Confront

22.8K 291 2
                                    

[Mira's POV]

"Let Mira go, Andrei." Sabi ng isang matandang lalaki. Nangangatog ito sa galit. Sa gilid naman niya ay may isang babaeng umiiyak.


"Mr. Sebastian, I love Miracle. Ipaglalaban ko siya. Hindi totoo ang mga nakita niya." Sabi ng lalaking nakatayo sa harap ng matandang lalaki.

"Andrei, hindi kayo pwede. Iwan mo na si Miracle. Besides, aalis narin si Miracle and you can't do anything about it. Nakita ka na ni Miracle na may kasamang ibang babae sa kama. Niloloko mo lang siya. You better let, Miracle go. " Sabi nung matanda. Habang umiiling-iling habang humahagulgol ang babae sa gilid ng matandang lalaki.

"Miracle, diba? Hindi mo ako iiwan? I already explain myself to you. Diba? Papaniwalaan mo naman ako diba? Please, Miracle." Nagmamakaawa ang binata. Umiiyak lang ang babae.

"Miracle, please believe me. I can't do that to you. I love you, you know that." Pagliwanag ng binata. Ngunit iyak lamang ng iyak ang dalaga. Tumulo na ang luha ng lalaki. Unti-unti itong lumuhod sa harapan ng dalaga. Napaawang ang bibig ng dalaga sa pagluhod ng binata sakanyang harapan.

"Miracle, I can't imagine myself without you. Mahal na mahal kita. Diba? Sabi mo papaniwalaan mo ako? Miracle, I'm not cheating on you. I can't do that. Ikaw lang, alam mo yan. Sinisira lang nila tayo. I will fight for the both of us. Sana ikaw, ipaglaban mo rin ako. Ang hirap kasing lumaban ng mag-isa ka lang. Nakakapagod." Umiiyak na ngayon ang binata.

I'm Just His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon