"PITAKA"
-mynameisLynlee♥
Ako'y sumakay sa jeepney
Magandang babae ang katabi
Siya'y biglang ngumiti
Puso ko'y kanyang nabighani.
Siya'y napadikit ng si Manong Driver ay biglang nag preno
Dahil may pumara pala sa isang kanto.
"Uy! Manong, sukli mo ay kulang ng piso!"
Sigaw ng lalaking nakasumbrero.
Sa aking tapat, mga tao'y pawisan
at gutom na dahil malapit ng mag tanghalian.
Sa aking tabi, di nabawasan ang ganda ng babae
at ako'y biglang tinablahan ng pagiging isang torpe.
Sa isang tabi siya'y biglang pumara
Hindi ko alam kung ako'y bababa rin ba.
Matagal akong nakapagpasya
Sa wakas naisigaw ko rin ang "Mama! Para!"
Magbabayad palang sana
Ngunit pagkapa sa aking pitaka
Sa akiing bulsa pitaka ko'y nawawala
Nawala kasama ng magandang dalaga!