• Chapter 26 •

3.6K 133 5
                                    

Nakia ko ang mga cute at nag gagandahang Pets nang mga estudyante na nakapagsummon na

Nang makatapos ang lahat nagsalita na ang MC

"Alright now let us witness the Royalties as they summon their Guardians and pets!"sabi nang MC kaya napatayo na kami nang mga kaibigan ko

"Goodluck guys!!"sabi ni Therese na katabi ang kanyang pet na Bear na maliit na pwedeng maging isang alahas upang makapagpahinga ito at ang guardian niya ay pumasok na sa katawan niya

Kinakabahan talaga ako eh feeling ko talaga may mangyayaring masama

Hinawakan ni Clauss ang kamy ko kaya bigla akong napatingin sakanya

Nginitian niya ako tsaka iginiya papunta sa stage

Nakarating kami sa stage ngunit nakahawak parin siya sa kamay ko

"Kaya mo yan Cass wag kang kabahan tawagin mo lang ako at darating ako"sabi niya sakin kaya napangiti ako

'Salamat Clauss'

Binitawan niya na ang kamay ko at naghanda na

Nakahilera kami sa opening nang stage at ang katabi ko ay si Clauss at Catherine

Huminga muna ako nang malalim bago kami sabay sabay na pumasok sa forest

Naging alerto agad ako nang maramdaman ko ang maraming halimaw sa loob nang forest

Nakita ko ang iba't ibang creatures na nakapaligid sakin ngunit nagiging mailap sila sakin kaya alam kong hindi sila para sakin

Nagulat ako nang may biglang aumugod sakin at lumitaw sa harapan ko

Agad naman akong nakaiwas sa halimaw na mukhang Cyclops

(Note: Cyclops is a one-eyed creature)

Pinaulanan ko ito nang fireballs ngunit nasasalag ito nang kanyang mga braso na may proteksyon

Gumawa ako nang fire sword at kinontrol ko ang pagliyab nun dahil baka masunog ko ang buong forest

Kahit itoy isang Illusion lamang ay nagmumukha at nakalilikha ito nang kung ano ano basta ginamitan nang magic

Hiniwa ko ang kamay niya na pasugod sa kinaroroonan ko kaya napaaray ito sa sakit

Nakita ko nalang na lumabas ang green na dugo mula sa kanyang sugat

Mabilis na Gumawa ako nang ice daggers na nakakapagpatigas nang kahit anong uri nang likido

Ibinato ko ito sa mismong puso nito at sa isang iglap ay nawala na ito

Grabe! Illusion lang nga pero ang hirap kalabanin!

Naglakad lakad lang ako nang may naramdaman akong papalapit sakin

Marami ito.. Sobrang dami....

Ginamit ko ang soul tracker sight ko
(Note: imbento ko lang po yan but basically ang soul tracker sight ay nag iiba ang paningin nang gagamit nito at ang nakikita lang nito ay life charges at ang kapaligiran ay nagiging itim, ang mga pinakamalalakas lang na mga light users ang may kakayanan nito: mga dugong bughaw at ang ilang bihasa sa pagmamanipula nang majikang ito)

I'm the Princess of the Mistique Kingdom (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon