Night 2: Unforeseen

4.4K 234 3
                                    

Night 2: Unforeseen

Dali-dali akong pumasok sa bahay at dinoble ang kandado sa pinto. Napahawak ako sa 'king dibdib, sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Adrenaline rush lang 'to. Huminga na lang ako ng malalim.

"Ate."

Agad akong napalingon nang marinig ang boses ng kapatid ko. Hawak niya ang isang mangkok na puno ng chicharon.

"Bakit nagmamadali ka? May problema ba?" Aniya. Nag-aalala ang kanyang mga mata na nakatitig sa 'kin, mabilis naman akong umiling.

Habang naglalakad ako kanina ay para bang may nakamasid sa 'kin. Napakurap ako bago ngumiti sa kanya. Hindi siya dapat mag-alala at baka maapektuhan ang kanyang pag-aaral.

Tumikhim ako bago magsalita. "Okay lang, hinahabol lang ako ng aso. Kumain ka na?"

Mataman niya akong tinitigan. Mukhang nagdududa siya sa palasot ko. "Hindi pa. Hinihintay kita eh. Kain na tayo." Pumasok siya sa kusina, nakarinig na lamang ako ng tunog ng mga kubyertos.

"Bihis lang ako!" Sigaw ko sa kanya bago mabilis na nagtungo sa 'king kwarto.

Agad kong binagsak ang katawan sa malambot kong kama. Napabuntong hininga ako sabay tumingin sa kisame. Maaga nagsara ang bookstore dahil sa pangyayaring iyon.

Alas onse pa lang ay kailangan na naming umuwi, maliban kay manong janitor at manong guard. Anim na oras lang ang trabaho ko bilang kahera, maliit ang sahod kapag gano'n palagi ang schedule ko.

Hindi naman ako pwedeng magpalit ng schedule at gawing umaga ang trabaho dahil may klase ako.

No'ng nakaraang araw ay sa alas dose ng tanghali hanggang alas syete ng gabi ang schedule ko. Kaya nga pumayag din ako na magpalit kami ng schedule ni Tessa para tuloy-tuloy na ang klase ko sa umaga. Pagkatapos ng semester na ito ay babalik ako sa pang umaga na schedule sa trabaho. Sana naman wag na.

"Tulog ka na, ate? Kain na. Mangayayat ka pa't mapagkamalan ng aso na 'sang buto." Narinig ko ang boses ni Mavis malapit sa pinto ng kwarto ko.

Mabilis naman akong nagbihis bago lumabas. Nadatnan ko siya na maganang kumakain.

"Hinihintay raw ako. Eh nauna ka na nga kumain." Padabog akong umupo sa bakanteng upuan sa harap niya.

"Ang arte mo magbihis. Ang tagal-tagal. 'Kala ko nga nakagown ka na lalabas eh." Sabay irap niya sa 'kin. Kalalaking tao nang-iirap.

Umismid ako. "Bakit mo ba kasi ako hinintay eh malapit na mag alas dose?"

Ngumisi siya sa 'kin. Sinawsa niya ang chicharon sa suka na may sili. "Kakagising ko lang din, nakatulog ako kakabasa sa notes." Aniya.

Mataman ko siyang tinitigan habang patuloy lang siya sa pagkain. Sinungaling. Akala ko ba hinintay niya ako.

Tumikhim ako para makuha ang kanyang atensyon. "'Wag kang lalabas kapag gabi, Mavis. Malilintikan ka sa 'kin." Pinairal ko ang boses ng pagiging nakakatandang kapatid.

"Pano 'yan kapag gabihin ako sa internet shop? Palapit na ang midterm, ate. 'Tsaka dalawang taon lang naman ang agwat natin ah. Di na ako bata!" Asik niya.

Tumaas ang kilay ko sa narinig. "Bata pa ang desysais, Mavis. 'Wag matigas ang ulo." Seryoso kong tugon.

Narinig ko siyang bumuntong hininga. "Fine."

"Good. Buti naman nagkakaintindihan tayo."

Hindi na lang siya tumugon. Nagpatuloy na lang kami sa pagkain hanggang sa matapos. Naunang matapos si Mavis, tumayo siya at nilagay ang pinagkainan sa lababo.

When The Night Falls Where stories live. Discover now