Epilogo: Ang Tunay

14.1K 484 523
                                    

Epilogo: Ang Tunay

Nagtungo ako sa libingan upang magsindi ng kandila sa aking mga ninuno.

"Tatay Inying, mukhang nagawa ko ang bilin mo," saad ko habang hinahaplos ang lapida ng yumao kong ama.

"Hindi ko makakalimutan ang mga kwento mo sa akin tungkol sa kapangyarihan ng pag-ibig na kahit ang panahon at oras ay mahahabag sa dalawang nagmamahalan kung hindi man nila makasama ang isa't isa."

Napatingin ako sa langit. Alam kong hinihintay na ako ni Tatay Inying.

"Lo!" sigaw sa akin ng kilala kong boses.

Talagang manang-mana sa akin ang apo kong ito .

"Lo! How are you?"

"Mabuti naman apo. Malapit ko nang makasama ang ama ko," mahinang sabi ko sa kanya.

"Lolo naman! What are you talking about?" sabi niya habang inilalapag ang bulaklak sa puntod ng ama ko. "Kumusta lolo Inigo? Malamig ba sa ilalim ng upa" Baling nito sa puntod. Saka siya tumawa.

"Ikaw talaga! Matanda na ako, Apo. Lilisan din ako sa mundong ito, at baka humiga na rin ako sa lupang iyan" dagdag ko.

Ngumiti at umiling lang siya at inakay ako papunta sa kotse. Umiinit na at hindi ko kaya ang init sapagkat tataas ang aking dugo.

Binuksan ni Jiggs ang radio. Matamang nakinig ako sa isang balita tungkol sa isang manunulat na pinag-uusapan ngayon ng buong bayan.

"She had gone that far," biglang sabi ni Jiggs.

Tumango lang ako.

"Yes apo, at salamat sa mga pabor," saad ko.

"No problem 'lo. Gusto lang namin ni Kuya na makatulong sa pabor sa inyo ng Lolo Inying," sagot nito.

"Pasensiya na apo, nahirapan kayo ng Kuya mo," sabi ko sapagkat marami silang binayarang tao upang magsinungaling at maisakatuparan lamang ang bilin ng aking ama.

"It's okay 'lo. Though there was a part of me resisting this mission.When I saw her lying unconsciously on the street, I felt I had this urge to save this woman as a part of my existence. Alam kong at that very moment, di na siya mawawala, even on this present time," kwento niya.

"Kaya nang makuha ko siya, I've set this all up. Ipinabalik ko siya sa apartment. Si Kuya na rin ang nag-asikaso ng kanyang absences sa office at pinaniwala siyang guni-guni lamang niya ang lahat. Inaway pa niya yung landlady niya dahil hindi niya mahanap ang sagot sa lahat ng katanungan niya mula nang bumalik siya mula sa nakaraan."

Tumango ako.

Nalalala ko rin noong mga panahong nagpunta ang babae sa resort para ipagtanong kung nasaan si Macky, binilin namin sa bawat tao doon na i-deny ang lahat.

"I felt in pain nang makita kong nagwawala siya sa office ni Kuya dahil walang makasagot sa taong niya kung bakit ayaw magpakita ni Kuya sa kanya. She even told everybody na si Kuya ay mula sa nakaraan. Na kilala siya si Diego at ako si Karyo, na everything about her is from the past. Hindi ko kayang pinagtatawanan siya doon,"dagdag niya.

"Nang magwala siya, lahat ng tao doon, nagulat. Tinawag na nila ang guard at pinalabas. She looked miserable that time. Pero yung gawa niya, not as miserable as she is. It was a hit and success," saad ng apovkong si Jiggs habanh ipinakita niya sa akin ang libro.

It is Written by Haraya P. Martinez

"..but the writer was diagnosed as schizophrenic," malungkot na tono ni Jiggs.

Napatingin ang ako kay Jiggs.

"Apo, alam mo na ang iyong gagawin. Itama mo ang lahat at muli mong isulat ang pagmamahal na wagas. May senyales na ang langit," saad ko na tila hindi na ako makabigkas ng kahit anong salita.

Ang alam ko lang, napatawad na ng langit ang isang kaluluwang ligaw at magsisimula ulit siya ng panibagong kabanata.

"Salamat sa pagmahal mo, Ginoong Karyo Biglang-awa, sa isang binibining kahit magpalit ng katauhan, naaalala pa rin ng puso mo ang kanyang pagmamahal. Hanggang sa muli," saad ko sa sarili dahil parang wala na akong hanging malanghap at maibuga.

Author's Note!

Hello sa mga readers na super support sa Esta Escrito! Tapos na ang kwento nina Karyo at Raya!

Salamat sa mga taong nagbasa, nagvote at nagcomment! Dalawang taon akong nag-hiatus pero nandiyan pa rin ang mga readers na nasa "Waiting" status. hehe.

Kayo ang inspirasyon ko para tapusin ang kwentong ito. Feel free to comment about this. And I hope na hindi lang reader-author and relationship natin dito but as friends. Muli, hindi sapat ang buong page na ito para pasalamatan lahat ng readers! Kilala niyo na kung sino kayo dahil minemessage ko kayo at nirereplyan sa comments!

Hanggang sa muling kwento!
Esta Escrito 2013

Ps: Sana suportahan niyo ang isa ko pang nobela na may pamagat na "La Escapador".

Está Escrito (It is Written)Where stories live. Discover now