XIX : "GOBYERNO NG PILIPINAS"

15.5K 67 37
                                    

"GOBYERNO NG PILIPINAS"

-mynameisLynlee♥

Ilang upuan ang pinag-aagawan

nagbabatohan ng iba't ibang isyu pagdating ng halalan.

Mga koneksyon nila ay talagang importante

upang sa gustong posisyon sa resulta'y maging kampante.

Gobyerno ng ating bansa

may pag-asa pa nga ba?

Tuwid na daan nga ba ang tinutungo

gaya ng sabi ng ating Pangulong Aquino?

Korapsyon doon, korapsyon dito

ilan nalang nga ba ang may malasakit na totoo?

Marami pa ring taong naghihirap

hindi umaangat kahit na anong sikap.

Pondo na para sana sa bayan

Winawaldas lamang ng kung sinu-sino man.

Mga opisyales na nagkakasala

nabibigyan nga ba ng nararapat na parusa?

Tumaas man ang Ekonomiya ng ating bansa

ngunit mayayaman lamang ang nakakadama ng ginhawa.

Mga mahihirap ay patuloy pa ring naghihirap

upang sa araw-araw may pagkaing malalasap.

Naghihikahos ang karamihan

kahirapan ang sanhi ng maraming nakawan at kaguluhan.

Ano nga ba ang tunay na solusyon

sa lumalaganap na hirap pati na rin ng polusyon.

Oo! Hindi lang gobyerno ang may kasalanan

pati na rin ang mga mamamayan.

Ngunit naghihirap na nga ang ating bayan

nagiging corrupt pa ang mga nasa lipunan.

Gobyerno ng ating bansa

may pag-asa pa nga ba?

Pilipinas ay tuluyan na bang naging malaya?

O patuloy pa ring nakakulong sa kahirapan at sa dusa.

GALING SA PUSONG UMIIBIG [Mga Tula]Where stories live. Discover now