Chapter 7

232 13 5
                                    

"Helen, what are you doing here?"gulat na tanung ni Mark
"Surprise!!! Nalaman ko kasi kay Ivan na dito ka Buenaventura General Hospital nagwo-work! Kaya i decided to surprise you!"palanding sabi naman nito
"Helen, please leave! Pagmamayari itong hospital na ito ang girlfriend ko! Baka may makakita sa atin at kung anung isipin!"sabi niya
"And so! At least madali mapasaakin"sabi naman ni Helen at hinawakan niya si Mark sa balikat at lumayo naman ito
"Dahil sobrang yaman yang girlfriend mo kaya mo ako iniwan? Mark, mayaman din naman ako ah!"sabi naman ni Helen
"Helen, hindi ko siya minahal dahil mayaman siya at ganun din ang naramdaman ko sayo noon! Pero anung ginawa mo! Ginawa mo lang akong parang isang trophy na ipinagyayabang mo lang sa mga kaibigan mo ang boyfriend mo ay isang doktor! At umalis ka lang na walang pasabi at nalaman ko nalang nung tumawag ka sakin nung nasa America ka na!"sabi ni Mark na may galit sa kanyang mukha
"I was not expecting na magagalit ka lang ng dahil don! America lang yun Mark!"paliwanag naman ni Helen
"Lang Helen? America LANG yun? Para sayo ok lang pero sa akin hindi! Dahil nung mga panahon na yun iniisip ko kung babalik ka pa! At salamat sa pagalis mo, nakilala ko ang taong magpapasaya sakin at yun ay si Amethyst! Kaya nagpapasalamat ako na nang dahil sayo, nakilala ko ang babaeng nagmahal sakin na walang hinihinging kapalit"sa pagsabi niya nito ay sinampal siya ni Helen
"How dare you! Pagsisisihan mo ito Mark! Hindi mo pa ako lubusang kilala kung magalit!"sabi ni Helen na galit na galit at tinalikuran niya na si Mark
.
.
.
.
.
Pumasok na si Helen sa kanyang kotse at pinagpapalo ang steering wheel
"Damn you Mark!!! Damn you!!"sigaw ni Helen
"Kung hindi ka magiging akin! Hindi ka rin maaaring mapunta sa iba"galit nitong sabi
Kinuha niya ang kanyang cellphone at tumawag...
"Hello Diego, si Helen Flores ito! May ipapagawa ako sayo!"sabi niya sa kausap niya
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
One week nang nanliligaw si Ivan kay Jade. Nasa isang park sila.
"Jade gusto mo ba ng magic?"tanung ni Ivan kay Jade
"Sige sige!"sagot naman ng dalaga
Kumuha siya ng isang piso sa kanyang bulsa at ipinakita ito kay Jade
"Eto ahh!! Ilalagay ko dito!"sabi niya at inilagay ang isang piso sa kaliwang kamay niya at sinara ang kanyang dalawang kamay at sumayaw ng asereje! Natawa naman si Jade sa ginawa ng binata
"So, nasan ang isang piso?"tanung ni Ivan sa dalaga
Tinuro naman ni Jade ang kaliwang kamay ni Ivan
"Sigurado ka ba jan?"tanung ni Ivan
"Ayy hindi nandito pala"sak tinuro ang isang kamay ni Ivan
"Sure ka na jan ah! Dahil pag mali ka hahalikan kita"tanung ulit ni Ivan
"Yes! Sure ako!"sagot naman ng dalaga
Binuksan ni Ivan ang kanang kamay niya at wala doon ang isang piso at namula naman si Jade
"Ay nandito pala"tinuro ni Jade ang isang kamay ni Ivan at binuksan niya ito at yun ay ang ikinagulat ni Jade
"Halahhh san napunta?"pagtataka ni Jade
"At dahil mali ka"sabi ni Ivan at palapit ito ng palapit sa dalaga na siyang nerbyos naman ni Jade
Yayakap si Ivan sa kanya at napapikit naman siya at napanguso si Jade naghihintay na halikan siya ni Ivan.
Natawa naman si Ivan sa ikinilos ng dalaga.
Pero hindi nito hinalikan ang dalaga at niyakap niya ito at may kinuha sa likuran ng dalaga na ikinamulat ni Jade
At ipinakita ni Ivan ang piso sa dalaga na ikinamangha naman nito
"Wow ang galing"sabi naman ni Jade
"May isa pa akong magic"sabi ni Ivan
"Sige!!"excited na sabi ng dalaga
Tiniklop ni Ivan ang kanyang kamay na may isang piso
"Blow it!"sabi niya at siyang ginawa naman ni Jade
Nang ibuka ni Ivan ang kanyang kamay ay nagulat si Jade sa kanyang nakita dahil isa itong SINGSING!!!
"Ivan"ang tanging nasambit na lamang ni Jade
Lumuhod siya dito at tinanung ang dalaga. Pinagtitinginan sila ngayun ng maraming tao.
"Jade! Nung una palang kita nakita na-in love na ako sayo! Natutuwa ako dahil dumating ka nung gabing hinintay kita sa restaurant! Na kahit sandali pa lamang tayo nagkakilala tinanggap mo ako! Sobrang saya ko dahil ikaw ang nagpatibok nito"turo niya sa kanyang dibdib. Samantalang napatakip naman si Jade ng kanyang ilong at bibig sa sobrang sorpresa
"Kaya sana tanggapin mo ang pagmamahal ko! Jade Buenaventura! Doctor of my empty heart! Will you be my girlfriend?!"tanung niya nagpakilig sa mga nanunood sa kanila
"Yes Ivan! Yes!"ang tanging nasabi ni Jade sa binata sa sobrang tuwa at isinuot na sa kanya ni Ivan ang singsing
"Thank you Jade! I love you!"sabi ni Ivan sa dalaga at hinalikan ito sa noo
"I love you too Ivan!"sagot naman ng dalaga at nagpalakpakan naman ang mga tao sa paligid nila
Sobrang saya nila sapagkat magnobyo at magnobya na sila
Biglang sumikip ang dibdib ni Ivan na tila hindi ito makahinga at nawalan ito ng malay!!!
"Ivan? Ivan??!!! Anung nangyayari sayo? Tulong!!! Tulungan niyo kami!!! Tumawag kayo ng ambulansya parang awa niyo na!!"sigaw ni Jade

Author's Note:
Naku kung kelan sinagot na siya ni Jade saka pa ito nangyari sa kanya! Malalaman na kaya nila kung bakit nangyari sa kanya iyon? Abangan po ninyo sa next chapter! Avisala eshma sa mga readers ng Stay... please vote and comment po

STAY (KyRu ON-GOING)Where stories live. Discover now