Kabanata XLVII - Si Inying at Si Ingkong Tonying

6.3K 266 8
                                    


Kabanata 47 - Si Inying at Si Ingkong Tonying

"Ingkong! Ingkong! May bangka sa dalampasigan!" sigaw ng bata habang naglalaro ng bangkang gawa sa balat ng niyong sa ilog.

"Aba! Swerte natin Inying! May masasakyan na tayo kapag nais nating mamingwit! Magmadali ka, kumuha ka ng tali upang mahila natin iyon papunta dito sa pampang!" masayang saad ng matandang na sa 70 anyos.



Malapit sa ilog sa pagitan ng Mariquina at Morong ang kubong tinitirhan nina Mang Tonying at Inying, na nasa pitong taong gulang.



Malayong-malayo sila sa sigwa ng karahasan at kaguluhan sa pusod ng mga kabisera ng bawat lalawigan. Ang alam lang ng dalawa, mas nararapat na mamuhay na lang sila nang mapayapa, kaysa sumali sa mga pag-aalsang hindi nila makakayang harapin. Gusto ni mang Tonying na ilayo si Inying sa lahat ng kalungkutang maaring magbago sa masayahing pananaw ni Inying. Nais din niya kalimutan ang lahat ng bagay na makakapagpaalala sa sinapit ng mga magulang ni Inying sa mga sagupaan at pagsalakay sa kanilang dating bayan. Kung kaya't palipat-lipat din sila ng tirahan ay dahil sa ayaw niyang sumanib sa kahit anumang grupo – Makaespanyol man o Maka-Pilipino. Sa tuwing inaalok siyang sumapi, agad siyang lumilisan at naghahanap ng lugar kung saan mapayapang mapapalaki niya si Inying kahit wala ang ina nitong nadamay sa sagupaan ng mga Katipunero at mga kastila.



Kung kaya naman, kuntento na ang dalawa sa simpleng pamumuhay. Nangangaso si Mang Tonying ng mga bayawak at ligaw na manok sa gilid ng burol. Mayroon din silang kaunting taniman ng kamote at iba pang gulay kung kaya't hindi na nila kailangan pang pumunta sa mga sentro upang mamili ng kung anu-anong pagkain.



Hindi rin namang nababagot sa buhay si Inying. Sinisiguro ni Mang Tonying na masaya ang kabataan ni Inying kahit wala siyang kalaro. Minsan, gumagawa siya ng laruan ni Inying ng gawa sa kahoy, sa dahon ng niyog, o kaya ng mga bagay na gawa sa bato. Tuwing gabi naman, kukwentuhan siya ng kanyang lolo tungkol sa mga pinakamagigiting na mandirigma, mga matatalinong babaylan, mga mahihiwagang engkantada at mga taong may kakayahang magpabaliik-balik sa isang oras na nanaisin nila.



Minsan, sumasama si Inying sa pangangaso ng kanyang lolo. Ngunit ang pinapangarap ni Inying ay makapamangka sa ilog. Sinusubukan ni Mang Tonying na gumawa ng paraan upang magkabangka sila ngunit kapos ang oras at kagamitan niya kung kaya't sa tuwing gusto ng apo niyang maglaro sa ilog, hanggang bangkang gawa sa bunot lamang ang kaya niyang gawin para sa kanyang apo. Gayunpaman, masaya na ang bata sa kaunting bagay na ibinigay sa kanya ng kanyang lolo.



"Alam mo bang maraming engkantada at engkantong tumitira sa ilog?" saad ni Mang Tonying sa kanyang apo habang naglalaro sila ng bangkang gawa sa bunot ng niyog.



"Talaga po Ingko?"manghang tanong ni Inying.



"Oo. Ang mga engkanyo at engkantadang nakatira sa ilog ay mababait at nakikinig sa hiling ninuman!" saad ni Mang Tonying.



Gumagana nanaman ang imahinasyon ni Inying.



"Kahit po ang kahilingan ko? Tanong ni Inying sa lolo.

"Oo naman apo. Lalo na pag kabilugan ng buwan. Mas tumatalas ang pandama ng mga engkantada at engkanto. Mas naririnig nila ang mga hiling mo," sabi ulit ng matanda.



Kumislap ang mata ni Inying dahil sa narinig. Talagang gustong-gusto niya ang mga kwento ng kanyang ingko. Walang kwento ang kanyang ingko na hindi niya nakakalimutan. At pinatitingkad pa nito ng kanyang mga guhit na kanyang ginagawa kapag hinihintay niya sa pangangaso o pangangahoy ang matanda.

Está Escrito (It is Written)Where stories live. Discover now