2: Meeting the Banshee

353 36 89
                                    


CHAPTER TWO
Meeting the Banshee
•••

"CHARON!" Than's thunderous voice echoed throughout the house as his fists were reddened from clenching them. He's furious.

Sa isang iglap lang ay biglang nawala si Than sa kanyang kinatatayuan. He appeared on the opposite side of where Hypnos is sitting. Nakatalikod siya kay Hypnos na walang ibang ginagawa kundi nanonood lang habang naka-cross pa ang mga paa nito.

Sa itsura ni Than ay parang may sinasakal itong tao ngunit hindi man lang makikitaang may tao talaga. Mas lalong tumataas ang kamay ni Than at kung mayroon man itong taong sinasakal ngayon ay malamang, nakaangat na ito mula sa sahig at maaaring mauubusan na ng hangin.

"Reveal yourself, Charon, and cut this bullshit!" Than's growl echoed within the house again while he was so enraged and gritting his teeth in anger. He is commanding an invisible person to reveal himself.

Lumitaw naman ang isang lalaking mga nasa forties ang edad. Gayunpaman, masasabi mo pa ring may itsura ang lalaki. Hindi rin ito nagpapahuli kina Than at Hypnos pagdating sa kanyang itsura. Sa kasamaang-palad, kasalukuyang sinasakal siya ni Than ng sobrang higpit ngunit mahahalatang hindi man lang ito naaapektuhan sa pagkakasakal nito.

"S-Sa tingin mo ba talaga Thanatos, m-mapapatay mo ako?" nahihirapan ngunit nakangisi pa ring usal nito na mas lalong ikinainis ng huli kung kaya't iginiya pataas lalo ang pagkakasakal ni Than sa kanya. Tanging tawa na lamang ang naging reaction nito na halatang iniinis lalo si Than.

"Do you really think I care?" Than coldly said as he exuded a murderous aura around him, and his blood-shot eyes stared deeply at him. "Stop this crap of yours now!" may diing dugtong pa nito.

No wonder he's the Angel of Death; this man is extremely intimidating and powerful!

"Are the two of you not done yet?" Hypnos asked with a bored and lazy expression. "And can you remove this illusion you created, Charon? It is terribly dull. I expect too much from you, and I am really disappointed," he added, sarcasm written all over his beautiful face.

Sa isang iglap lang ay bumalik na sa normal na itsura si Alex— walang dugo, walang sugat, at mas lalong humihinga na ito. Gayunpaman, nakahandusay pa rin ito sa sahig na walang malay. Nang makita ito ni Than, walang ano-ano'y binalibag niya ng walang kahirap-hirap si Charon sa pader ng bahay na ikinanlaki ng mga mata ng huli.

Doon naman tuluyang nagising si Alex at dahan-dahang bumangon kaya't dali-daling linapitan siya ni Than upang tulungang makatayo ng wasto.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong agad ni Than dito pagkatayo.

"Ano bang nangyari? Bakit nahimatay ako?"

"Ugh! That hurts, Thanatos! Even if I am the great Charon, I can still feel pain the same way humans did."

Napatingin naman si Alex sa likod ni Than nang may biglang nagsalita mula doon.

"Sino ka?"

Tumingin sa kanya si Charon. "Oh. My apologies, young lady. That was not my intention. You see, I'm simply pranking someone," sabi nito habang nakahawak pa sa likod. Sinubukan ni Charon i-stretch ang likod niya dahilan para tumunog ang kanyang mga buto. Napangiwi na lang si Alex sa nasaksihan dahilan para napaayos ng tayo si Charon.

"P-Pasensiya na pero hindi ko po alam ang pinagsasabi mo. Sino ka po ba kasi? Don't tell me ikaw ang tatay nila Than at Hypnos?"

Bigla namang nagkatinginan sa isa't isa sina Than, Hypnos, at Charon na blanko pa rin ang mga expression.

"He's not my father, and he never will be. How I wish I could put an end to him; perhaps my scythe has already struck through his throat." Bigla na lang may karit sa kamay ni Than at masamang tumingin kay Charon.

My Boyfriend is the Grim Reaper (Completed)Where stories live. Discover now