Night 1: Stranger In The Night

5.4K 263 3
                                    

Night 1: Stranger In The Night

Humalukipkip ako nang makita ang bumungad sa 'kin. “Mavis Clay Gomez, diba sabi ko sa 'yo na iligpit mo ang 'yong mga kalat bago ka gumala sa labas?”

Nagkalat ang mga photocopies at sketchpad sa lapag. He's growing up in different way, in katamaran way. Napabuntong hininga ako nang hindi niya man lang ako nilingon at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng bahay. Bagsak ang balikat ko at napailing na lang.

Tumayo ako bilang magulang ng kaisa-isang kapatid ko na lalaki dahil sa ulila na kami. Naaksidente ang mga magulang ko sa nalunod na barko apat na taon na ang nakakaraan.

Nagtatrabaho ako para may pandagdag na gastusin sa bahay at sa pag-aaral namin. Maliit lang ang pera na naiwan sa bangko ng mga magulang ko kaya kailangan ko magsumikap.

Nagising ang aking diwa nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman sinagot ang tawag na 'yon. “Oh? Naz? Napatawag ka?”

“Sannee, alam mo naman na gagawa tayo ng power point presentation, diba? Kailangan na namin makuha ang idea mo!” Asik niya.

Hinilot ko ang sintido sa narinig. “Hindi naman tayo aabot ng gabi, diba? May night shift kasi ako.”

“Kung mapapabilis tayo. Letche naman kasi 'yong Bobitang Harriet na 'yon. Hindi tumutulong.”

“Tutulong din 'yon. Sige na, magkita na lang tayo sa Mystone Grill. I'll hang up now. Bye.” Binaba ko na ang tawag bago nagtungo sa banyo at naligo.

Kung tinawagan ako ni Nazneen, sa tingin ko darating din si Reggan mamaya, crush ko. Hindi naman siguro ako aabot sa punto na maiinlove ako dahil ang importante sa ngayon ay kami ng kapatid ko, crush-crush lang muna sa ngayon, isang paghanga lang sa kapwa. Gano'n.

Mabilis akong umalis ng bahay at hinanap si Mavis. Natagpuan ko siya sa park kasama ang kanyang mga barkada. Nagpaalam ako sa kanya na hindi ako makakauwi ng gabi dahil sa may night shift ako. Nagpalit kasi kami ng schedule ng isang cashier, si Tessa, dahil nagkasakit ito.

Sa umaga ay estudyante ako at sa pagsapit ng alas singko ng hapon ay empleyado ako. Sabado pa naman ngayon nang umaga. Minsan talaga may mga bagay na malakas mag demand ng oras.

Kumaway sa 'kin si Nazneen nang matanaw niya ako. Agad naman akong napangiti nang makitang katabi niya si Reggan. Hindi ako manhid at lalong hindi ako tanga, may pagtingin siya kay Reggan. Katulad ko, isang lihim na pagtingin para sa isang kaibigan.

“Nasaan ang iba?” Panimula ko nang makarating sa kanilang pwesto.

Umupo ako sa bakanteng upuan sa harap ni Reggan. Naiilang nga ako dahil crush ko siya. Normal naman 'to, diba?

“Hinihintay ko iyong bitch. Naro'n lang si Celeste sa may stool bar.” Aniya sabay tinuro ang babaeng nakatagilid sa 'min na may hawak na libro. Here comes the bookworm.

Ninguso ko sa harapan si Reggan na halos hindi kami binalingan ng tingin dahil panay gamit siya ng cellphone. Nagkibit balikat lamang si Nazneen. Pumasok naman ang babaeng hinintay namin. Kumekembot pa itong nagtungo sa 'ming pwesto.

“It is so init. I can't even stand the usok near the barbecue stall. Gosh.” Napairap si Nazneen nang magsalita ang conyong si Harriet.

Napangisi naman ako, mainitin talaga ang ulo ni Naz kay Harriet.

”Gosh, Naz. Rolling your eyes won't make you pretty. You're so panget pa rin. Oh slash, panget na panget.”

“Guys!”

Napaigtad ako nang biglang sumigaw si Reggan habang nanlalaki ang kanyang mga mata.

“Reggan, baby boy! Gosh. Why you make sigaw-sigaw ba? Na shock tuloy is me.” Maarteng tugon naman ni Harriet bago marahang hinampas ang balikat nito.

When The Night Falls Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon