6: Her Agonizing Past

138 14 22
                                    

CHAPTER SIX
Her Agonizing Past
•••

Naunang umuwi sila Jean at Kasha sa kanilang bahay dahil maghahanda pa raw ang mga ito sa ireregalo nila kay Alex bukas. Naiwan na lamang siyang mag-isa sa labas ng gate habang hinihintay niya ang kanyang daddy na susundo raw sa kanya.

Napaigtad na lang siya nang may biglang bumusinang sasakyan sa kanyang likudan. Nanlaki bigla ang mga mata niya nang mapansin niya ang isang SUV na papalapit sa kanya. Walang lumabas na boses sa kanyang bibig. Parang nanuyo lahat ng dugo niya sa mukha.

Ngunit naramdaman na lang niya ang isang kamay na humawak sa kanyang braso at hinila siya palapit dito. Hindi niya alam pero napapikit na lang siya habang nakayakap sa isang tao na hindi niya kilala. She's scared. Nanginginig pa siya sa sobrang takot. Hindi niya nga lang alam kung buhay pa siya o patay na. Sobrang kaba ang lumulukob sa buong sistema niya. Basta natatakot siyang magmulat ng kanyang mga mata.

"How is she? Is she alright? H-Hindi ko sinasadya. Hindi ko kaagad napansing nandito siya sa gitna," rinig niyang wika ng isang papalapit na lalaki. Mahahalata sa boses nito ang pangangamba.

"She's fine. You may leave now," anang boses naman na sobrang lamig. Alam niyang boses ito ng taong sumagip sa kanya.

"No, I think we need to bring her to the hospital--"

"I assure you that she's totally fine, Mr. Morales. You seem to be in a rush, don't you? You have to be more cautious the next time."

Matagal muna saka sumagot ang kausap nitong lalaki. "Thanks, Mr. Than," anito saka tuluyan ng umalis.

Gusto niyang maiyak na lamang dahil sa kaba na naramdaman niya kanina pero mas pinili niyang maging matapang. It's not her time yet, she's sure of that.

Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata saka niya lang napansin na mahigpit pala siyang nakakapit sa damit o mas sabihing suit ng taong sumagip sa kanya.

Agad siyang napalayo dito at napaangat ang kanyang tingin sa nagmamay-ari ng katawan. Sobrang namula siya sa kahihiyan nang makilala niya ito. Ito lang naman ang tagapangulo ng paaralan na pinapasukan niya. Ang taong minsan na siyang tinutulungan.

"I-I'm sorry, Mister. I..." Hindi niya alam kung ano pa ba ang sasabihin niya dahil sa totoo lang ay nahihiya siya.

I am really weak!

Nabigla na lang siya nang hawakan siya nito sa kanyang baba upang iangat ang tingin niya sa napakaperpektong mukha nito.

"The time keeps running out. The day is almost here. It's getting near."

Hindi niya maintindihan ang pinagsasabi nito. Ngunit nanlaki na lamang ang kanyang dalawang mga mata nang biglang lumuhod ito sa kanyang harapan at naramdaman na lamang niya ang paglapat ng labi nito sa likod ng kanyang kamay. Para bang tumigil bigla ang paligid at nakaestatwa lang sila doon. He's treating her like a real princess! Mabuti na lang ay wala ng tao sa lugar na iyon maliban sa kanila.

Kasabay ng ginawa nito ay may nararamdaman siyang kakaiba sa kanyang sarili na biglang nagising. Hindi niya alam kung ano ba iyon. Hindi man lang niya kayang iwaksi ang kamay nito o sitahin man lang ang lalaki. This person is not a total stranger to her, and his action is just similar to how his father treats her like a princess. However, it still felt weird. They're not even that close!

That was the day she was kissed on the back of her hand by another man aside from her father. She kind of felt happy as another person treated her so well despite the bullying she received.

Hindi niya namalayang wala na pala sa harapan niya ang lalaki. Tumayo lang ito bigla at naglaho na parang bula. She was still stunned by the guy's sudden action. Natauhan lang siya nang may kumalabit sa kanya at pumukaw sa kanyang pansin.

My Boyfriend is the Grim Reaper (Completed)Where stories live. Discover now