[Mira's POV]
Magiisang linggo narin ang nakaraan simula nung nakalabas si Gray sa hospital.
Magdaling-madali pa siya nun. Haha. At ngayon, nakakapangselos kasi 'yung dating atensyon siya sakin nalilipat kay Zhack. Halos hindi niya mabitawan si Zhack. Ang cute niyang titigan.
"Miracle? Gutom na yata si Zhack." Sabi niya sakin ng umiiyak na si Zhack.
"Akin na. Tapos lumabas ka muna."
"At bakit naman ako aalis? Huh?" Kunot noo niyang tanong sakin.
"K-Kasi papainumin ko si Zhack ng gatas." Sabay iwas ko ng tingin. Ngumise naman siya.
"Seriously, Miracle? I've been seen you naked. Ngayon ka pa ba mahihiya?" Natatawang tanong niya sakin. Namula ang pisnge ko.
"Ewan ko sayo. Lumabas ka muna!" Pangtataboy ko sakanya.
"Miracle? Paano 'yan nagugutom din ako."
"Heh, umalis ka." Sabi ko sakanya. Kahit kelan talaga 'tong lalaki na 'to.
"Hahaha. Pwede? Padede? Haha." Binato ko siya ng unan. Natatawa naman siyang umalis. Napailing nalang ako.
Ang saya. Sana ganito nalang palagi. Pinatawad ko na si Gray, ang mahalaga 'yung ngayon. Ang sarap lang isipin na okay na kami. After the accident, nahuli na 'yung may gawa nun sakin at kay Gray. And it was Scott's mom. Hindi ko alam na step sister niya pala si Veronica. Set up ang nangyari, samin ni Gray.
Nakakulong na ang lahat ng gumawa nun. And as of now, masaya na kami. Wala nang problema.
Cold parin sakin si Dylan pero naiintindihan ko rin kung bakit siya ganun, kaya okay lang.
Tinititigan ko si Zhack habang kumakain sakin, rather umiinom. Ang gwapo niya. Manang mana kay Gray, sana wag lang niya mamana ang pagiging masunget ni Gray.
At sa dumaan na isang taon, naalala ko na ang lahat. Simula nung pagkikita namin ni Gray, lahat. I used to call him Drei, pero ngayon Gray nalang. Doon na ako nasanay 'e. Kaya pala nagtrabaho ako kayla Gray ay dahil nanghingi ng pabor si Lolo kay Gray. Gusto na kasi ni lolo na makaalala ako at alam niyang kapag napalapit ako kay Gray makakaalala na ako. Hindi nga siya nagkamali.
"Are you done?" Nagulat ako ng pumasok si Gray. Binato ko siya pero tumawa lang siya. Nahiya tuloy ako bigla.
"Nakakainggit." Sabi niya.
"Manyak!" Sigaw ko sakanya. Agad naman siyang humagalpak sa kakatawa.
"Nakikita ko na ang future ni Zhack. He will be a playboy. He's handsome, and I know papangarapin siya ng mga babae. Hayss, I feel sorry for our son. Madadanas niya din ang paghihirap na pinagdaanan ko." Naginarte pa siyang malungkot. Natawa naman ako bigla.
"Shut up, Gray. He will never be a playboy. I want him to be a good boy."
"Tss, that's not cool." Inirapan ko siya.
"Heh, ginagaya mo pa siya sayo."
"Syempre, he's my son." Kinindatan niya pa ako.
"Tumigil ka nga Gray! Don't be a bad influence father!"
"I'm not." Inosente niyang sabi.
"I want baby girl." Sabi niya ng nakanguso.
"What? Kung makapagsalita ka akala mo naluwa lang ako ng bata! Tigilan mo ako Gray! If you want baby girl ikaw magbuntis!" Sabi ko. Inirapan niya naman ako.
BINABASA MO ANG
I'm Just His Wife
RomanceMarriage is not always the end of a story often times; it's a new beginning of pain and suffering. and this the beginning of Miracle's story.