XXX : "IKAW"

199 5 0
                                    

"IKAW"
-mynameisLynlee♥

Dumating ka sa buhay ko
Akala ko'y puso na ay naging bato.
Ngunit nabigyan mo uli ng kulay
Ang mundo kong kulang ng buhay.

Hindi ako perpekto
Ngunit tinanggap mo ako ng buo.
Simple lang akong tao
Ako pa rin ang nagustuhan mo.

Panalangin sa Maykapal
Ikaw na sana ang sagot sa mga dasal.
Hinintay kita ng kaytagal
Ikaw at tunay na pagmamahal.

Ikaw ang syang nagpatibok muli
Sa puso kong naging sawi.
Ikaw ang nagpapasaya
Sa bawat araw simula ng nakilala kita.

Sana ay hindi magbabago
Yung ikaw at ako, yung tayo.
Isa lang naman ang panalangin
Kasama kang tumanda't matupad ang mga pangarap natin.

Sana ay wag mong kakalimutan
Kahit na sa oras ng pagtatampuhan,
Ikaw lang tinitibok ng aking puso
Ikaw lang ang tanging laman nito.

GALING SA PUSONG UMIIBIG [Mga Tula]Where stories live. Discover now