Night 3: Neon Lights

3.8K 245 2
                                    

Night 3: Neon Lights

Mabilis akong tumakbo patungo sa bookstore. Hindi ko kaya ang tibok ng puso ko na kaharap ang lalaking 'yon. Pag dating ko doon, pinahiram ako ni Ma'am Vina ng damit bago pumasok sa trabaho.

Hindi mawala sa isipan ko kung bakit naro'n ang lalaki kanina. Sa pagkakaalam ko ay ako lang ang nakadapa sa gitna ng daan.

Malakas ang ulan kaya walang tao pero bakit siya naroon?

Malayo ang Mystone café pero bakit ako napunta nang gano'n kabilis?

Ang dami kong tanong na hindi naman nakakatulong sa ekonomiya kaya mabuti pa't hindi ko na lang 'yun isipin. Katulad ng mga nakaraang araw ay mahina ang benta ng mga libro at maaga rin kaming nagsara.

“Mag-ingat ka sa daan, Sannee.” Kumaway si Ma'am Vina sa 'kin bago tuluyang umalis.

Nagpaalam din ako kay manong guard at nagsimulang maglakad pauwi. Tahimik na ang paligid, iilan na lamang ang nasa labas. May iba namang tumatambay, tila hindi sila aware sa kaganapan sa lugar namin.

Nagising ang diwa ko nang marinig ang cellphone ko sa bag. Nahihirapan akong kunin 'yon dahil sa basa kong damit. Nakabalot pa nga iyon sa plastick bag at napunta pa sa ilalim ang cellphone ko.

Huminto ako saglit sa daan at inilapag ang aking bag sa semento. Hinalughog ko 'yon hanggang sa maabot ko ang cellphone. Mabilis kong sinagot ang tawag.

“Sannee girl! Out ka na?” Tanong ni Harriet. Naririnig ko ang beat ng kanta sa kabilang linya.

“Kaka-out ko lang. Bakit ang ingay diyan?” Bahagya kong inilayo ang cellphone sa tenga.

“Nasa club kami. Ya must punta here, Sannee girl. You know, a little bit unwind. Stress na your face sa trabaho. Let's party!” Aniya.

Napapikit ako nang napagtantong lasing siya. Konsensya ko pa kung anong mangyari sa kanya. Sasagot na sana ako nang biglang naputol ang tawag. Uuwi muna ako para magpaalam sa kapatid ko.

***********

“Wag kang aalis dito. Babalik ako agad.” Pagbabanta ko sa kanya. Nakatutok lang siya sa tv at tumango. “Binabalaan kita, Mavis.”

Bumaling siya sa 'kin. “Binabalaan din kita, ate. Kapag may nangyaring masama sayo, magpapakamatay ako.”

Nangilabot ako sa sinabi niya. Binato ko siya ng unan. “Baliw ka. Walang mangyayari sa 'kin na masama. Masyado kang paranoid. Dito ka lang. Lagot ka talaga sa 'kin pag lumabas ka.”

“Ilang ulit mo na bang sinabi 'yan? 'Tsaka kampante ako dahil nando'n si Kuya Reggan.” Ngumisi siya sa 'kin kaya mabilis na lang akong umalis.

Niyakap ko ang katawan dahil sa lamig ng paligid, mag hahatinggabi na. Malalaki ang mga hakbang ko na nagtungo sa sakayan, lumilinga ako sa paligid habang naghihintay ng cab. Ilang sandali pa ay may paparating, pinara ko iyon. Huminto naman siya sa harap ko, agad akong pumasok at sinabi ang destinasyon ko.

Ilang sandali pa ay natanaw ko na ang Mystone Club. “Dito lang po.” Inabot ko ang pamasahe kay manong driver bago lumabas.

“Teka, iha.” Nagtatakang lumingon ako kay manong nang tinawag niya ako. “Masyadong gabi na at dito mo pa naisipang pumunta. Mag-ingat ka.” Bahagya akong natigilan sa sinabi niya. Tumango na lang ako at agad din siyang umalis.

Sa unang tingin pa lang ay parang abandonado itong building. Alam naman ng ibang mamamayan na club ito. Ewan ko rin ba kung bakit hinahayaan na lang ito ng malalaking tao sa Mystone.

Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy sa paglalakad papasok sa Mystone Club. Naningkit ang mga mata ko nang tumama sa 'kin ang iba't ibang ilaw sa loob, mga neon lights at disco balls. Maingay at masikip, naghahalo ang iba't ibang pabango at amoy pawis. Maraming kabataan ang narito. Hindi ba nila alam na delikado ang gabi ngayon?

When The Night Falls Where stories live. Discover now