen
'Bibigyan ka lamang namin ng tatlong araw na gamitin ang katawan ni Ivan para makapagpaalam ka kay Amethyst! Makinig ka nang mabuti Mark. Kapag paliit na ng paliit ang isang bilog sa iyong palad, ibig nitong sabihin ay malapit ng matapos ang isang araw mo dito sa lupa! At sa ikatlong araw, kapag lumiit na ang natitirang bilog hanggang sa mawala ito, ibig sabihin nito ay kailangan mo nang iwanan ang katawang lupa ni Ivan at bumalik sa pagiging isang kaluluwa na siyang magiging kasabay ng pagkawala ng hininga ng iyong katawang lupa"paliwanag ni Nardo
"Malapit nang matapos ang isang araw! Kailangan ko nang puntahan si Amethyst at sabihin sa kanya na ako si Mark!"sabi ni Mark sa kanyang sarili at tumayo na ito at kinuha ang susi ng kanyang kotse

Author's Note:
Magagawa kaya ni Mark na paniwalain ang nobya na siya si Mark habang ang kaluluwa niya ay nasa katawan ng kabigan? Abangan natin sa next chapter mga Apwe! Avisala Eshma sa pagbasa! Please vote and comment po!

STAY (KyRu ON-GOING)Where stories live. Discover now