Chapter 23: Fiesta

4.3K 80 0
                                    

Sophie's POV

*Grooowwwwlll*


Napahawak ako sa chan kong humihilab sa gutom. Kahapon pa ko di kumakain. Pass 9am na.

Kainis kasi eh! Hindi naman big deal yung nagawa ko! We can pay for the damage. Besides, isang beses ko lang ginawa yun. I mean, yung binangga ko ng kotse ang pader. Kung tutuusin mas kawawa kotse ko eh! Kasalanan ko bang sa sobrang lasing, naghallucinate ako na gate nila yun?! Well... Maybe it was really my fault. I drank too much. Wala kasi si Britney na laging nakaantabay at si Bianca na kainuman ko. Edi sana di ako aattend ng party'ng yun at sa Angel's na lang pumunta. Inaya lang din ako ng isang kaibigan. Di ko naman alam kung anong meron dun o kung kaninong bahay yun. Basta paggising ko (tulog mantika ako at idagdag mo pang lasing), nagising na lang ako sa kwarto na ito.

Someone's knocking the door.

"Ma'am Sophie... Kumain na po kayo ng agahan. Di pa po kayo kumakain simula kahapon." it was the old lady. Sabi nya utusan sya dito.


Parang Kubo ang style ng bahay na'to pero malaki nga lang. One storey lang din sya. Maaliwalas ang ambiance.

I didn't utter a word. Naiinis pa din ako kay Dad. Kakain lang ako kung ibabalik nya akong Manila.

"Ma'am, ayaw ko pa po mawalan ng trabaho... Parang awa nyo na po..." I heard her voice cracked. Hell this conscience is killing me!

I have this soft spot for the elders. Hindi ko maatim na makitang naghihirap sila.

I sigh in defeat... Wala naman na akong magagawa. Basta magdesisyon si Dad, wala nang makakapigil nun.

I pull myself away from the bed and open the door.

Umaliwalas ang mukha ng matanda pagkakita saken.

"Tara po sa kusina ma'am..." nakangiting hinawakan nya kamay ko. I don't mind though. Di naman ako maarte.

"Manang, Sophie na lang po itawag nyo sakin..." sabi ko na dahilan kaya napatingin sya saken. I smiled at her and she did the same.

Nakahanda sa mesa ang sari-saring pagkain na bago pa lang sa paningin ko.

"Manang? What's this?" Turo ko dun sa parang malagkit na itim.

"Suman yan hija. Gawa sa kaning malagkit." Sabi nya. Sumubo ako kasi nacocurious ako sa lasa. It was sweet actually. Nginuya ko muna bago nilunok. Alangan naman lunukin ko muna bago nguyain di ba?

She introduced the other food to me. Nasarapan ako dun sa unang kinain ko kaya tinikman ko ang iba. Gusto ko pa sanang kumain nun pero pinigilan nya ako. Sabi kain muna daw ako ng kanin. Babarahin ko sana. Puro naman galing sa kaning malagkit ang mga yun eh. What makes them different?

Grabe... Ganito ba ang pagkain sa probinsya? Ang sasarap! Britney and Bianca should try this.

"Oo nga pala anak, may palaro sa plaza ng bayan. Baka gusto mong manood." napatingin ako kay manang na nililigpit ang pinagkainan ko. "Fiesta kasi dito..." napatango na lang ako.

Imbis na magkulong ako at magpakabampira sa kwarto why not explore? Maybe I really just need to relax and let things flow slowly. Hindi ko naman magagamit ang cellphone ko dahil walang signal. Halos akyatin ko na kahapon ang bubong matawagan lang si Bianca eh. Wala pa naman akong idea kung nasan ako.

"Manang, asan po family nyo?" sya lang kasi ang nakikita ko. Sa pagkakaalam ko, hindi sya nagse-stay dito.

"Nasa bahay anak. Naghahanda... May mga kamag-anak kaming dumating eh." nakangiting sabi nya. Naguilty naman ako dun. Kasi imbis na na atupagin nya ang pamilya at bisita nila, nandito sya at pinagsisilbihan ako.

That Stranger Is My HUSBANDМесто, где живут истории. Откройте их для себя