• Chapter 28 •

3.3K 141 8
                                    

JERALD

Ano ba yan bat lagi nalang ganto ang sitwasyon ko?!

Lagi kong iniintay ang babaeng pinapangarap ko na dumating at alam kong may kasama siyang lalaki

Lalo na kung si Francis ang kasama niya!!

Nag aalala na ko sakanya dahil sobrang tagal nilang tatlo nila Francis at nung bwisit na Ziro daw

Lalabas na sana ako nang may makita akong mukha nang isang babaeng dahilan nang pag aalala ko pagbukas ko nang pinto

Si Cass.....

Ngunit nakita ko rin na may hawak siyang kamay...

Wag mong sabihing...

"Clauss???"tanong ni Cass sakin habang ipinapaspas ang kamay niya sa mukha ko kaya nabalik ako sa hwisyo

"A-ah sorry d-daan n-na"sabi ko at pumunta na ko sa balcony nila dahil nandito na naman ang pupuntahan ko dapat

Bat parang may kutob ako na sila na?? Sana hindi magkatotoo toh

Ilang sandali pa......

------------------
CHARMAINE

Nilapitan ko si Clauss dahil nag aalala ako na baka dahil sa nakita niya kanina ay inakala niyang sinagot ko na si Francis

Kinakabahan parin ako dahil sasabihin ko na ang mga salitang yun anytime once na mag usap kami

Kasalukuyan kaminf nasa balcony nang dorm namin

Hinawakan ko ang balikat niya

"Hey what's wrong??"tanong ko sakanya at mapapansin mo na nagulat siya dahil napaitlag siya nung nagsalita ako

"A-ah w-wala"sabi niya at akmang tatayo na nang pigilan ko siya at tumabi sakanya

"Tungkol ba toh sa nakita mo kanina??"straight to the point na sabi ko at nakita kong medyo nanlaki ang mata niya

Sabi na eh

"Ano bang iniisip mo?? Iniisip mo ba na kami na??"tanong ko ulit sakanya kaya tinignan niya ko at tumango

Napabuntong hininga naman ako tsaka sumandal sa balikat niya na alam kong ikinagulat niya

"Alam mo bang pati siya napansin na kung sino yung gusto ko??"tumingin ako sakanya at sinabi ko yun nang nakatingin sa kanyang mata

"Sino nga ba ang gusto mo Cass?"tanong niya sakin kaya napaismid ako

"Manhid ka... Manhid ka... Walang pakiramdam...."kanta ko sakanya at nakita kong kumunot ang noo niya

"Tss manhid nga"pabulong na sabi ko at bumuntong hininga

"Cass ano ba yung sinasabi mo???"sabi niya kaya gusto ko nang paluin yung noo ko pero buti napigilan ko

"Wala....."mahabang sabi ko sakanya

"Ayos lang naman kung sasabihin mo saking yung Ziro na yun ang gusto mo kasi alam ko namang tayo parin eh hanggang huli"seryosong sabi niya sakin pero natawa ko hindi dahil sa kahanginan niya kundi dahil sa sinabi niyang gusto ko si Ziro

I'm the Princess of the Mistique Kingdom (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon