Kabanata 1

338 73 26
                                    

Kabanata 1

Simula

Hingal na hingal, tumatagaktak ang pawis at naliligo sa sarili niyang dugo, 'yan ang dinaranas niya. Patuloy lang siya sa kaniyang pagtakbo, nagbabakasakaling sana ay hindi siya maabutan. Gutay-gutay na ang suot-suot niyang damit, animo'y damit na ito ng taong grasa.

Na nanalangin siya sa kaniyang isipan na sana'y mayroong tumulong sa kaniya, ngunit wala, ni isa man. Pakiramdam niya ay galit sa kaniya ang mundo. Literal na galit sa kaniya.

Dahil hapong hapo na siya sa kakatakbo ay nagtago siya sa isang damuhan. Madilim na, alam niyang hindi na siya makikita pa. Tanging ang bilog na buwan na lamang ang nagsisilbing tanglaw niya sa kaniyang pinagtataguan at mga dinaraanan.

Nang narinig niya ang mga nagmamadaling takbo ng mga kabayo ay mas lalo niyang kinubli ang kaniyang sarili upang hindi siya makita, ngunit ng marinig niya ang malakas na sigaw ng kaniyang kapatid na lalaki ay gusto niyang mapahagulgol. Habang patuloy na lumalayo ang mga maingay na nang gagaling sa bawat hakbang ng mga kabayo ay ang siyang paglandas naman ng mga luha sa kaniyang pisngi.

Puno ng paghihiganti ang kaniyang puso. Nanginginig ang kaniyang katawan sa sobrang inis. Pagod na siya, pagod na pagod na siya. Ito naman ang kaniyang panahon para siya naman ang lumaban. Mayroon siyang karapatan... karapatan na dapat niyang ipaglaban... karapatan na dapat ay sa kaniya...

Nang hindi na niya marinig ang mga taong humahabol sa kaniya ay ibinulong niya sa kaniyang sarili...

"Matitikman niyo ang paghihiganti ko... Hinding hindi ko ito papalagpasin," pangako niya sa kaniyang sarili.

---xxx

Patuloy siyang naglakad palayo sa kaharian hanggang inabot na siya ng pagbukang liwayway. Alam niyang hindi siya ligtas sa lupaing iyon kaya naman naghanap siya ng maaari niyang tuluyan. Sa kaniyang paglalakad, mayroon siyang nakitang isang bahay kubo na yari sa puno ng Narra. Gawa man ito sa kahoy ngunit desente pa rin itong tingnan.

Lumapit siya sa bahay at hinahanap ang may-ari nito. Kahit siya'y hinanghina na ay pilit pa rin niyang tinatawag ang may-ari nito.

"Tao po! Tao po!" binigay na niya ang natitira niyang lakas sa pagsigaw. Hindi naman siya nabigo dahil mayroon namang nagpakita sa kaniya.

Isang babae na may edad sikwenta anyos. Mapuputi na ang kaniyang buhok, kumukulubot na ang balat at malamlam na ang mga mata nagpapahiwatig ng katandaan. Hawak-hawak niya ang kaniyang salacot at pala. Kakagaling lamang niya sa pagtatanim nang tinawag siya.

"Ano iyon?" tanong ng matanda na hindi gaanong maaninag ang mukha ng kaniyang kausap dahil sa nanlalabong mga mata at dala na rin ng hindi pa pagpapakita ang haring araw.

"Tulong..." bulong nito sa matanda. Tila umiikot ang paligid at sumasakit na ang kaniyang ulo. Nang maaninag na ng matanda ang babaeng tumawag sa kaniya ay napasinghap siya sa gulat.

"Queen Saffira..." bulong nito.

Hindi na kinaya ng katawan ni Saffira ang sakit, gutom, pagod at uhaw kung kaya't nawalan siya ng malay sa harap ng kaniyang kausap.

Dinala ng matanda si Saffira sa kaniyang tahanan. Ang ibang kasapi ng kaniyang pamilya ay katulad din ng kaniyang reaksiyon ng una niyang makita si Saffira.

Inalagaan at pinagsilbihan nila si Saffira. Inilagay sa kanilang karpet na gawa sa dahon ng buko. Nilinis din nila ang katawan ni Saffira, hinihintay na lamang nila itong magkaroon ng malay upang pakainin.

Nang medyo bumalik na ang lakas ni Saffira ay idinilat niya ang kaniyang pagod na mata. Gusto niyang umupo ngunit pinagbawalan muna siya ng anak ng matanda.

The Queen's Vengeance #WWC2018Where stories live. Discover now