Chapter 28: Ouch

4K 75 0
                                    

Bianca's POV

Excited akong sumakay sa kotse nya. May date kasi kami ngayon eh. Whehehe... Araw araw na lang magkasama kami.

It's been a month nang umpisahan nya akong ligawan.

Last week lang din ako dumating galing France. May fashion show kasi dun. Akalain mo bang sundan ako dun? Syempre kilig naman ang Lola nyo...

"Nakangiti ka jan?" nabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ko ang boses nya.

Tiningnan ko sya. "Wala... Lagi ka kasing nakabuntot saken." I let out a chuckle.

"Sabi kasi ni Dad, follow your dreams..." nabura ang ngiti ko. Asar sana yun eh. Ramdam kong namula na naman pisngi ko kaya iniiwas ko tingin ko.

"Sa-san ba tayo pupunta?" tinry kong itago ang kilig ko.

"Basta..." he said then held my hand with his free hand.

Halos mabato naman ako sa kinauupuan ko. Nagtumbling na naman puso ko. Kainis! Bakit grabe ang epekto nya sakin?

"Delekadong mag drive ng isang kamay lang..." Buti naman hindi ako nabulol.

Tumawa lang sya at binitawan ang kamay ko. No... Tsk. Ayaw makiayon ng puso ko.


After 15 minutes, nagstop kami.

Seriously?!

"Anong gagawin natin dito?" Kunot noo akong tiningnan sya.

"May laro kasi ng basketball ang PBA ngayon..." he said then went out.

Basketball? Wow... Ang saya! Note the sarcasm.

Pinagbuksan nya ako at nag-umpisa na kaming maglakad papasok. Medyo nauuna pa syang maglakad kesa sakin.

Wala naman akong kainteres interes sa sports. Pero napipilitan akong manood dahil sa kanya. Kahit ba mamatay ako sa pagtakip ko ng tenga dun sa hiyawan ng tao, makasama ko lang sya.

Umupo kami sa bleachers na nasa kanan ng court. Mag-uumpisa na ata eh.

Hindi man lang ako inalalayan na umupo. Sabagay... Di naman kasi ako lumpo eh. Pero kahit na! Kapag naman kakain kami sa labas inaalalayan nya ako we. Baka naman excited lang manood? Tama... Yun nga.

Nag-umpisa na ang laro. Hiyawan na naman ang mga tao. Para hindi mabingi, nilagay ko earplug ko at nagsound trip. Tiningnan ko si Bryle. Grabe... Napako tingin nya sa court ah. Varsity kasi yan dati eh. Kaso sya na nag-aasikaso ng business nila kaya hindi nya ma-pursue ang hilig nya.

To Britney: Hey! Where are you?

After 3 minutes, nagreply sya.

From Britney : Nasa William's building. Nagtetraining.

Buti naman at may pinagkakaabalahan na sya. Yun nga lang medyo busy sya. Haish... Namimiss ko na sila ni Sophie. Speaking of her... Asan na nga pala yun? Alam ko naman safe sya kaya lang hindi ko maiwasang hindi magworry.

To Britney : Sige.

Hindi na ako nakatanggap ng reply mula sa kanya.

Grabe... Nakakabagot talaga dito.

Nakaramdan ako ng tawag ng kalikasan kaya kinalabit ko si Bryle.

"Bakit?" Wow ha? Mas gusto nyang titigan ang court kesa sakin.

That Stranger Is My HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon