Chapter 20
Alas dose ng madaling araw nang magising ako. Pag-uwi ko kasi kanina ay hindi na ako nanuod ng movie at natulog na lang. Bumangon ako at umupo. Napasimangot ako. I don't really like the feeling kapag alanganin ang tulog ko. I sighed before I went down to drink some water, pagkatapos ay umakyat ako ulit sa kuwarto ko para magpalit ng damit at mag-ayos na ng sarili.
I wore a pink silk terno na pantulog. I chose to stay at the terrace of my room for a while. Malamig na rin ang ihip ng hangin. Mga palakpak lang ng mga dahon sa mga puno at huni ng mga insekto ang naririnig ko. Gising pa kaya si Erin? Mahilig kasing magpuyat ang isang 'yon kaya laging late kung magising.
I browsed on my social media accounts for a bit. Iyon nga lang ay natigilan at gulat akong napatingin sa gate ng bahay nina Tita Lary nang makarinig ako ng langitngit doon na nangibabaw sa dagat ng katahimikan. My phone almost fell, buti ay nasalo ko.
Napakunot ang noo ko nang makita si Sage. He's wearing a plain white shirt and cotton shorts. Hawak n'ya ang phone sa kabilang kamay. Bahagya akong umatras para 'di n'ya makita, then I saw him walk away.
Saan s'ya pupunta? He's going out? Ganitong oras?
Tumigil s'ya sa isang lamp post at nalaman ko kung bakit s'ya lumabas ng ganitong oras nang lumabas galing sa dilim si Iea at mabilis na itinapon ang sarili para yumakap kay Sage. She's wearing a white dress. Gusto kong matawa dahil mukha s'yang white lady lalo pa't mula sa dilim s'ya lumabas pero hindi ko magawang matawa man lang.
Napatigil yata ako sa paghinga. Naririnig ko ang pag-uusap nila pero hindi ko rin maintindihan at blurred ang tunog dahil masyadong mahina at malayo para marinig ko nang malinaw.
Parang naninikip ang dibdib ko. Hanggang ganitong oras ba naman ay makakaramdam ako ng ganito? Napalunok ako and I chose to ignore them. Kunwari na lang ay hindi ko sila nakita. I sighed.
Talaga bang ipinapamukha na sa akin na hindi ako? Ipinapamukha na ba sa akin na dapat na akong tumigil? Pero kaya ko ba?
I should just forget everything. My feelings. My ideas about them. I should just see him as a friend since that is the only thing I think he can give me. Mas mabuti nang ako ang magsabi sa sarili ko kaysa s'ya.
Pumasok na ako sa kuwarto ko at pinilit ang sariling matulog.
Kinabukasan, iba ang tingin sa akin ni Erin habang nasa loob kaming lahat ng kotse nina Rage papunta ng St. Agatha University, kahit na may sinasabi ang mga mata n'ya ay hindi ko iyon pinansin. I know her problem. Paano ay tahimik sa buong sasakyan at pansin na pansin namin ang tinginan ni Iea at Sage.
Mukhang sinukuan na ni Erin ang paninitig sa akin dahil nag-iwas na s'ya ng tingin.
"Halloween is coming." Basag ni Erin sa katahimikan. "May party kaming pupuntahan, may liquors. Since we're all in legal age, siguro okay din na pumunta tayo?" Masigla n'yang sinabi.
Walang nagsalita. Erin nudged me a bit kaya walang gana akong napalingon sa kan'ya. She mouthed something. Napabuga ako ng hangin.
"We're not invited, papayagan ba kami roon?" I asked.
"Of course! Ako pa ba?" She smirked, her eyes twinkling with excitement. "Si Page lang ang bawal." She laughed.
"As if, gusto kong pumunta." Irap ni Page at napangiwi ako. This kid really has an attitude!
BINABASA MO ANG
Will You Ever Know? (Bad Girls Series #1)
ChickLitBad Girl Series #1: Zarin Dela Costa Madalas nating itinatago ang totoo lalo na pagdating sa mga bagay na nararamdaman natin dahil takot tayo sa kung ano ang magiging sagot ng iba lalo na ng taong pinag-aalayan natin nito. Zarin Dela Costa has alway...