• Chapter 27 •

3.3K 120 11
                                    

JERALD

Ilang minuto na mula nung makalabas kaming lahat sa gubat maliban kay Cass

Nasan na ba siya??

Kanina pa ko paikot ikot sa stage ngunit nakailang ikot na ata ako ay hindi ko pa rin siya nakikitang lumabas sa gubat

Nasan na ba kasi siya??

Baka napahamak na siya... Yan ang parating pumapasok sa isip ko

Sasabihin ko na sana sakanila na hahanapin ko si Cass sa loob nang may makita akong isang lalaking papalapit samin buhat ang isang katawan ma nagpabilis na tibok ng puso ko

Si Cass....

Biglang umakyat Ang galit at selos sa ulo ko nang maalala kong buhat siya nang isang lalaki

Agad ko silang sinalubong at tinanong ang lalaki

"Sino ka?!? Anong nangyari kay Cass?!?"bulalas ko sakanya

"Pasensya na pero hindi ko muna maaaring sabihin sayo kung sino ako.. Nahimatay lamang siya dahil sa sobrang pagod kaya kung maaari ay dadalhin ko na siya sa kanyang kwarto upang siya ay makapagpahinga"mahabang paliwanag niya ngunit lalo lang akong nagalit sa mga tinuran niya

"Ako na ang magdadala sakanya"matigas na sabi ko

"Hindi maaari"sabi niya at bago ko siya mahablot ay nawala na siya nang parang bula

Uggghhh?!!!!! Sino ba yung lalaking iyon!!!

----------------------
CHARMAINE

Nagising ako nang maramdaman ko na mayroong nasa aking tabi

"Mahal na prinsesa gisng ka na pala"sabi niya nang nakangiti

"Oh Ziro bakit ka nandito?? Nasan ako??"nagtatakang sambit ko sakanya

"Nandito ka na sa iyong silid Prinsesa at nandito ako upang bantayan ka"sabi niya habang nakatingin parin sakin

"Bakit hindi ka bumalik sa pagiging pusa mo?? At nasaan na Ang mga kaibigan ko?"naguguluhang sabi ko nang mapagtantong siya lang ang nasa harapan ko

" nasa labas ang iyong mga kaibigan na nag aantay na magising ka"sabi niya kaya lalo akong nagtaka

"Bakit hindi mo sila pinapasok??"naguguluhang tanong ko parin sakanya

"May namumuo kasing plano sa isipan ko"sabi niya habang nakangisi

"Ano naman yun??"sabi ko sakanya

"Paano kung magpanggap tayo na parang kilala na natin ang isa't isa??"sabi niya

Ano naman kaya iniisip neto

"Ahm Ziro kung magpapanggap tayo? Hindi ba pwedeng Charmaine nalang ang tawag mo sakin??"sabi ko na sinabg ayunan naman niya

"Halika na Charmaine hinahanap ka na nang mga kaibigan mo"sabi niya at inakbayan ako

Tatanggalin ko na sana iyon ngunit may sinabi siya sakin kaa hinayaan ko siya

I'm the Princess of the Mistique Kingdom (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon