kabanata 6

82 47 4
                                    

Kabanata 6

First Move

Nag-aagaw na sa langit ang kulay kahel at ang dilim ng napagpasiyahan nilang umuwi, ngunit doon na nila napagplanuhang kumain upang hindi na sila kumain sa bahay. Humuli ng isda si Lucian, iyon ang ginawa nilang hapunan. Pagkatapos itong hulihin ay inihaw nila ito. Ang isda ang nagsilbing laman ng kanilang tiyan sa kanilang hapunan.

Masaya ang naging araw nila. Kahit pa paano'y nasiyahan si Saffira sa araw na ito. Tama nga ang sabi nila na kapag stress ka, maglibot ka lang at i-appreciate mo lang ang kalikasang binigay ng Diyos, siguradong mare-relax ka. 'Yon nga ang nangyari kay Saffira. Tila ba na sa dagat na ang kaniyang mga hinanakit, at tinangay na ito ng alon.

Nang nag-aayos na sila ng kanilang mga gamit ay napag-usapan ni Mercy at Lucian ang tungkol sa Calimborg. Kung ano na ang mangyayari doon gayong patay na si King Vincent II na nagpadagdag ng sweldo sa mga knights at guwardiya.

Noong nasa trono pa sina reyna Garmelyn at king Javier ay hindi tumaas ang sweldo ng mga knights at guwardiya subalit nagbigay sila ng mga magandang benepisyo sa bawat pamilya ng mga ito. Ngayong wala na si King Vincent II, isa na ito sa kinakaharap na problema ng Calimborg.

"Paano na kaya sina Gilbert, hano? Ang hirap na ng kalagayan nila doon."

Napatingin si Saffira kay Lucian ng narinig niya ito.

Si Lucia ay kinakausap ang may-ari ng cottage na kanilang pinagsilungan, habang si Saffira ay tumutulong kay Mercy na ayusin ang mga plato.

"Oo nga, e, paniguradong magdadalawang trabaho na naman si Gilbert," usal ni Mercy na nagbigay interes kay Saffira na maslalong makinig sa usapan.

"Ipagpaumanhin niyo na po ang aking pagsingit. Malapit lang po ba ang Calimborg sa bahay?" pagsingit ni Saffira.

Umiling si Lucian at inalis ang tingin sa kaniyang ginagawa. "Malayo pa ngunit dito sa Atlanta, sobrang lapit lang. Hindi natin madadaanan pero makikita natin ang bungad ng Calimborg."

Napatingin naman si Mercy kay Saffira, gusto niyang malaman ang na sa isip nito.

"May balak ka bang pumunta doon, kung sakali?" tanong nito kay Saffira.

Tumango si Saffira at sinabi ang kaniyang iniisip.

"Nais ko po sanang pumunta doon upang tingnan ang kalagayan nila..."

Nagkatinginan ang mag-asawa sa sinabi ni Saffira. Tila hindi sila sang-ayon sa sinabi niya.

"Delikado ka doon, Welliane. Doon ang kuta ng mga guwardiya. Siguradong isusumbong ka ng mga pamilya ng mga 'yon," nag-aalalang sabi ni Mercy.

"Kung hindi po ako kikilos, walang mangyayari. Sa ngayon po magpapatulong muna ako kay Gilbert na lumaban. Para kaya kong ipagtanggol ang sarili ko."

Parehas na tumango ang mag-asawa. Tama nga naman si Saffira, hindi sa lahat ng pagkakataon ay may kasama siya. Hindi sa lahat ng oras ay mayroong magliligtas sa kaniya. Kailangan ng isang tao na tumayo sa sarili niyang mga paa, huwag tayo asa ng asa sa kapwa natin.

Nang sila'y matapos ay tinawag na ni Mercy si Lucia. Napatagal ito sa pakikipag-usap sa may-ari.

"Ang tagal-tagal mo naman!" bungad ni Mercy sa anak. Dala-dala na ni Mercy ang ilang mga gamit at nilalagay na ito sa kalesa.

Nagkamot sa ulo si Lucia at ngumuso. "Ina, napadaldal lang po kina Tata Ismael. Maraming salamat din daw po dahil pumunta ulit tayo dito, pasensiya na daw po sapagkat 'di niya tayo napuntahan sa cottage kasi ang daming nagpaparenta."

The Queen's Vengeance #WWC2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon