Night 4: Letter

3.6K 223 0
                                    

Night 4: Letter

“Sabihin niyo kung sino ang responsable sa krimeng ito?!” Asik ng lalaking nakahawak sa megaphone.

Inayos ko ang black cap bago dumaan sa gilid ng kalsada na malapit sa Mystone Circle kung saan mayroong nag rarally. Nasa tapat din sila ng munisipyo ng lungsod.

“Maraming nawawala! Maraming hindi nakauwi sa kanilang pamilya!” Asik pa ng babaeng nakahawak din sa megaphone.

“Wala kayong ginagawa na aksyon!” Muling asik ng lalaki.

Napatingin ako sa kanila. Lahat sila ay nakasuot ng itim na damit, tila kasali rin ako sa kanila dahil sa itim kong damit. Nagsindi rin sila ng kandila sa tapat ng munisipyo. May banner silang nilatag doon na nakasulat ang mga katagang ‘No To Bloodless Nights!’

Makulimlim ang kalangitan, tila uulan mamayang hapon. Papunta ako sa boardinghouse na tinutuluyan ni Tessa. Hindi ko siya makontak simula kanina kaya ako na ang pupunta sa kanya para ibalik ang schedule ko.

Ayoko na umuwi sa gabi. Ayoko na maulit ang nangyari sa 'kin.

***

Nakaramdam ako nang pagkahilo. Mahigpit akong napahawak sa kanyang torso, tila umiikot ang paligid ko kahit nakapikit ako.

“You're safe now.” Narinig kong sabi niya.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata. Bumungad sa 'kin ang pamilyar na silid, narito ako sa 'king kwarto.

Bumaling ako sa kanya. Hindi ako makapagsalita. Ilang sandali pa ay bigla siyang nawala sa paningin ko kasabay na pagbagsak ko sa kama.

***

Bigla na lang may bumangga sa 'kin na nagpagising ng aking diwa. Lumingon ako sa may gawa no'n. Bumungad sa 'kin ang mga nagrarally. Kusang gumalaw ang mga paa ko papunta sa gitna ng Mystone Circle. Pinapalibutan nila ang munisipyo.

“Ilabas ang responsable!” Asik nila.

Humarap ako sa nagrarally at sumiksik doon, mas lalo silang dumami. Marami na ngang media, police at dalawang truck ng bombero. Ayokong sumama sa pag-aalsa nila. Kailangan ko makaalis dito.

“Hahayaan niyo na lang ba mangyari sa mga mahal niyo sa buhay ang karumaldumal na krimen?!”

Kusang huminto ang mga paa ko sa narinig. Wala sa huwisyong lumingon ako sa lalaking hawak ang megaphone.

“Gusto niyo bang mangyari 'yon sa kapatid niyo? Kaibigan? Anak?!” Muli niyang asik.

Bigla kong naisip si Mavis. Paano pag nangyari kay Mavis ang nangyayari ngayon? Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

“Hindi!” Asik nila.

“Walang ginagawa ang mga naluklok sa posisyon upang puksain ang lumalaganap na krimen sa syudad!”

Umiling ako bago dumaan sa kabilang deriksyon hanggang makarating sa gilid. Inalis ko ang cap bago pinunasan ang pawisan kong noo.

Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy sa paglalakad. Ilang sandali pa ay natanaw ko ang all girls boardinghouse nila Tessa. Agad akong nagtungo roon. Bumungad sa 'kin ang land lady nila habang nakatambay sa kanilang bakuran.

“Excuse me ho.” Nag-angat siya ng tingin sa 'kin. “Nandiyan po ba si Tessa? Gusto ko lang po siyang makausap.”

Binaba niya ang gansilyo sa kanyang hita. “Umuwi siya sa kanila kaninang madaling araw.”

Bahagya akong natigilan. Kung umuwi siya, ibig sabihin, binigay niya ang schedule ko sa iba.

“Sige ho. Salamat.”

When The Night Falls Where stories live. Discover now