Chapter 27

10.1K 390 226
                                    

Warning:
This chapter might contain words and statements that may be sensitive, offensive, and may trigger traumatic experiences and thoughts about suicide and self-harm.
Please proceed with discretion.

Chapter 27

Nakasubsob pa rin ang mukha ko sa unan nang makalipas ang ilang minuto. I'm trying to calm myself down. After a while, when my breathing finally normalized ay umayos na ako ng higa sa kama. Napatitig ako sa kisame ng kuwarto ko at napahawak ako sa dibdib ko.

It feels light. Hindi na mabigat ang damdamin ko. 

"Pasensya na po sa abala, Tita."

Napakunot ang noo ko at napabangon mula sa kama. 

Was that...

My eyes widened and my heart started to beat like crazy.

Tatlumpung minuto pa lang ang nakakalipas magmula no'ng pag-uusap namin ni Sage sa phone at nakatulala lang ako sa kisame ng kuwarto ko matapos umiyak kanina. Nawala lang ako sa iniisip nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon sa likod ng pinto. It sounded so familiar na hindi ako puwedeng magkamali kung sino 'yon. Pero gabi na! At nag-usap na kami sa phone...

Napatingin ako sa pinto nang makarinig ako ng katok doon. Nang tumayo ako at buksan iyon, I was shocked to see Sage standing there and looking so down. It is past midnight. Bakit pa s'ya pumunta rito? And why did Mom allow him?

Ahh. Oo nga pala. She's pushing me to Sage.

Sage licked his lips before he spoke.

"Please let me talk first." He breathed and his eyes were pleading.

When he stepped in, napaatras ako, dahil sa gulat ko ay wala na akong nagawa kahit na noong isinarado n'ya ang pinto sa likod n'ya.

When I found my voice, I tried to speak.

"Sage—"

"Please, Zarin. Kahit pagkatapos nito, 'wag mo na akong kausapin." He said and I immediately shut up.

Natahimik ako at tinitigan s'ya sa gitna ng dilim sa loob ng kuwarto ko. Hinawakan n'ya ang magkabila kong balikat at pinatalikod ako. Gusto kong kumontra pero kaagad s'yang nagsalita.

"Please makinig ka muna sa'kin." Aniya.

Nagulat ako nang unti-unting yumakap sa baywang ko ang mga braso n'ya at dumikit ang likod ko sa dibdib n'ya. Naramdaman ko ang panginginig n'ya sa kaba at ang paghinga n'ya sa tuktok ng aking ulo.

He sounds nervous, scared, and sad. 

Napangiti ako. Hindi ko alam kung bakit naaaliw ako sa kaba n'ya kahit na ni ako ay kinakabahan din naman sa sasabihin n'ya. Napanguso ako at hinayaan ang sariling sumandal sa kan'ya.

I felt Sage relax when he felt that I was leaning on him. I sighed. His manly scent filled my nose and it smells so pleasing.

"Please, stay this way." He almost whispered, nervous. "Hindi ko masasabi ang dapat kong sabihin kung nakaharap ka sa akin."

Natahimik ako at hinayaan s'ya. I stared at his arms na ngayon ay nakapulupot sa baywang ko. Hindi mahigpit iyon at maluwag pero ramdam ko pa rin ang kaba n'ya.

Natahimik kami. Magulo at maingay pa rin ang puso ko pero pati 'yon ay hinayaan ko. I calmed my breathing and I calmly watched his arms. Gusto ko sanang makita ang mukha n'ya but he said he wouldn't be able to say whatever he wants to say if I'm looking kaya hinayaan ko na lang s'ya sa gusto n'ya.

Will You Ever Know? (Bad Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon