Truth

879 18 0
                                    

Yoona POV

Maaga kaming umalis ng dorm para sa photoshoot namin sa hindi inaasahang pagkakataon nga naman sa Dream Academy ang place ng photoshoot namin...sa school nila chaeng.

Nag isip kami ng mga idea para isurprise sila pero bago pa kami makapasok sa gate ng school nila parang kami yata ang nasurprise, nag init agad ang ulo ko, ganun din ang iba pang members.

"Ang aga-aga nakikipag away nanaman sila!"Sigaw ni Hyoyeon , bababa na sana sya ng van pero pinigilan sya ng manager namin, oo nga pala bawal naming ipaalam na kapatid namin sila! kainis!! napatingin sila sa direksyon ng van kung saan kami nakasakay , mukhang alam na nila na andito kami, napahinto sila sa ginagawa nila kaya napabagsak sila ng mga kaaway nila.

Dumating na din ang principal nila pero nakatingin padin sila sa direksyon namin, lumayo lang ang tingin nila ng sumigaw na ng bongga ang principal nila. Tch. Makikick out sila?!! lalong nag init ang ulo namin. bumaba na kami ng sasakyan ng makaalis na ang principal at naglakad na ko papunta kay Chaeng "Pagkatapos nyo maglinis ng gym dumiretso kayo sa rooftop!!"galit na bulong ko kay chaeng  bago umalis. Pare-pareho naming binalibag ang gamit namin ng makapasok kami sa isang vacant roo. Punong-puno ng galit ang aura namin ngayon at ramdam ng mga staff yun, binigyan nila kami ng 2hrs. break bago kami mag start ng photoshoot dahil alam nilang wala pa kami sa mood para magtrabaho. Tumayo ako at naglakad palabas ng room 

"san ka pupunta yoona?"

"Cr lang" pagdadahilan ko.Imbis na pumunta ng CR dumiretso ako sa Gym, hindi ako maliligaw dito dahil dito kami nag-aral dati.Walang gaanong tao dito sa labas, may klase kasi ang mga studyante . nakasuot ako ng hoodie at mask para hindi ako makilala nadala ko din pala yung camera ni yuri, Bago ako pumasok ng Gym nakita kong pumasok din dun yung mga babaeng nakaaway ng mga kapatid namin, pasimple akong sumilip sa loob at nagulat ako sa nangyari, pinagbabato nila ng itlog ang mga kapatid namin, narinig ko din ang pinaguusapan nila kaya mas lalo akong nagulat, literal na napanganga ako sa mga narinig ko, pero ang ikinatigil ng mundo ko ay yung palibutan nila ang grupo nila Chaeng at buhusan ng gas ang paligid nila at sindihan yun! di ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko, nakita kong niyakap ni Dahyun si Chaeng para hindi sya mapaso, pero nakita kong namumula na ang hita ni Dahyun dahil sa init ganun din silang lahat naiiyak na sila sa sakit kaya bigla akong natauhan!

"Itigil nyo Yan!!"Galit na sigaw ko kaya napatingin silang lahat sa akin at napatigil sa pagtawa yung mga babaeng impakta!Bullshit!sarap Lagasin ng buhok!Agad kong kinuha ang fire extinguisher at lumapit kila Chaeng para patayin ang apoy, kitang kita ko sa mukha ni Chaeng ang gulat ganun din sila Jihyo. agad akong humarap sa mga babaeng gumawa neto sa kapatid ko!

"Sino ka ba hah?!!bakit mo kami pinapakelaman?!!" galit na sabi ng isang impakta

"HINDI MO AKO KILALA HUH?!!"Galit na sigaw ko kay napatahimik sila, hinawakan ni Chaeng ang kamay ko at umiling sya, sinesenyasan nya ako na wag magpakilala,Shiiit! Gusto ko ng Kalbuhin tong mga babaeng to!! Kaso baka maging laman ako ng Headlines at madamay pa ang ibang members pag ginawa ko yun. Kaya wala akong nagawa kundi ang magsinungaling.

"Pinapunta ako ng principal dito para tignan sila, diba may klase pa kayo?Anong ginagawa nyo dito? umalis na kayo kung ayaw nyong isumbong ko kayo sa principal"Walang gana kong sabi sa mga impakta

"Ok girl's tara na, tapos na business natin dito."Agad ding umalis ang mga impakta

"Anong nangyari?"Walang maang kong tanong sa kanila

"Ah..Eh ano unnie pumunta lang sila dito para tulungan kami, di ba guys?" Sabay tingin sa iba pang members para humingi ng suporta, tch, sa tingin ba nya maniniwala ako sa kanya?

"Bakit ang daming basag na itlog dito?"Walang gana ko pading tanong

"Ano..kasi..Uniie Yoona naghaharutan po kasi kami kanina pero nauwi sa batuhan ng itlog tapos nabangga namin yung container ng gas kaya natapon.yun po.."

"Ganun ba?

"Ganun Nga po Unnie"Sabi ni Chaeng, Hindi ko na kaya.. nasampal ko si Chaeng na ikinagulat ng lahat!

