Chapter 16

404 21 13
                                    

Makalipas ang ilang araw ay malungkot parin si Amethyst sa pagkawala ni Mark. Gustong niyang tanggapin na wala na ang kanyang namayapang nobyo ngunit iniisip niya parin ito. Nasa kuwarto siya ni Ivan na hindi parin nagigising. Linapitan niya ito.

"Ivan, please take care of Mark's heart"napaluha na lamang siya habang sinambit ang mga katagang iyon

"Ate?"tawag ng kanyang kapatid mula sa likod

"Jade!"pinunasan niya agad ang kanyang mga luha saka hinarap ang kapatid

"Ate, wag ka nang umiyak! Nandito naman ako eh! Hinding hindi kita iiwan!"sabi ni Jade at lumapit siya sa kapatid para yakapin ito. 

Napayakap narin si Amethyst sa kanyang kapatid at binuhos ang kanyang iyak sa bisig ng kanyang mahal na kapatid.

Habang nagyayakapan ang magkapatid, gumalaw ang mga daliri ni Ivan at pati narin ang kanyang ulo. Napansin iyon ni Amethyst.

"Jade, si Ivan!!"sabi niya sa kapatid na ikinagulat nito

"Ivan!!"tuwang sabi ni Jade

"Doc"sigaw ni Amethyst. 

Umuungol si Ivan na parang may gustong sabihin.

"Ivan I'm here!"sabi ni Jade at hinawakan ang kamay ng kanyang nobyo

Hindi parin tumitigil ang pagungol ni Ivan hanggang sa...

"Amethyst,"sabi ni Ivan

"Ivan, ako to si Jade! Nakikilala mo ba ako? Ako to si Jade, girlfriend mo!!"sabi ni Jade

"Amethyst!"sabi ni Ivan na hindi masyadong maliwanag pero alam nilang si Amethyst ang tinatawag nito

Lumapit si Amethyst at umatras ang kapatid. Hinawakan ni Amethyst ang braso ng binata

"Ivan, I'm here! What is it?"sabi ni Amethyst

Ngunit nagulat ang magkapatid nang hawakan ni Ivan ang kamay ni Amethyst.  Napatingin na lamang si Amethyst sa kanyang kapatid at ganun din ang kanyang kapatid. Pumasok na ang Doctor at mga nurse para tingnan si Ivan. At tulala parin si Jade

Author's Note:

Ano kaya ang mangyayari pagtapos ang pagtawag ni Ivan kay Amethyst imbes na nobya ang tawagin. Magseselos kaya si Jade sa kanyang kapatid. Abangan po natin yan mga apwe. Avisala eshma po sa pagsubaybay sa kwento ko. And dont forget to vote and comment po for suggestions para mai-dagdag ko. Maraming salamat at God bless mga apwe.

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Jan 24, 2018 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

STAY (KyRu ON-GOING)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora