Simula

5.9K 263 6
                                    

Simula

“Ingat ka pauwi, Sannee. Alam mo naman 'yung balita ngayon. Grabe ang mga krimen—” Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at kumaway na lang sa kanya.

“Ingat ka rin po!” Agad akong nag punch out bago lumabas sa store.

Hawak ko ang kape sa dalawang kamay na nagpapainit sa malamig kong palad. Mabilis kong inubos iyon at tinapon sa basurahan.

Disyembre na nang taon kaya dapat ay masaya ang paligid ngunit sa lugar namin. Maraming masamang pangyayari tulad ng mga karumaldumal na krimen sa iskinita ng ganitong oras.

Sa awa ng diyos, wala pa akong napabalita na biktima ang mga estudyante.

Agad akong napatingin sa relong pambising, alas onse na ng gabi. Malamig na ang paligid. Hindi ako dumadaan sa lugar na mayro'ng iskinita o sa madilim na bahagi kasi  kadalasan doon nangyayari ang krimen.

Napatingin ako sa may unahan, may pigura ng tao na nakaupo. Lumapit ako sa kanya. “Manang, ito ho.” Binigay ko sa kanya ang tinapay na hindi ko nakain kaninang break. Maayos pa naman iyon kainin, hindi pa napapanis.

“Salamat, iha. Pagpalain ka ng Diyos.” Aniya.

Ngumiti ako bago magsalita. “Manang, lumalalim na ho ang gabi. Bakit nandito ho kayo sa labas? Delikado na ho ngayon.”

Binuksan niya ang plastic ng tinapay bago bumaling sa 'kin. “Iha, Diyos na ang bahala sa 'kin. Hindi ako kailanman matatakot.” Aniya.

Ngumiti na lang ako bilang tugon bago nagpaalam sa kanya. Lumalalim na ang gabi. Kailangan ko na umuwi at baka hinihintay na naman ako ng kapatid ko sa bahay.

Nagsimula akong maglakad hanggang napadaan ako sa may park. Tahimik ang buong paligid na mas lalong nagpapakaba sa tulad kong andito pa sa labas.

Sa hilagang bahagi ng Mystone Town ay do'n nakatayo ang mga abandonadong gusali pero isa iyong club, gano'n lang siguro para hindi masyadong agaw pansin.

Nililipad ng hangin ang mahaba kong buhok nang mapansin ko ang anino na sumusunod sa 'kin. Agad akong ginapangan ng kaba pero nanatili akong kalmado.

Huminga ako nang malalim. Unti-unti kong binilisan ang paglalakad na nauwi sa pagtakbo. Sumalakay ang takot sa puso ko nang sinusundan niya pa rin ako. Mabibilang lamang ang mga post lights na nasa 'king unahan.

Halos himatayin na ako sa lakas ng tibok ng puso ko, parang gusto iyong kumawala sa 'king dibdib. Kung sa ganitong paraan man lang ako mamatay ay kailangan kong makita ang lapastangan na sumusunod sa 'kin at mumultuhin ko siya.

Mabilis akong lumingon pero agad na may humila sa 'kin. Bigla kong naramdaman ang pagkahilo, tila umiikot ang paligid ko hanggang makarating sa madilim na iskinita.

Napasandal ako sa malamig na semento kasabay tinakpan ang aking bibig. Nanlaki ang mga mata ko dahil wala akong maaninag sa taong nasa harapan ko. Masyadong madilim sa lugar, tanging ilaw lamang sa bukana ng iskinitang ito ang may liwanag ngunit hindi 'yun umaabot sa 'king pwesto.

Nakarinig na lamang ako ng iilang hakbang ng sapatos hanggang sa nawala na ito. Agad kong hinawakan ang kamay na nakatakip sa 'king bibig pero napaigtad ako sa sobrang lamig, parang nakahawak ako sa isang yelo.

Halos mapigilan ko ang paghinga nang maramdaman ang malamig na hangin malapit sa 'king tenga. Naaamoy ko ang alak at ang kanyang pabango. “You owe me.”

Isang namamaos na boses ang narinig ko na naging dahilan upang manindig ang aking balahibo. Bago pa ako makapagsalita ay may malamig na hangin ang naramdaman ko sa 'king harapan at sa puntong iyon—  Alam kong nag-iisa na lang ako.

--

©Herroivasfur 2017

When The Night Falls Where stories live. Discover now