3: Defeating the Banshee

221 14 58
                                    


CHAPTER THREE
Defeating the Banshee
•••

Nagising si Alex kinaumagahan na. Nakapikit pa rin ang mga mata niya at pilit dinaramdam ang kamay na humahaplos sa kanyang buhok na parang sinusuklay ito. Parang biglang napawi ang pangamba sa kanyang puso. Ngunit nang maimulat niya ang kanyang mga mata'y dali-dali siyang napabalikwas ng bangon at agad na lumayo dito.

"AAAAAH!!!" sigaw niya sa takot. Ang inaakala niyang sumusuklay sa buhok niya ay si Than ngunit si Hypnos pala ito! Nanginginig na lamang siya sa takot. Malakas pa rin ang tibok ng kanyang puso.

Naramdaman na lang niyang may yumakap sa kanya. "It's okay. I'm already here."

That voice. It's from Than.

Naging mahinahon naman si Alex at dahan-dahang nawala ang kabang nasa puso niya nang marinig ang boses ni Than. Para sa kanya, ang yakap lang ni Than ang tanging lugar kung saan tingin niya ay ligtas siya.

"Enjoying the view, Hypnos?" Than asked sarcastically. Napataas lang ang kilay ni Hypnos sa tinuran nito at hindi man lang gumalaw sa kinatatayuan niya.

"You won't even thank me, Thanatos? I should probably remind you that I was the one who got her to sleep soundly," saad ni Hypnos dito na may ngisi sa kanyang labi.

Hindi sumagot si Than. Bagkus ay ramdam na ramdam sa silid ang maitim na aura ni Than na pumapalibot sa buong kwarto. Makikitang kahit anong segundo lang ay magpapalit na ng anyo ito.

Nang makita na ni Hypnos ang kakaibang balat ni Than na parang nagiging agnas na buto, agad siyang nawala na lang bigla sa kanyang kinatatayuan. Kasabay doon ang pagkawala ng napakaitim na aura sa loob ng kwarto. Doon naman naging kalmado ang presensiya ni Than at bumalik na rin siya sa taong itsura niya.

"Are you still afraid?" he asked.

Tanging tango lang ang iginanti sa kanya ni Alex at humigpit pa lalo ang yakap nito sa kanya. He kissed her head to reassure her even more. Ginantihan siya nito ng mahigpit na yakap. Iginiya na lamang niya ito ulit pahiga sa kama.

"Are you hungry?" tanong niya ulit dito.

Hindi sumagot si Alex.

"Alex?"

"Don't leave... Please..."

Napabuntong-hininga na lamang si Than. Alam niyang may trauma si Alex sa mga ganoong itsura. Kahit si Than minsan ay hindi pinapakita ang totoong anyo kay Alex. Alex gets easily scared of the true forms of underworld beings. Nagsimula ang pagka-trauma nito noong namatay ang ina sampung taon na ang nakakalipas. At sa mismong araw din na iyon ay nakilala siya ni Alex, ang tanging mortal na nakakaalam na siya ang kamatayan ng lahat.

To be specific, her trauma started when she accidentally saw an underworld demon wearing a pitch-black cloak that seemed to be on fire. Who wouldn't be traumatized by something that is so huge in size and has a look that no one can stand to see? May malalaking sungay din ito, matutulis na ngipin, buntot na matulis ang dulo, at kulay pula ang balat sa buong katawan. Ito ay walang iba kundi si Tartarus.

It's thanks to Thanatos that Alex always feels protected, as he has been by her side since then. Siya ang nagpapatahan kay Alex at nagpapakalma kung may kinatatakutan man ito.

Using telepathy, kinausap ni Thanatos si Hypnos na dalhan si Alex ng pagkain at pagtimplahan na rin ng gatas.

"I just want to remind you Thanatos na hindi niyo ako katulong dito," nasabi na lang ni Hypnos pabalik na walang nagawa kundi gawin na lamang ang inutos sa kanya.

Ilang minuto lang ang nakakalipas at bumalik na ulit si Hypnos sa kwartong kinaroroonan nila Than dala ang mga hinandang pagkain. Matapos mailapag sa mini-table ang mga pagkain ay agad din naman itong umalis na may lukot-lukot na mukha. Hindi ito pinansin ni Than. Bagkus ay inaya na niya si Alex na kumain na kaagad din namang sinunod nito.

My Boyfriend is the Grim Reaper (Completed)Where stories live. Discover now