Chapter 33: Spy

4K 80 5
                                    

Stephen's POV

Bwisit! Iniwan na lang ako bigla! Kainis!

Padabog kong isinarado ang gate. Sinipa ko pa ang maliit na batong nakaharang sa daraanan ko.

"Umalis si Britney? Sinong kasama?" Si Gail na nasa pinto.

"Just some asshole..." I mumbled.

"Ha?"

"Ah... Wala. Yung kaibigan nya lang." pagdadahilan ko.

Saan naman kaya sya dadalhin ng tukmol na yun? Baka naman may gawin syang masama kay Britney?! Yung babae kasing yun eh! Bakit ba sya sumama dun?! Bakit hindi na kasi sya tumigil dito sa bahay?!

"Pader..." hindi ko narinig ang sinabi ni Gail.

"Ah! Fuck!" I cursed under my breath. Bakit ba kasi nakaharang sa daraanan ko ang pader na'to?! Kitang dadaan ako eh! Pahara hara!

"Hindi ko alam na maypagka clumsy ka ha?" she said chuckling. Napasimangot na lang ako.

"Tara na sa loob. Nahanda ko na ang breakfast slash lunch naten..." nakangiting sabi nya. Usually pag nakikita ko syang nakangiti, automatic na lang na tataas ang magkabilang dulo ng labi ko. Pero bakit ngayon hindi?

Hinawakan nya ang braso ko at iginiya papuntang kusina.




"...Tapos mahilig sa racing si... Alam mo bang muntik nang lumabas sa katawan ko ang kaluluwa ko nang ipagdrive..." hindi ko na maintindihan ang sinasabi ni Gail.

Patuloy pa din sa pag-ikot ang ulo ko sa tanong na kung nasaan na si Britney, kung kumain na ba sya. Ano nang ginagawa nila ng tukmol na yun? Nagluluto din kaya sila ng itlog gaya nung pagluluto namin?

Nag-init ang ulo ko sa naisip ko. Ako lang dapat ang kasama nyang magluto ng ganun.

Naalala ko tuloy mukha nya habang nagluluto kami ng itlog. Nakakatawa kasi parang ewan na nakasangga sa mukha nya yung takip ng kaldero. Tapos ang ganda pa ng boses nya kahit Bahay-kubo ang kinakanta. Magaling din pala syang sumayaw? Bukod sa pagluluto, ano pa bang bagay ang hindi nya kayang gawin? Alam ko natuto na syang maghugas ng pinggan at maglinis ng bahay. Marunong kaya syang magbake ng cake? Malamang hindi. Di nga marunong magluto ng itlog yun eh.

Napatawa nalang ako ng mahina.

"Stephen, nakikinig ka ba?" Napaangat ang tingin ko kay Gail. "You're spacing out... May problema ba?" Nakikita kong nag-aalala sya saken.

Oo. Yung tukmol na yun, kasama nya si Britney.

"Wa-wala..." ngumiti ako ng pilit.

"Anyway, pupunta akong Airport mamaya. My mom is visiting me. Kaya susunduin ko sya..." she said smiling.

Teka... Bakit si Britney ang nakikita ko? Nanlaki ang mata ko nang binelatan nya ako. Ipinikit ko ng mariin ang mata ko at pag bukas ko, si Gail na ang nakikita ko.

"Ako na maghuhugas ng pinagkainan natin." ha? Paano ko naubos ang pagkain na nasa pinggan ko?

Tumayo si Gail at pinagpatong ang pinggan na ginamit namin at nilagay sa lababo.

Teka... Britney?

"Hoy! Dahan dahan! Baka makabasag ka na naman ng pinggan." Sita ko. Lagi kasi syang nakakabasag eh. Pero ngayon, madalang na lang.

"Stephen, ano bang pinagsasabi mo?" bumungad sakin ang nakakunot ang noong si Gail.

Ha? Nasaan na si Britney? Tangina! Ano bang nangyayare sakin?!

That Stranger Is My HUSBANDWhere stories live. Discover now