So Close, Yet So Far

788 21 0
                                    


...Nagulat ako ng biglang may yumakap sakin...si unnie hyoyeon, umiiyak sya mukhang nag-alala talaga.

"unnie sorry" mahina kong sabi

"Are you ok? may masakit ba sayo? asan ang sugat mo? nagamot na ba? halika dito gagamutin ko.."

"Unnie ayos lang ako nagamot ko na ang sugat ko, hindi ko sinaktan ang sarili ko wag kang mag alala, nadulas lang ako kanina kaya ako nasugatan" nakangiti kong sagot sa kanya

"Ganun ba?" tanging sagot nya

Oh owww.. mukhang heto na ang oras para takpan ko na ang tenga ko ah? nawala na kasi yung pag-aalala sa boses ni unnie, pero bago ko pa matakpan ang tenga ko naramdaman ko na ang kamay nya dito at napingot nya na ko.

"Ano ba kasing nasa isip mo ?!bakit ka umalis ng dorm hindi mo ba alam kung anong oras na ha?!!" sigaw sakin ni unnie

"At ikaw Mina? sinong may sabi sayo na pwede mong gamitin yung kotse?wala ka pang lisensya ! paano kung madisgrasya ka sa daa?!!"Sigaw din ni Sephyun unnie kay Mina

"At kayong dalawa anong meron sa inyo at bakit magka holding hands kayo?" Ma awtoridad pero halatang pabiro na tanong ni yoona unnie,

bigla akong nag blush kaya nagtago ako sa likod ni Mina.

"Oo nga!May Thing Kayo noh?!"sabay sabay na sabi nila Nayeon

"Anong Thing?Bestfriend kami ni Momo kaya natural lang yon!" pagpapaliwanag ni Mina

'Ay girl Bestfriend zone ka, wag assuming ha?' pang-aasar ng utak ko, minsan iniisip ko kung may silbi ba talaga tong utak ko eh, sarap tusukin!

Iniwanan ko na sila sa living room at dumiretso na sa kusina para maghanap ng makakain dahil kanina pa ako walang kain,atsaka kaya na ni Mina magpaliwanag sa kanila sumasakit lang ang ulo ko sa mga bunganga nila

'o baka naman pati puso mo sumasakit kasi BESTFRIEND ka lang naman nya atsaka~~~!'

Isipin nyo nalang na tinusok ko ng tinidor ang utak ko at tinanggal na sa ulo ko,walang silbi eh!

Sumunod nadin yung iba sa kusina at naghahanap din ng makakain

"Ako na magluluto ng pagkain pare-pareho tayong walang kain" Sabi ni Taeyeon unnie

"Tulungan na kita" pagpiprisinta ni Tiffany unnie

"Dun muna kayo sa living room ayoko ng magulo dito sa kusina!" sigaw ni Taeyeon

"Sus gusto nyo lang mag solo." singit ni Yuri unnie kaya napatingin kami kay tiffany at taeyeon unnie, Omo! nag bu-blush sila! Anong meron? O_o

"Magsilabas na nga kayo!" sabay tulak samin palabas

"Oo na lalabas na wag nyo na kaming pag tulakan! ayaw paistorbo amp!" Sigaw ni Sunny unnie. Tinignan lang sya ng masama ng dalawa

Pagkatapos namin kumain , dumiretso na kami sa kwarto para matulog, nakakapagod na araw to at sigurado akong mas nakakapagod bukas.


BESTFRIENDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon