The next chapter should be the epilogue. I'm still thinking if I should push through po hanggang sa Chapter 40 or less. Pero let's see! Thank you po! :)
---
Chapter 35
It is the day of the prom. Tuwang-tuwa si Mommy sa pagpayag ko at agad na tinawagan ang make-up artist at hairstylist na laging nag-aayos sa kaniya tuwing may okasyon. Mom made sure that everything is going into place to the extent na hindi n'ya iniwan ang lugar kung nasaan ako. She was observing every detail.
Si Erin nga ay hindi na napigilang manood sa ginagawa sa akin dahil sa pagkakanda-ugaga ni Mommy.
Napa-iling si Erin. "No wonder, you will be the Queen of the Night because Mom will make sure that everything is perfect."
Napangiti ako at napa-iling. Mom even hired a photographer! Pakiramdam ko ay debut ko ulit dahil sa ginagawang ito ni Mommy.
"It's for future purposes!" She defended. "This is your last prom!" Giit n'ya pa.
Napa-iling ako.
Mom even rented a limousine. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa pero si Mom ang masusunod kaya wala akong nagawa. Hindi naman iyon masyadong nakakahiya dahil halos ganoon din ang iba kong mga kaklase. Ang iba kasing mga pamilya, they love to show off. Pero may iilan din namang dahil mula sa mga angkan ng isang politiko na may mataas na posisyon sa gobyerno kaya ganoon na lamang kagarbo.
Nang makapasok ako sa venue, the whole area was glowing with beauty lalo pa at napupuno ang lugar ng magagarbo at magagandang mga damit. I was very stunned with how the whole place looked tonight. Ang lahat ay perpekto sa aking mga mata. Halos mukhang kasal ang gaganapin sa sobrang elegante at garbo ng paligid.
The whole place was themed with golds and whites. Ang lahat ay kumikinang lalo pa at karamihan ng disenyo ay pinapatungan ng mga kumikinang na fairy lights.
I had to walk on the aisle covered with red rose petals and red carpet kaya naglakad ako roon bilang entrance.
"Queen Zarin Dela Costa!" Ani ng emcee.
Pumalakpak ang marami at nang matapos ang entrance ay muli kong pinagmasdan ang paligid.
My view adjusted when Vaughn stood up in front of me. He was wearing a champagne suit that coordinated well with his body and he has this boyish grin on his face. Kaagad s'yang naglahad ng kamay sa akin.
"This way, mademoiselle." He said.
Umirap ako at humawak sa kaniyang kamay. Hinatid ako ni Vaughn sa table nila nina Seve, who was wearing an all white suit and a brown button down shirt beneath it. Napanguso ako nang makitang sila lang sa table na iyon at walang kasamang kahit anong date.
"'Wag ka nang magtaka kung bakit walang date si Seve. Napagkasunduan naming maging date mo kaming lahat ngayong gabi." Tyrone laughed, who was wearing a simple all-black suit, and I saw Allen, who was wearing a gold tuxedo, scoff at that.
Napatawa ako. Alam ko kasing hindi dapat ito a-attend ng prom. But anyway, they look very stunning in their suits. Bagay na bagay sa kanila ito. Umupo ako sa table nila at sabay-sabay kaming naburo dahil sa party na iyon.
BINABASA MO ANG
Will You Ever Know? (Bad Girls Series #1)
ChickLitBad Girl Series #1: Zarin Dela Costa Madalas nating itinatago ang totoo lalo na pagdating sa mga bagay na nararamdaman natin dahil takot tayo sa kung ano ang magiging sagot ng iba lalo na ng taong pinag-aalayan natin nito. Zarin Dela Costa has alway...