"Ganun ba Chaeng ?!!Anong Akal mo sakin Tanga?!!Kitang kita ko yung nangyari!at wag nyong idadahilan na ginantihan lang nilakayo! dahil rinig ko ang usapan nyo!!kelan pa to nangyayari?Kelan Pa!!!?Wag nyo ng subukan pang magsinungaling dahil hindi na tatalab sakin yan!!!!"Maiyak iyak kong sigaw sa kanila dahilan para maiyak din ang iba, napatingin ako kay Chaeng na namumula ang mukha dahil sa sampal ko kaya bigla ko syang niyakap, nagiyakan kaming dalawa at niyakap ko din ang iba, Shit!

"Sagutin nyo ko kelan pato nagsimula?"May pag aalalang tanong ko sa kanila

"Since Freshman palang po kami"Mahinang sagot ni Jihyo na ikinabigla ko

"WHAT??!! dalawang taon na kayong nagtitiis sa mga pam bubully nila?! dalawang taon mahigit kayong nagsinungaling saamin?! yung mga sugat,pasa, pilay at paso nyo dahil sa pambubully lahat ng yun?!!Bakit hindi nyo manlang sinabi sa amin?Araw-araw kayong dumaranas ng pambubully sa eskwelahan tapos kapag umuuwi kayo sa dorm nakakatanggap pa kayo ng sermon at sampal samin!ni hindi manlang kayo nagpapaliwanag samin?Puro pagsisinungaling ang ginagawa nyo."Tuloy-tuloy kong sabi kaya halos maubusan ako ng hangin, nakita ko pang tumawa ng mahina si nayeon dahil halos maghabol ako ng hininga kaya tinignan ko lang sya ng masama kaya tumigil din sya. Tch mana sa kapatid talaga.

"Sorry unnie"sabay-sabay nilang sabi at umiyak nanaman sila

"Shhh.tama na, kaylangan tong malaman ng iba pang members!"Matigas kong sabi

"Wag Unnie Yoona!Mas lalong magiging kumplikado ang lahat, kilala mo si Unnie Hyoyeon at ang iba pa, short tempered sila baka magwala yung mga yun, malalaman ng iba na kapatid namin kayo, masisira lahat ng pinaghirapan nyo :(" Malungkot na sabi i Momo, halos lahat ng members short tempered pwera nalang siguro kay Seohyun na laging kalmado pero alam ko hinding hindi nya palalagpasin ni Seohyun to, Mahal na mahal nya ang kapatid nya, magiging kumplikado talaga ang lahat ng bagay kapag nagwala sa galit ang ibang members, pero hindi rin tama na hindi ko sabihin sa kanila to, may karapatan silang malaman to! Haaays, naguguluhan no ko!! >.<

"Kapag hindi ko to sinabi sa kanila anong mangyayari sa inyo? dadanas nanaman kayo ng ganito araw-araw?Kaylangan nilang malaman to, kukuha lang ako ng Tiyempo at hindi nyo ko mapipigilan!"Matigas kong sabi at napabuntong hininga nalang sila kaya napangiti ako dahil alam kong suko na sila para pigilan pa ko.

"Unnie, aakyat padin ba kaming rooftop mamaya? Shit!Oo nga pala mainit ang ulo ng iba pang members

"Kaylangan nyo parin umakyat,kaylangan nyong sabihin sa kanila kung ano talaga yung nangyayari sa inyo sa school na to,hindi pwedeng wala kaming gawin"Malumanay na sabi ko sa kanila

"Pero Unnie~~"

"Walang pero- pero Chaeng Kaylangan nilang malaman to, kaylangan may gawin kami para matigil na tong paghihirap nyo"Matigas kong sabi sa kanila

"Kaylangan ko ng bumalik sa kanila, may photoshoot pa kami, pagkatapos nyo jan maglinis pumunta kayo ng rooftop antayin nyo kami, linisin nyo din ang mga sarili nyo"Malambing na sabi ko sakanila sabay halik sa noo ni chaeng at yakap sa iba pang members bago ako lumabas ng Gym

"Saan ka galing Yoona bakit ang tagal mo naman mag cr? tanong ni yuri

"Huh? Ano madami kasing estudyante sa Cr,nag fanservice ako!hahaha"Pagsisinungaling ko

"Hahaha ganun ba?Sa Cr ka talaga nag Fan Service huh? YAH!! Camera ko yan huh? kanina ko pa hinahanap yan hmp!!"

"Ay sorry hehe, nakita ko kasing nakalapag lang yan jan"Sabay abot ng camera kay yuri

Nakita kong tinitignan nya yung Camera, Tawa sya ng tawa tapos biglang naging seryoso ang mukha nya and tada! umiiyak na sya siguro nanunuod nanaman ng movie to. Kaya bigla kong inagaw sa kanya ang camera at bigla nya kong niyakap.

"WALA AKONG KWENTA YOONA! Umiiyak na sigaw nya habang nakayakap sya sakin

BESTFRIENDSWhere stories live. Discover now