Chapter 15
Naglakad pa kami ni Sage paikot sa buong mall. Buti na lang at naka-sneakers ako. Pakiramdam ko ay mananakit nang sobra ang mga paa ko kung naka-sandals o matigas na sapatos ako ngayon. Malaki ang mall kaya medyo nagtagal pa kaming dalawa ni Sage sa paglilibot. Kahit saan ako pumunta ay sumasama lang s'ya nang hindi nagrereklamo.
Nang mapagod ako ay tumigil ako sa paglalakad. Napatingin sa akin ni Sage kaya napatingin din ako sa kan'ya. Nang magtama ang mga mata namin ay nakita ko ang kapayapaan sa mga mata n'ya kaya hindi ko napigilan ang maliit na ngiti sa mga labi ko. Kumunot nang bahagya ang noo ni Sage pero may maliit din namang ngiti sa mga labi n'ya.
Umirap ako at inilibot ang tingin sa paligid.
"Pagod na 'ko." I said at nahagip ng mga mata ko ang ferris wheel sa tabi ng mall. Nilingon ko si Sage at nginisian.
Nakatingin na s'ya sa ferris wheel ngayon. Nilingon n'ya ako at mukhang nakuha n'ya ang gusto kong gawin.
We went there and availed tickets for both of us. Pagkatapos ay sumakay na rin kami. Nakatulong ang sandaling pagsakay namin doon para mapahinga ang mga paa ko. Tahimik lang kami at walang nagsasalita pero kuntento na ako sa katahimikang 'yon at inaliw na lang ang sarili sa pagmamasid sa paligid.
Pagbaba namin doon ay inaya ko na rin s'yang umuwi. Bumalik na kami sa kotse n'ya. Malapait nang gumabi. I can't believe na ang bilis ng oras. Parang kanina ay umaga lang...
"Salamat, Zarin." Ngiti ni Sage sa'kin nang makapasok na kami sa sasakyan.
Uminit ang mga pisngi ko sa sinabi ni Sage. What is he thinking? Na inaya ko s'ya rito dahil nag-aalala ako sa kan'ya?
"Hindi kita hinilang mag-ditch ng classes para sa'yo." Irap ko at na-realize na parang tunog defensive naman iyon kaya mas lalo lang kumunot ang noo ko.
But deep inside, I know I was happy. Since we were kids, sa tuwing napapasok s'ya sa gulo, all I did was to yell at him and tell him to straighten up because he's a boy, and Iea was always there to heal his wounds; she was always there as his shoulder to cry on. Pero ngayon, I was able to stand by his side while he's bothered by the world.
Bigla akong nakaramdam ng lungkot dahil sa naisip ko. Kung hindi ko ba hinila si Sage ngayong araw, si Iea kaya ang kasama n'ya at pumapawi ng lungkot n'ya?
What the hell am I even thinking? Bakit ko ikinukumpara ang sarili ko sa Iea na 'yon? If there is anyone I should pity, hindi ang sarili ko 'yon kundi silang dalawa.
Tumango lang si Sage at ngumiti. "Okay."
Hindi na lang ako sumagot at tumanaw na lang sa labas ng bintana, kinakain na ng dilim ng naiisip ko. Kahit nang bumabyahe na kami pauwi ay tahimik lang ako at hindi ko na nilingon pa ulit si Sage.
Nang dumating kami sa tapat ng bahay namin ay napatanga ako nang makitang nakatayo roon sa gilid ng gate nina Sage si Iea. Mukhang may hinihintay ito at malamang ay si Sage iyon.
She's wearing a black spaghetti strapped knitted dress, ang medium length n'yang buhok ay maayos na nakalugay sa likuran n'ya at mahinhin s'yang nakatayo roon, parang tangang naghihintay sa labas kahit na puwede naman s'yang maghintay sa loob ng bahay nina Sage.
Kumunot ang noo ko. Hininto ni Sage ang kotse sa gilid ng aming gate. Nilingon ko s'ya at nakitang nagulat din s'ya na nandoon si Iea. Hindi ko alam kung bakit unti-unting namuo ang galit sa akin. Ilang segundong natulala si Sage at sa mga segundong 'yon ay hindi ko maiwasang hindi s'ya pagmasdan.
I pursed my lips and looked at Iea's way again. Nang mapansin ang kotse ni Sage ay napatingin sa gawi namin si Iea. Dahil tinted ang salamin ng sasakyan ay mukhang iniisip pa ni Iea kung si Sage ang nasa loob.
BINABASA MO ANG
Will You Ever Know? (Bad Girls Series #1)
ChickLitBad Girl Series #1: Zarin Dela Costa Madalas nating itinatago ang totoo lalo na pagdating sa mga bagay na nararamdaman natin dahil takot tayo sa kung ano ang magiging sagot ng iba lalo na ng taong pinag-aalayan natin nito. Zarin Dela Costa has alway...