"TEDDY BEAR"
-mynameisLynlee♥
Ako'y ibinigay niya sayo
ipinagkatiwala ng buong puso.
Minahal mo ng buong-buo
tinatrato na parang tao.
Dahil sakin ikaw ay napapangiti
kahit tayong dalawa lang sa isang tabi.
Kinukwento mo sakin ang inyong masasayang sandali
mga pangarap na inyong minimithi.
Isang araw kayo ay nag-away
ikaw ay hindi mapalagay.
Ika'y umuwi na umiiyak
Puso mo'y kanyang tuluyang winasak.
Naghiwalay kayo ng tuluyan
daigdig ay para mong pinapasan.
Gusto kitang tulungang makalimot
ngunit mga tingin mo sa akin ay puno ng poot.
Iyong masasayang ngiti ay nawala
Pumalit ang lungkot at mga luha.
Gusto kitang lapitan
at ng ikaw ay tumahan.
Ngunit paano ko iyon gagawin?
Ako'y di hamak na isang teddy bear lamang.
Ayaw mo na akong yakapin
ang tangi mong gusto, ako ay sipain.
Sa iyo ako'y nagdudulot lamang ng lungkot
dahil sa akin, ikaw ay hindi makalimot.
Mga kamay mo ay hindi ko na naabot
paglisan ko ay naiisip na gamot.
Ika'y nakapag-isip ng tuluyan
ako ay ayaw mo ng gawing unan.
Nakapagpasyang ako'y itapon
upang sakit ay tuluyang sa limot ibaon.
Mga itim kong mata
ay walang luhang nadama.
Ngunit pait ay ramdam ko
dahil hindi ko nagawa ang aking trabaho.
Trabahong mapasaya ka
kaya makakabuti na nga sigurong ako'y itapon sa basura.
Sana sa aking paglisan
ay tuluyan mo siyang makalimutan.
Wag kang mag-alala
ikaw ay bata pa.
Nararapat na pag-ibig ay darating
siya ay panghabang buhay mong makakapiling.
Babalik ako sa'yo
ibibigay uli ng nararapat na tao.
Kapag darating na ang muli nating pagkikita
lungkot at mga luha ay mapapalitan uli ng saya.
03-17-14 | 10:08PM
_____________________________________________
Ang tulang 'to ay dedicated kay DeathStar34 dahil nainspire akong gumawa ng tula sa kwento niyang UNSPOKEN [under One Shot Stories Tagalog]