Chapter 12

11K 443 109
                                    

Chapter 12

"Ang ganda ng dress mo!" Nguso ni Erin habang tinitingnan ang aking peach na dress. "Bakit 'yung akin, puti?" Sabay tingin n'ya sa kanyang sariling dress.

Inirapan ko lang si Erin at napansin ko kaagad sa venue ng debut ng isa sa aking mga pinsan ang prisensya nina Rage at Sage, malamang ay hawak ni Tita Lary si Page. Imbitado rin ang mga ito dahil kilala naman nila ang aking mga pinsan.

Mukhang hinahanap kami ni Rage dahil panay ang libot n'ya ng mga mata sa party, samantalang si Sage naman ay panay ang yuko at mukhang ayaw man lang tumingin sa mga tao. Ganoon naman s'ya palagi. Hindi naman ganyan ang mga lalaki kong kaklase. At tsaka ang lampa-lampa n'ya!

"Uy! Nand'yan sila Rage!" Hinatak kaagad ako ni Erin papunta kina Rage at nagpatianod na lang ako sa hila n'ya.

Manghang-mangha ako sa debut ng aking pinsan na si Ate Hillary. Ang ganda ng buong lugar at halata namang pinagkagastusan. Gusto ko ng ganito paglaki ko.

"Sino kaya ang 18th rose ni Ate Hillary?" Excited na sabi ni Erin. "Guwapo kaya?"

"Anong meron sa 18th rose?" Nguso ko at pinagmasdan si Ate Hillary na sumasayaw sa gitna. Pero hindi ako pinansin ni Erin.

"'Yun siguro 'yung pinaka-close mong kaibigan na lalaki." Si Sage ang sumagot sa akin at nakatuon na rin ang tingin kay Ate Hillary.

"Kaibigang lalaki?" Napasimangot ako. "Wala naman akong ganon eh."

Nilingon ako ni Sage at nagtatakang tiningnan. "Si Kuya?"

Napalingon si Rage sa amin nang marinig n'ya ang sinabi ni Sage at kinunotan kaagad kami ng noo. "Ayoko. Reserved na."

Mas napasimangot ako. "See? Malamang ay kay Erin na si Rage!"

Napakamot si Sage sa batok n'ya at napanguso. "Eh 'di, ako na lang." Aniya.

"Happy birthday, Zarin!" Sabay-sabay na bati nila nang hipan ko ang sindi ng kandila ng magandang cake na inorder nila para sa akin.

I smiled and said my gratitudes. Pagkatapos ay sabay-sabay na kaming kumain. Sagot ni Seve ang pagkain namin since wala raw s'yang ma-provide na regalo dahil nasa akin naman na raw ang lahat. Wala akong pakielam sa gusto n'yang mangyari kaya bahala s'ya kung 'yon ang gusto n'ya. 

Napansin ko na halos puro kaklase o ka-batch pala namin ang ibang kasama namin dito. Kung sa bagay. Hindi ko naman ka-close ang mga kaklase ko. Si Vaughn kasi ang nag-aya sa lahat ng nandito dahil nalaman n'yang wala akong ibang inimbitahan kundi sila lang nina Seve.

"Hi!" Anang isang babae at napalingon ako sa kanya. Nakatingin s'ya kay Sage na nasa tabi ko. "I'm Aubrene! Ikaw?" She smiled.

Kaagad na nanlisik ang mga mata ko. Sino ba ito? Bakit nandito ito at kasama namin?

I looked at what she's wearing at napangiwi ako. It was a red fitted off-shoulder cropped top. Mahahaba ang sleeves noon at ipinakita ng damit n'ya ang magandang hubog ng katawan n'ya. She wasn't lacking in anything except the face. Sa pang-ibaba ay simpleng pantalon lang at heels naman sa sapatos.

Will You Ever Know? (Bad Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon