BRACELET

71 10 0
                                    

by: burijoonche



"Kuya..."

"Allie, bakit? May masakit pa ba? Gusto mong tawagin ko ulit si Doc?"

"Kuya, napanaginipan ko na naman siya. Hirap na hirap na siya. Kuya, lagi niyang iniaabot ang kamay niya, hindi ko alam kung gusto niya akong hablutin o may gusto siyang kunin."

Natigilan si Andrew. Alam niyang hindi basta panaginip lamang iyon. Hindi lang minsan nangyari na napapanaginipan ni Allie ang babaeng wari'y nakatali at ibinaon sa ilalim ng isang silong.

Parehas sila ng napapanaginipan ng kapatid. Isang babaeng hindi malinaw ang mukha, naghihirap at humihingi ng tulong. Sa kanilang napagkukwentuhang magkapatid ay iisa ang babae sa kanilang panaginip dahil bukod sa magkatulad ang panaginip nila, mayroong taling sa kaliwang balikat ang babae.

"Allie, huwag mo na muna siyang isipin. Kailangan mong magpahinga."

"Kuya, hindi pwedeng bale-walain lang natin itong mga napapanaginipan natin. Kailangan niya ng tulong. Aaaaahhhh!!!"

"Allie! Nurse!"

//

Dinig na dinig niya ang pag-iyak at pag-ungol ng babae. Nananangis, nananaghoy. Ramdam niyang naghihirap ang babae, ngunit hindi niya alam kung papaano niya ito matutulungan, at kung bakit silang magkapatid ang pinapakitaan nito sa panaginip.

"Para nyo nang awa...hinahanap na ako ni Richard...pakawalan ninyo ako..."

Napabalikwas si Andrew mula sa pagkakahiga, pawis na pawis bagamat malamig ang aircon sa hospital room ng kapatid.

"Hrnghhh....ungghhhh..."

Napatingin siya sa kapatid. Umuungol na ito at unti-unting kumikilos, subalit alam ni Andrew na tulog pa ito.

"Ungghhh....aaaahhhhh....Richard...."

Bigla ang pag-upo ni Allie mula sa pagkakahiga, mulat ang mata at nakatitig sa kanyang unahan. Ibinaling ni Allie ang tingin kay Andrew.

"Ibalik mo siya kay Richard. Hindi na niya kaya. Ibalik mo na siya."

Nakipag-bunuan si Andrew sa kapatid na pilit umaalpas mula sa pagkakahawak nito sa kanya. Umagos ang dugo mula sa natanggal na suwero, kasabay ng pagkakatanggal ng suot-suot na bracelet. Tumalsik ang mga charms na nakasabit dito. Muling nahimatay si Allie.

Isa-isang pinulot ni Andrew ang mga nagkalat na charms ng bracelet, at napansin ang pinakamalaking charm na puso. Isang locket na naglalaman ng dalawang larawan.

Ang babae sa panaginip, at isang lalaki.

Si Richard.

//

"Kanino galing ang bracelet, Allie?"

"Napulot ko lang kuya."

"Saan?"

"Malapit sa school namin."

"Hindi mo man lang ipinagtanong kung kanino yan?"

"Eh kuya sinusukat ko lang naman nung napulot ko, dadalhin ko naman sa lost & found sa school, kaso nung tatanggalin ko na, hindi ko na siya matanggal. Parag sumikip bigla sa kamay ko."

"Kelangan maisauli iyan."

"Papaano yung panaginip natin kuya? Kelangan natin tulungan yung babae."

"Hindi natin sila kilala, Allie. Paano natin tutulungan?"

"May pangalan na siyang binanggit. Si Richard. Baka asawa niya yun. Hinahanap na daw siya."

"O, eh kelan pa kaya yun? Baka naman nagkita na sila ulit o..."

"...O baka patay na siya. Kuya, hindi natin pwedeng balewalain iyan. At saka, bakit pareho natin napapanaginipan, eh ako naman nakakuha ng bracelet niya?"

//

"Sino ka? Nasaan ka? Bakit sa amin ka humihingi ng tulong?"

"Hinahanap na ako ni Richard..."

"Sino ka?!?"

"Itanong mo kay Andrew."

"Allie!"

Naramdaman ni Allie ang pagkakasampal ng kapatid sa kanya. Nagising siya at nakitang takot na takot ang kapatid.

"Kuya?"

"Diyos ko po, Allie! Nagsisigaw ka, akala ko nga hihilahin mo na naman yung dextrose mo. Nananaginip ka na naman pero bukod sa pag-ungol, nagsisigaw ka ng malakas."

"Siya ulit, Kuya. Pero ngayon nakausap ko siya. At sa mga tanong ko, isa lang ang isinagot niya."

"Ano yun?"

"Itanong ko daw sa iyo. Kuya, umamin ka, kilala mo yung babe na iyon?"

Natahimik si Andrew. Samu't sari ang dumaloy sa utak niya sa pagiisip.

"Hindi ko siya kilala."

"Pero kilala ka niya. Kuya, anong ginawa mo?"

"Hindi ko siya kilala! Pero sina Basti, at si Sam... nadamay lang ako..."

//

Balitanghali:

Natagpuan ang bangkay ni Nicomaine Faulkerson sa basement ng isang gusali, limang buwan mula nang napabalitang ito ay nawawala. Napag-alaman mula sa kanyang asawa na si Richard Faulkerson na hindi nakauwi ang asawa mula sa isang dinaluhang meeting. Sa isang CCTV footage ay nakitang sapilitang pinasakay ng dalawang lalaki ang babae sa isang puting van. Ayon sa imbestigasyon, inabuso ng mga lalaki si Mrs. Faulkerson bago ito pinatay. Kasalukuyang tinutugis ang dalawang lalaking nakita sa CCTV, samantalang ang driver ng van, na siyang nag-kumpisal sa mga pulis ng krimen, ay nasa ilalim na ngayon ng protective custody ng mga pulis. 

Horror NightsWhere stories live. Discover now