Kabanata 8

57 5 0
                                    

kabanata 8

Kasalukuyang inaayos na nina Saffira ang kanilang gamit upang makauwi na. Madaling araw pa lamang, medyo madilim pa kung kaya't ang gamit nila'y gasera at lampara upang matanglawan ang kanilang daraanan.

"Maraming salamat po talaga sa inyo. Malaki po ang utang na loob namin sa inyo kung kaya't asahan niyo po ang aming suporta," pagpapasalamat ni Gilbert.

Napalunok si Saffira ng dumapo ang tingin ni Gilbert sa kaniya. Hindi pa siya sanay. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon niya. Kahit pa paano'y nakararamdam ng pagka-guilty si Saffira dahil hindi niya masusuklian ang pagtingin ng binata sa kaniya.

Para kay Saffira, kaharian muna, ang kaniyang layunin at obligasyon ang dapat munang pagtuunan ng pansin dahil kung hindi ito pagtutuunan at mas inuna niya ang ibang bagay baka maglaho na lamang ito na parang bula.

"Walang anoman 'yon. Alagaan mo ang iyong ama upang gumaling siya," singit ni Lucian.

Napatingin ang lahat kay Saffira. Naramdaman niyang hinihintay nilang magsalita siya kung kaya't pinilit niyang ibuka ang kanyang bibig.

"Ahm... m-makakaasa po kayo sa akin. Ako nga po ang lubos na magpapasalamat sapagkat buong puso niyo po akong tinanggap sa inyong pamamahay at tinulungan niyo pa po ako sa aking pakay dito."

Hinawakan ng ina ni Gilbert ang kamay ni Saffira. "Maraming umaasa sa'yo, nawa'y matupad mo ang nais mo..." Nginitian niya ito at saka niyakap.

"Magpaalam tayo kay tata Inggo," wika ni Lucian.

Tumango silang lahat kaya't inutusan ng nanay ni Gilbert na papuntahin sa kanilang tahanan si tata Inggo upang makapagpaalam at makapagpasalamat.

Uugod ugod itong pumasok ng bahay. Nagmano ang lahat bilang paggalang.

"Buti at naabutan nating gising si tata Inggo..." turan ni Lucia.

Bumulong si Mercy sa kaniyang anak. "Ganyan talaga kapag may edad na, maagang nagigising." Napatango na lamang si Lucia.

"Ay jusko! Sinumpong ako ng pananakit ng kasu-kasuan!" reklamo ni tata Inggo habang iniinda ang sakit kahit na ito'y nakaupo na.

"Tata Inggo, magpapaalam na po kami. Uuwi po muna kami dahil marami pa kaming kailangan asikasuhin sa bahay at yung trabaho pa ho namin. Pero hayaan niyo po, babalik po kami sa isang Linggo dito upang magkaroon na nang pagpupulong ukol sa gagawing paglaban kay Beaflor. Nawa po ay matulungan niyo kaming makumbinsi ang mga taga rito na pumanig sa queen
upang makaupo na siya sa trono." sabi ni Lucian.

"Mag-iingat kayo, lalong lalo na kay Beaflor. Hayaan niyo, kukumbinsihin ko sila. Nawa'y huwag na silang maging bulag pa at makita na sana nila ang liwanag," pangaral ni tata Inggo sa kanila. Tumango sina Saffira.

"O siya, maglakbay na kayo para hindi na kayo abutan ng sikat ng araw, para mas marami ang inyong magawa. Dalhan niyo ako ng cacao ha." Biro pa ng matanda. Tumawa pa ito ng malakas at dahil doo'y natawa rin sina Saffira.

"Isang sako po ba ang gusto niyo, tata Inggo?" tanong ni Lucia.

"Abay kung kaya niyo ay bakit hindi?" Muli'y humagikgik ito.

----XXX

"Nawa'y ingatan kayo ng poong maykapal sa inyong paglalakbay..."

Pinatakbo na ni Lucian ang kabayo. Malayo-layo pa ang kanilang lalakbayin kaya nakatulog sina Saffira, Lucia at Mercy sa loob ng kalesa.

----XXX

"Wahhhhhh!" Isang malakas na sigaw ang narinig nila Saffira habang kumukuha ng gamit sa kalesa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 01, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Queen's Vengeance #WWC2018Where stories live. Discover now