Kabanata XLIV - Ilog

5.1K 254 23
                                    

KABANATA 44 - Ilog

"Shit!" Napasigaw si Jiggs habang binabasa niya ang manuscript sa files ni Raya.

Napailing siya bigla sa nakita.

"This can't be," saad niya.

"This is not yet published. I have to do something. I have to save her," tuloy-tuloy niyang sabi.

Maaga siyang umalis sa kanyang apartment upang pumunta sa kanilang office. Dala-dala niya ang kanyang mga gamit kasama na rin ditto ang mga files ng manuscript ni Raya. Inihabilin na rin niya si Raya sa isang taong pagkakatiwalaan niya sa kanila.

Nasa McKinley Hills ang opisina ng kanilang publication. Dumiretso agad siya sa kanyang unit upang simulan ang bagay na kanina pa bumabagabag sa kanya.

Hindi niya alam kung paano nangyaring nadagdagan ng ilang kabanata ang isinulat ni Raya. Dalawa lang ang kanyang teorya: Una, maaring hindi niya nakita ang kabanatang iyon dahil hindi pa maayos ang pagkakaretrieve ng files. Ikalawa, hindi na ordinaryo ang nangyayari.

Binalikan niya ang nangyari sa nobela. Tumakas ang bidang babae.

Nagsimula siyang tumipa sa keyboard at nag-edit.

May naiisip na siyang mangyayari. Iibahin niya ang takbo ng kwento. At kapag nagkaroon na ng siguradong katapusan, palihim niya itong ipapaimprinta upang matapos na ang lahat ng ito kahit na tila kalokohang mangyari nga sa totoong buhay ang ganito. Maisasara na rin ang dalawang pintong nag-uugnay sa piksyon mula sa nakaraan at sa kasalukuyan kapag naisulat na ang lahat, kapag mas maraming mata ang nakakabasa, at kapag naikintal na ang lahat ng nangyari sa kahit kaninumang utak, di na mababago ang lahat.

Binalikan niya ang mga naunang kabanata ng nobela. Nag-isip siya ng paraan kung papaano matatapos ang kwento na walang magsasakripisyo ng kaniyang buhay. Hinanap niya ang bagay kung saan maaring nagsimula ang lahat.

Sa Ilog Wawa.

----------------------------------------------------------------------------------------------------







Lumingon si Raya mula sa pinanggalingan niya. Tiyak siyang Hindi na siya masusundan ni Diego. Hindi niya nais lumayo. Gusto niyang malaman ang kalagayan sa San Mateo, gusto niyang malaman kung kumusta na si Karyo. Alam niyang hindi siya papayagan ni Diego na bumalik sa San Mateo dahil sa nakaambang panganib, ngayon pa't lalong lumakas ang paghihigpit at pagmamalupit ng mga kastila.

Kung papaano niya malalaman ang mga kasagutan sa kanyang mga tanong, doon siya hindi tiyak.

Natatandaan niya ang lugar na kanilang tinahak kaya naisip niyang bumalik sa San Mateo.

Mula sa di kalayua'y nakaaninag siya ng mga kalalakihan. Hindi niya makita kung ilan sila ngunit natitiyak niyang may dala silang mga bayoneta.

Dahan-dahan siyang umatras at naghanap ng eskinitang maaari niyang lusutan. Ngunit nang makatapak siya ng marupok na sanga'y nakagawa ito ng ingay na umalingawngaw sa katahimikan ng madaling araw.

"Quien eres tu?" sigaw ng lalaki. "Sino yan?!"

Bigla mang lumakas ang kabog ng dibdib niya ngunit ganun din kabilis ang kanyang paglalakad papalayo sa kanila.

"Banggggg!"

Nabingi siya sa lakas. Tumalsik ang bato malapit sa kanyang paa kaya't lalo niyang binilisan ang paglalakad na nang lumaon ay tila pagtakbo na. Isang maling hakbang, tiyak na paa na niya ang matatamaan.

"Banggg!"

