Chapter 38 • The Light's Gem • (part 2)

611 13 17
                                    

CHARMAINE

"Master" bulong ni hiro saaking isipan kaya ako'y naalimpungatan

"Oh hiro bakit?" Tanong ko sakanya

"May nararamdaman akong paparating master. Kailangan nyo na umalis dito sa lalong madaling panahon" sabi nya sakin kaya napadilat ako bigla

Pagkadilat ko, nakita ko si hiro na nag anyong tao na at nasa harapan ko na

"Kailangan na natin umalis" ulit nya sakin kaya agad akong tumayo at ginising ang aking mga kasamahan

Maayos naman na ang aking lagay dahil nakapagpahinga na ako at ginamot na ni Francis ang sugat ko

Ng magising na namin ni hiro ang aming mga kasama ay agad kaming nag ayos at tumungo na sa aming pupuntahan

Nanatiling tao si Hiro dahil baka may makasalamuha nanaman kaming creatures

Matapos ang ilang oras ay natunton na namin ang itinuturo ng mapa

" sabi dito sa mapa, nandito na tayo" sabi ni Miyumi

Nasa harap namin ngayon ang isang magandang waterfall na napapaligiran ng nag gagandahang bulaklak

"Teka teka, kung nandito na tayo, nasan yung gems? Tsaka bat parang wala namang cephalids dito? Sigurado ka ma Miyumi?" Tanong ni Therese

"Oo, yun ang nakalagay di—" hindi na natapos ni Miyumi ang kanyang sinasabi noong biglang nahati sa gitna ang waterfall at nagkaroon ng opening at ipinakita niyo ang gems na hinahanap namin

Pupuntahan na sana namin ang mga ito ng biglang sumakit ang aking ulo

"Aaaarghhhhh!!" Narinig kong sigaw ng mga kasama ko na para bang nararamdaman rin yung sakit na nararamdaman ko

Nang mawala na ang mga sigaw nila ay unti unting nawala ang sakit ng ulo ko

Unti unti akong dumilat at nakita ko lang ay isang madilim na kakahuyan. Malayo sa itsura ng kinatatayuan ko kanina na mayroong magagandang bulaklak at napakagandang kagubatan

"CLAAUUSSS!!, HIRROOO!!!!, GUYSS!! NASAN NA KAYOO!!!" Sigaw ko ngunit parang walang nakakarinig saakin

Nasaan ba ko?

Naglakad lakad ako hanggang sa may nakita akong isang lumang bahay. Sa sobrang luma nito ay sira sira na ang ilang parte nito

Paglapit ko'y may biglang nagbukas ng ilaw sa loob. May tao! Baka alam nya kung nasaan ako ngayon

Linspitan ko sng bahay at kumatok sa pintuan

"Tao po! Tao po!!" Tawag ko sakanya

Kakatok na sana ako ulit ng biglang bumukas mag isa ang pinto kaya pumasok na ako

"Tao po? Magtatanong lang po sana ko kung nasan ako? Maaari nyo po ba ko tulungan?" Sabi ko sa lalaking nakatalikod saakin

Biglang sumara ang pinto sa likod ko

"Charmaine" tawag sakin ng lalaki

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm the Princess of the Mistique Kingdom (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon