Search 4: Nightmare

456 23 2
                                    


Search 4: Nightmare

The night was chilly. I could feel my my cold breathes as I tried fighting to shiver. I examined the place and it looks familiar. Nanggaling na ba ako dito? Tahimik ang paligid at kahit ni isang tao ay wala kang makikita sa kung saan mang lugar ako naroroon ng mga oras na iyon. Ngunit hindi nag tagal ang katahimikan ng marinig ko ng mabilis na mga yapak mula sa aking unahan. The silence was gone. It was replaced by a sudden thunder and the drops of the rain - a storm. Bumilis ang aking paghinga na tila may bumubulong sa akin na may mangyayaring masama. Something called for attention. Nakaramdam ako ng kaba at ng takot. Biglang umihip ang malamig na hangin dahilan kung bakit lumipad ang mahaba kong mga buhok.

Nanlaki ang mga mata ko ng may marinig na mga boses. Pilit kong inaaninag ang paligid.

"Bilisan mo bata! Hindi ikaw ang mawawalan ng pera kapag ganyan ka kakupad-kupad," sigaw ng kung sinoman. Malakas ito at nakakatakot na parang walang pakielam kung may magigising ba siyang ibang tao sa paligid. Sumunod dito ay mga hikbing ilang beses ko ng narinig.

Mabilis akong tumakbo papunta sa pinanggagalingan ng mga boses na iyon. Hindi ako pwedeng magkamali. Kilalang-kilala ko kung kanino ang mga hikbing iyon. Hindi. Hindi ako pwedeng mahuli.

"Sakay!"

I clenched my fist tightly. I don't want to lose this time. Not again. Yet the fear didn't leave my heart. Pilit nitong pinipiga ang kahit anong lakas ng loob sa pagkatao ko.

Lalong lumakas ang ihip ng hangin. My mind telling me to run away, to do something, to fight. But my body seems paralyzed. Hindi ako makagalaw. Hanggang marinig ko ulit ang mga boses. Kahit gustong-gusto kong pigilan ito, wala akong magawa. Nakakatakot. Ayokong pakinggan. Hindi ko kaya.

"Malaki ang kikitain natin sa batang ito, pare. Kailangan lang natin siyang ibenta sa mga taong iyon. Yayaman na tayo." Ayoko. Ilabas niyo ako dito. Ayokong pakinggan.

Lumakas ang mga hikbi. Sinabayan ito ng mga tawa at ang tunog ng mabagal na pagtakbo ng mga kabayo. The silence was totally gone. The chattering voices echoed in the whole dark and cold place. Nakakatakot. Hindi ako makahinga. Wala akong magawa kundi manuod.

"Pakawalan ninyo ako! Tulong! Tulong!"

Ayoko. Hindi ko kaya. Ayoko na. Ilabas niyo ako dito. Tama na!

"Harper! Harper!"

Mabilis akong napabangon ng marinig ko ang boses ni Fantomina. Light starting to blind me as I open my eyes. I was panting heavily and I can feel the cold sweats running down my face. Even my heart is beating fast and loud like I kept running the whole day. My breathes are not slow at tila hirap na hirap akong huminga. Pilit kong nilabanan ang ilaw na humaharang saaking mga mata. But my visions are so blurry and my head is aching. Parang gusto kong iuntog ang ulo ko sa pader. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Parang binibiyak.

Pumikit ako ng madiin bago iminulat ang aking mga mata ulit. Ganuon pa rin. Nahilo ako bigla at wala akong magawa kundi mahiga ulit. Inalalayan ako ng kung sino. I'm sure it's not Fantomina. I could smell a masculine scent. Hindi ko maintindihan pero biglang gumaan ang pakiramdam ko ng maamoy ko iyon.

"Okay ka lang, Harper? Nananaginip ka," boses iyon ni Fantomina. Marahan akong tumango kahit hindi ko makita kung nasaan siya. Nanatiling nakapikit ang mga mata ko dahil sa nangyari.

Dark Phenomenon: The Search (ON-HOLD)Where stories live. Discover now