kabanata 7

91 46 6
                                    



Kabanata 7

I'm not ready

"Handa na ba ang lahat?"

Hinahanda na nina Mercy, Lucian, Lucia at Saffira ang mga kakailanganin nilang dalhin. Nagdala sila ng mga pagkain upang ibigay sa mga tao roon.

Si Lucia ay hindi mapakali. Papari't parito siya sa kalesa at sa bahay. Napansin naman ito ni Saffira kaya kahagad niya itong kinausap.

"Lucia, ayos ka lang ba? Kanina pa kita napapansin e."

Nag-aalalang tumingin si Lucia kay Saffira.

"Ate Welliane, paano kung hindi ka nila tanggapin doon?"

Napaangat ang labi ni Saffira. Baka nga dumating sa punto na ganoon ang mangyayari. Maspipiliin ng mga taga-Calimborg na kampihan ang kapamilya kaysa iba.

"Basta, gagawin ko ang lahat at kapag nakuha ko na yung loob nila, gagawin ko silang hukbo ko na lalaban kay Beaflor."

"Mahirap po 'yon..." wika ni Lucia.

"Kahit mahirap, kakayanin ko."

Napatingin sila sa kinaroroonan nina Mercy at Lucian dahil tinatawag na sila nito.

----XXX

Patungo na sila ng Calimborg. Hindi alam ni Saffira kung ano ang nararamdaman niya dahil halo-halo ang kaniyang mga emosyon mayroong takot, pangamba, lungkot at awa dahil naghihirap sila at tuwa dahil may mapapatunayan na siya sa sarili niya.

"Ayos ka lang?" tanong ni Mercy kay Saffira.

Napansin kasi nito na malalim ang iniisip niya.

"Ayos lang po ako," wika niya sabay ngiti.

"Nandito lang kami parati, Welliane. Hindi ka namin pababayaan sa kahit anong laban mo..."

Naantig muli ang puso ni Saffira sa mga sinabi ni Mercy. Salamat sa pamilya nila Lucia kung hindi dahil sa kanila baka duwag pa rin siya ngayon. Baka 'di niya makuhang pumunta man lang sa Calimborg.

"Salamat po," wika ni Saffira.

Naging maganda ang takbo nang kanilang biyahe. Hindi ganoon kainit dahil mayroong nagbabadyang ulan. Napakarami nilang dala-dala, mayroon silang mga damit na pinagliitan, mga simpleng pagkain, bulaklak (pasalubong sa ama ni Gilbert) at ang kanilang mga sarili.

Lubos na kinakabahan si Saffira, para siyang nagsasagot sa isang pagsusulit at tatlong minuto na lamang ang kailangan para makapagsagot. Nanlalamig din ang kaniyang mga kamay pero parati niyang pinagsisiksikan sa kaniyang isip na kaya niya, na mapapagtagumpayan niya ito.

Nakatulog ang tatlo sa byahe, tanging si Lucian lamang ang gising dahil siya ang nagmamaneho.

"Gising na kayo, nandito na tayo..." 'Yan ang nagpagising kay Saffira.

Naalimpungatan si Lucia. Si Mercy ay kahagad na bumaba upang magdala ng mga gamit.

Sinalubong sila ni Gilbert. Napansin ni Saffira na tila pilit lamang ang ngiting isinalubong sa kanila ni Gilbert.

"Kamusta po biyahe?" tanong ni Gilbert habang tinutulungan sila magdala ng mga gamit.

"Ahm... maayos naman." Inilibot ni Saffira ang tingin sa paligid. Walang masyadong tao, mga bata na titingin tingin lamang ang nakikita niya.

"Gilbert, patulong nga dito." Tinulungan nga ni Gilbert si Lucian.

"Saan tayo pwedeng magsimula?" tanong ni Saffira kay Gilbert.

The Queen's Vengeance #WWC2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon