Suicidal??? part 2

807 21 0
                                    


Pumunta kami sa Cr at nakalock, kinalampag ni Jungyeon yung Cr "Momo anjan kaba?!! Momo!!?" sigaw ni Jungyeon "Momo!!Momo!!Buksan Mo To!!" Sigaw ni Mina halatang maiiyak na.

Sunod-sunod na lumabas sila unnie sa kwarto dahil sa ingay namin!

"Ano bang problema nyo?! hindi nyo ba alam na gabi na ha!!?" Galit na sigaw ni Hyoyeon unnie, short tempered talaga

"Unnie si Momo ..." maiyak-iyak na sabi ko.

"Oh?Anung nangyare kay Momo?" takang tanung ni Unnie Sunny

"Nasa loob sya ng CR, ayaw kaming pagbuksan ilang oras na sya anjan eh!"

"ANO?!!" Gulat na Tanung ni Hyoyeon Unnie, kinalampag nya na yung pinto ng CR

"Momo! Kung ano mang binabalak mo, wag mong ituloy please!!Momo! buksan mo yung pinto!Momo!!!" nakita naming tumutulo na yung luha ni hyoyeon alalang alala sya ka Momo

"Hyoyeon eto yung susi ng CR"nanginginig na inabot ni Unnie Yoona ang susi, agad ding kinuha at binuksan ang pinto ng cr....

Pero wala si Momo...

"Wala naman sya dito!Asan sya?!"tanong ni hyoyeon unnie na may pag aalala

"Hindi ko alam Unnie" sagot ni jeong

"AHHH!"sigaw ni Mina kaya napatingin kami sa kanya "Anong problema Mina?"Nag aalalang tanong sakanya ni Unnie Seohun " Ma-may Du..dugo sa sahig!"Umiiyak na sabi ni Mina, oo nga may dugo nagkalat sa Cr at may bakas din ng dugo sa sahig papuntang pinto palabas ng dorm

Mina POV

"AHHH!" Napasigaw ako dahil sa dugo na nakita ko sa lapag ng CR

"Anong problema Mina?" tanung ni Unnie sakin

  " Ma-may Du..dugo sa sahig!"  nanginginig at naiiyak na sabi ko kay unnie sabay-sabay nilang tiningnan ang bakas ng dugo patungong pintuan palabas ng dorm , ng maka recover ako sa takot at kaba ko agad akong pumasok sa kwarto, hinanap ang cellphone ko at susi ng sasakyan ,lumabas na ko ng dorm narinig ko pang tinatawag ako nila unnie pero hindi na ko nag abala pang lumingon duniretso ako sa sasakyan ni unnie na nakapark sa labas at pinaandar ko, alam ko na kung asan si Momo, isa lang naman ang pinupuntahan nya pag na de-depressed sya.

Momo POV

Sobrang sakit, nahihirapan na ko sa sitwasyon namin na lagi nalang kaming nabubully, walang nagtatanggol samin, pagod na pagod na ko, tumayo ako sa kama ko at naglakad palabas ng room namin ng tawagin ako ni Minari

 "Momoring san ka pupunta?"Sh*t! nakakaakit ang boses nya, 

"Shhh! Momo wag mong pagnasaan ang bestfriend mo!" saway sakin ng utak ko.

"Mag ccr lang"sabi ko kay mina sabay labas ng kwarto

Kainis tong utak ko panira ng moment ! stress reliever ko yun eh, sinarado ko na yung pintuan ng kwarto

pagkalabas ko ng kwarto dumiretso na ko sa cr pero sa hindi inaasahang pagkakataon nadulas ako sa loob ng cr at nasabit ako sa matalim na bakal na nakausli sa gilid ng pintuan kaya naman nagkaroon ako ng sugat sa kamay, f*ck ang sakit, nagdudugo na sya ngayon, tumayo  na ko mula sa pagkakadulas ko at lumabas na ng cr, sinigurado ko munang na ilock ko yung cr para wala munang makagamit dahil delikado, baka may madisgrasya pa, kainis napaka clumsy ko talaga!hays, dumiretso ako sa kusina para linisin at gamutin ang sugat ko, kainis puro kamalasan ang nangyayari sakin ngayon, haaay naaalala ko nanaman yung nangyari kanina.Pagkatapos kong gamutin yung sugat ko lumabas ako ng dorm para makapag muni-muni, dumiretso ako sa secret place ko kung saan ako nakakapag relax kapag sobrang down na down ako. Andito na ko ngayon sa paraiso ko! nahiga ako sa damuhan habang naka open arms ang sarap ng hangin ang lamig ..brrrrr... tumayo ako para mapagmasdan ang view, nasa isang mataas na lugar ako ngayon kung saan kitang-kita mo ang view ng  city night lights, simula ng madiscover ko tong lugar na to, na overcome ko na yung pagiging suicidal ko, mas masarap sa pakiramdam ang preskong hangin na nararamdaman mo kesa sa dugo na dumadaloy sa pulso mo, I spread my both hands to feel the breeze of fresh air and then nagulat ako ng biglang may yumakap sakin sa likod pero hindi na ko nag abalang lumingon pa dahil sa amoy palang kilala ko na kung sino sya.

'sus araw araw mo ba namang sinisinghot yung amoy nya imposible namang hindi mo pa sya makilala'  pang aasar sakin ng utak ko,

'shut up! wala kang silbi ngayon!' pakikipagtalo ko sa utak ko

"Momoring are you okay?" malambing na tanong ni Mina "hmmm" sagot ko sabay tango habang nakangiti, mas lalo pa nyang hinigpitan ang yakap nya sakin ang sarap sa pakiramdam...

bigla syang bumitaw sa pagkakayakap.. tssss.. kaya humarap ako sa kanya na naka pout

"Hirai Momo!" yung kaninang malambing nyang boses biglang napalitan ng inis..

"Ye..yes?" nangangatog na sagot ko sakanya..

-------------------

A/N

Bitinin ko muna kayo,

BTW thanks sa pag aabalang basahin to.

Actually first Story ko to na ginawa, kaya ipagpaumanhin nyo kung marami man akong TypoError ^_^

Kamsahamnida!! 

BESTFRIENDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon