5: The First Time She Saw Him

158 12 27
                                    

CHAPTER FIVE
The First Time She Saw Him
•••

[TEN YEARS AGO]

"Bakit ba hindi mo naiintindihan, Janet--"

"So ako pa talaga ang hindi nakakaintindi Aaron? Ha?! Hindi ako tanga para hindi ko malaman ang pinanggagawa mo!"

Hatinggabi noon nang muli na namang marinig ni Alex ang boses ng kanyang mga magulang na halatang nag-aaway na naman. Nakatago lang siya sa isang sulok habang pinapanood ang mommy at daddy niya. Gustong tumulo ng mga luha niya ngunit pilit niya itong pinipigilan.

Ilang gabi na niya napapansing nag-aaway ang mga ito. Ngunit kung sa umaga naman ay parang walang nangyayaring argumento tuwing hatinggabi ang kanyang mga magulang kapag nasa harapan siya ng mga ito. Mapagmahal at mapag-alagang magulang ang mga ito kapag kasama siya. Alam niyang ayaw nilang malaman nito ang dahilan ng pinag-aawayan nila dahil ayaw nilang mag-alala ang anak.

Ang hindi nila alam, alam na pala ni Alex na lagi silang nag-aaway. Pumapanhik ito papuntang sala upang tingnan ang magulang na nag-aaway. Hindi niya maintindihan ang pinag-aawayan ng mga ito. Pero isa lang ang alam niyang dahilan at pinagmulan ng away ng mga magulang, ang babaeng nagngangalang Gretchen.

Tumayo na si Alex at dahan-dahang bumalik sa kwarto niya. Pagkasara na pagkasara ng pinto ng kanyang kwarto, saka naman nagsiunahan ang butil ng kanyang mga luha na tumulo. Sumalampak siya sa kama niya at doon umiyak nang umiyak.

Gustuhin man niyang sabihin sa magulang na tumigil na sila sa pag-aaway, natatakot siya. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang takot na kanyang nararamdaman. Hanggang sa nakatulog na rin siya habang namumugto ang kanyang mga mata.

Kinabukasan ay nag-iisa siyang pumunta sa playground na malapit lang sa bahay nila. Hindi na niya nagawang magpaalam pa sa kanyang mommy at daddy dahil alam na rin naman ng mga ito kung saan siya pumupunta kapag mag-isa siya. Tinakasan pa niya ang yaya niya pero mayamaya lang ay alam niyang mahahanap din siya nito.

Sa edad na siyam, nasanay na siyang sa playground ang palagi niyang destinasyon. May yaya pa siya dahil busy ang mga magulang niya sa kanya-kanyang trabaho. Nasa swing siya habang nag-iisang pinagmamasdan ang ibang mga batang naglalaro. Ayaw nitong makisali dahil alam niyang pagtatawanan lang siya ng mga ito dahil sa isip niya'y isa siyang lampa. Ayaw niyang mapahiya sa mga ito kaya mas gusto na lamang niyang mapag-isa.

Sa hindi kalayuan, napansin niya ang isang matandang babae na nagtitinda ng puting rosas. Dala-dala nito ang balde na doon nakalagay ang mga tinitindang mga bulaklak. Napapangiti na lamang siya nang masilayan ang naggagandahang mga puting rosas. Noon pa man ay paborito na niya ang puting rosas. Gayunpaman, wala pang nagbibigay sa kanya ng ganoon kaya hanggang tingin lang siya o minsan pa'y binibilhan niya ang kanyang sarili kapag may sobra sa baon niya.

Nawala ang ngiti niya nang biglang may bumangga kaya natumba ang matanda at nagkalat ang mga puting rosas na binebenta nito sa daanan. Umalis lang ang lalaking nakabangga nito na busy sa katawag nito sa cellphone. Hindi man lang tinulungan ang matanda.

Wala namang nagawa ang matanda kundi ang pulutin at ayusin ulit ang mga binebenta nitong rosas. Wala man lang nagbantang tulungan ito.

Dali-daling lumapit naman dito ang batang si Alex at tinulungan ang matandang babae. Inayos na rin niya ang pagkakapwesto nito sa balde.

"Ito na po, Lola," nakangiting aniya at inabot sa matanda ang balde.

Ngumiti rin pabalik sa kanya ang matanda. "Maraming salamat, iha. Napakabait mong bata. Hindi na nakakapagtaka kung ikaw nga iyon. Pinagpala ka."

My Boyfriend is the Grim Reaper (Completed)Where stories live. Discover now