Nakaramdam siya ng malakas ng pagtulak ng hangin sa kanyang saya na siyang dahilan ng pagkakadapa niya. Hindi niya alam kung paanong biglang lumakas ang braso niya sa pagkakatungkod sa lupa. Muli siya tumayo at tumakbong hindi lumilingon sa kanila.

"Bang!! Bang!!"

Hindi siya makahinga. Ngunit alam niyang maaring nakalayo na siya ng kaunti sa kanila dahil nagsuot siya sa kasukalan ng daan. May mga pagkakataong nakakaapak siya ng mga maliliit na bato na siyang dahilan ng pagkakadausdos niya sa damuhan sa gilid ng daanan sa burol. Muli siyang bumangon at naaninag niyang malapit na siya sa pampang ng ilog.

Nakakita siya ng bakanteng Bangka sa gilid . Kahit hindi niya alam kung papaano magsagwan, buong tapang niyang kinalag ang pagkakatali nito. Sumakay siya rito.Nagbunot siya ng mga nilad at kangkong sa gilid. Nang makita niyang madami-dami na ang kanyang nakuha, buong lakas siyang sumagwan upang makalayo sa pampang saka niya tinapon ang sagwan sa gilid. Nang makarating siya sa gitna ng ilog, hinayaan niyang magpatianod ang Bangka sa agos. Humiga siya sa Bangka saka niya tinakpan ng nilad ang buo niyang katawan. Ilang minuto pa'y dumaan ang Bangka sa ilalim ng tulay na kawayan.

Mula sa siwang ng bundok ng nilad at kangkong na itinabon niya sa kanyang katawan, naaninag nanaman niya ang mga kalalakihang humahabol sa kanya sa pampang.

Nakita niyang itinuturo ng isang lalaki ang bangkang kanyang sinasakyan. Ngunit sumenyas ang isa na tila pa umiiling saka niya itinuro ang sagwan sa pampang.

Nang tumango ang isang lalaki, nagpatuloy sila sa paglalakad. Nakahinga ng maluwag si Raya.

Tumingala siya sa langit at nagpasalamat. Ngunit ilang saglit pa'y nakaramdam siya ng kirot sa kanyang hita. Nang haplusin niya'y may mainit na likidong lumabas. Hindi siya makabangon upang tignan ito. Kaya naman hinigpitan na lang niya ang pagdiin nito sa kanyang hita.

Patungo ang kanyang Bangka sa silangan sapagkat nakikita niyang nagiging kahel ang langit kung saan siya paroroon.

Patay na ba ako? Sambit niya sa kanyang sarili. Dahil ayon sa kanyang mga naririnig na kwento noo'y ang kaluluwa ng sumakabilang buhay na tao ay naglalakbay sa ilog bago makarating sa kabilang buhay.

At kung saan man ako makarating, matutuklasan kaya ni Kamatayan na ang katawan ko'y nasa ilalim ng mga nilad at kangkong? Anang isip niya.


Nais niyang bumangon, ngunit namamanhid ang kanyang katawan. Marahil ay dahil sa pagod na kanyang naramdaman. Wala siyang marinig. Tanging langit lang ang nakikia ng mata niya.

Nanginilid ang kanyang luha. Mawawala siya sa mundong hindi kanya. Mawawala siyang hindi nalalaman kung nasaan si Karyo. Mawawala siyang hindi man lang nasisilayan ang mukha ng kanyang mahal. Mawawala siya sa kanyang totoong mundo, na walang nakakaalam.

Ayaw niyang matapos ang kabanata ng buhay niya na nagpalutang-lutang ang katawan niya  sa ibabaw ng tubig. Ngunit sa isip niya, mas maigi nang ganito kaysa lumutang ang katawan niya sa kalawakan, na walang lubos na  katiyakan kung may makaaalam ba sa kanyang eksistensiya.

Hindi niya magawang sumigaw. Nagsimula lumabo ang kanyang mga mata at hinahabol niya ang kanyang paghinga.

Mahal na mahal kita Karyo. Ngunit katapusan ko na yata ito. Bulong niya sa kanyang sarili.

Está Escrito (It is Written)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora