Knowing The Truth

865 21 2
                                    


Chaeyoung POV

Maaga kaming gumising lahat para pumasok sa School, kahit ayaw naming pumasok wala kaming magagawa dahil kaylangan.

Nauna ng umalis sa dorm sila unnie dahil may photoshoot sila,

dumiretso na kami sa kusina kung saan meron ng nakahandang pagkain. Sabay-sabay kaming kumain at umalis ng dorm para pumasok. bago pa kami makapasok ng gate ng school tanaw na namin ang mga impakta 

"Oww andito na ang mga GG!" Sigaw ni Luna, ang aga-aga panira na naman ng araw tong mga to. tinignan ko sila ng masama dahil wala ako sa mood makipag usap sa kanila

"Oh! ang sama mong makatingin ha?! papalag kana ba ngayon smol?!

sabay sabunot sakin agad naman syang tinulak ni Dahyun para mapalayo sakin.

"Aba! Marunong na kayong lumaban ha? Sino ba ang pinagmamalaki nyo?!" sabay sampal at sabunot nya kay Dahyun kaya naman nag init lalo ang ulo ko, sinabunutan ko si Luna para mabitawan nya si dahyun, sumugod din ang ibang impakta kaya ang ending kanya kanya kaming sabunutan, si Jihyo kay Victoria, Momo kay Amber, Mina kay Sulli, Nayeon kay Krystal, Jungyeon kay Fei, Dahyun Kay Suzy,Sana kay Jia at Tzuyu kay Solar.

Nag sasabunutan kaming lahat sa harap ng gate ng may humintong pamilyar na Van sa tapat namin, lahat kami napatigil kaya pare-pareho kaming lumagapak sa sahig dahil nabalibag kami ng mga impakta

"Ano nanaman bang problema nyo?! Gumagawa nanaman kayo ng gulo dito!" Sigaw ng Principal habang papalapit samin galing sa loob ng Campus

"Ilang beses ko na kayong pinagsabihan ! nangako din kayo kahapon LANG na hindi na kayo uulit pero heto nanaman kayo!!" Naririnig namin ang sinasabi ng Principal pero naka focus ang mata namin sa Black na Van sa Tapat

"Pinapakinggan nyo ba ako?!" Galit na sigaw sa amin ng Principal kaya napatingin kami sakanya "Kung wala kayong balak mag tino ikikick-out ko kayo! Krystal ! magbalik na kayo sa Campus ako ng bahala sa mga trouble Maker na to!"Utos ng Principal sa Grupo nila Krystal

"At kayo , di ba binigyan ko kayo ng punishment? ang sabi ko Gym ang linisin nyo hindi ang sahig dito sa labas ng campus!!! Nakakahiya kayo! Hindi nyo ba alam na may bisita tayo ngayon? paano nyo nga naman pala malalaman ? nag cutting classes nanaman kayo kahapon! anjan sila sa loob ng Van at kitang kita nila kung anong nangyayari dito!Maulit pa ulit tong pangyayari na to ikikick out ko na kayo! Nagkakaintindihan ba tayo?!"Sabay -sabay na tango namin

"Wag na kayong pumasok sa Klase nyo, linisin nyo ng mabuti ang Gym dahil anjan na ang Girls Generation" sabi ng Principal, imbis na mapatingin kami sa kanya, sabay-sabay kaming napalingon sa Van at lumabas dun sila unnie, kitang-kita sa mukha nila ang galit habang papalapit samin

"Pagkatapos nyong maglinis ng Gym dumiretso kayo sa rooftop!" Galit na bulong ni unnie yoona bago umalis, sabay-sabay kaming nagtinginan ng grupo namin bago kami pumasok ng campus.

Dumiretso na kaming Gym para maglinis, hays sobrang laki ng Gym namin, hindi ko alam kung saan kami magsisimula.

Habang naglilinis kami ng Gym biglang may tumamang itlog sakin at the next thing that i know is .... Umuulan na ng itlog . No! Binabato kami ng itolg! -_-

Napatingin kami sa backdoor ng Gym at nakita namin ang mga impakta!

"Akala nyo ba palalagpasin namin ang ginawa nyo kanina?Well, hindi kami papayag! Hahaha" Sigaw ni Victoria

"Masyado kayong matapang huh? Akala nyo naman kakampihan kayo ng Principal?Oh Well, sorry nalang kayo dahil kahit kailan hindi mangyayari yun!" Sabi ni Krystal then pinalibutan nila kami at binuhusan ng gaas ang palibot namin and then sinindihan nila, sh*t Baliw na Sila! Para kaming nasa gitna ng Ring of Fire! NO! Nasa Gitna pala talaga kami ng Ring of Fire! O_O

Sh*t nadadama ko na ang init malalapnos ata ang balat ko, nagulat ako ng niyakap ako ni dubu, inayos ang buhok nya at humarang sya sa apoy para hindi ako mapaso "Dubu yah! anong ginagawa mo? Mapapaso ka!"

"Ayos lang Ako Chaengiie naka hoodie ako kaya hindi ko dama ang paso!" nakaniting sagot nya

"ITIGIL NYO YAN!!" Sigaw ng isang babae na naka hoodie at face mask kaya napatingin ako sakanya at napatigil sa ginagawa nila ang mga impakta na balak ata kaming buhusan ng harina

Kinabahan ako bigla dahil kilala ko sya, kilalang kilala ko ang hoodie nya dahil ako ang nagregalo sa kanya nyan.

"Unnie" bulong ko, tama lang para marinig ng mga ka grupo ko at hindi marinig  ng grupo ng mga impakta, kumuha ng fire extinguisher si unnie at pinatay ang apoy, buti nalang at sementado itong Gym baka kung hindi nagkasunog na dito


BESTFRIENDSWhere stories live. Discover now